Chapter 6
Umuwi ako pagtapos nang pangyayari 'yun. Gusto ko ulit siyang sapakin at sampalin ng isang daang beses. Gigil ako sa kanya. Bakit ba pinag tatagpo ang landas namin?
Around 4AM ako nagising para maligo at mag bihis, I'm wearing blue blouse and a mini skirt. Nag suot din ako ng heels na two inches. Nag lagay ako ng light makeup. Nang makitang satisfied sa itsura ko lumabas na'ko ng kwarto namin ni Aika.
Kahapon pag uwi ko'y nag aayos na si Aika para sa kanyang trabaho. Ako naman natulog na lang ako dahil sa pagod din. Pag alis ko kanina wala pa siya. Oras pa 'ata para sa trabaho niya.
6AM ng maka dating ako sa Salv Company. Madaming empleyado ang nag sisipasukan tila'y nag mamadali at ayaw mapagalitan.
Pagdating sa lamesa ko agad kong nilagay ang gamit ko doon, sa tingin ko wala pa ang boss kong may saltik.
"You're late today Ms. Bernito" Matigas na ingles ang narinig kong boses sa likod ko. Napa irap ako, mas nauna lang siyang dumating sa'kin at sakto lang ang dating ko sa oras ng pasok ng mga empleyado.
Humarap ako sa kanya. Na laglag ang panga ko dahil sa itsura niya. He's wearing a Charcoal grey suit and it's the same color of his slacks, sa panloob niya'y kita ko ang crisp, white botton-down and black skinny Tie. Na bumagay sa kulay ng damit niya. Naka black shoes din siya ng bumaba ang tingin sa paa.
Tumikhim ako nakita kong gumalaw siya, tila hinihintay ang sagot ko. Kumunot ang noo ko.
"Sir-"
"Mr. T" He cut me off. Halos mapairap ako doon. Ang arte naman nito! Gusto ko sanang isigaw pero dahil boss ko siya isinatinig ko na lang.
"Mr. T its 6:10am po. Ang pasok ng empleyado ay 6:30am hindi naman tamang wala kaming kalayaan sa oras namin diba?" Sagot ko, agad na umarko ang kilay niya na para bang na offend sa sinabi ko.
"Whatever you say! Kung ano ang sinabi ko 'yun ang masusunod naiintindihan mo ba Ms. Bernito!?" Tiim bagang niyang saad, hindi naka ligtas ang mata niyang parang nanlilisik sa galit.
"Edi kayo na lang po maging Secretary tapos ako maging Boss mo. para malaman mo nararamdaman ng empleyado mo!" Mas lalong dumilim ang mukha niya. Akala ko'y magiging una at huling araw ko sa Salv Company. Akala ko mawawalan agad ako ng trabaho dahil sa pag sagot ko sa kanya pero hindi nangyari 'yun.
Ni wala akong narinig na you're fired or tanggal ka sa trabaho mo! Galit niya lang akong binalingan ng masamang tingin bago padabog na sinarado ang pintuan ng opisina niya.
Napapikit ako at dinama ang puso kong sobrang lakas ng tibok dahil sa sobrang kaba. Tinalikuran ko ang pintuan ng opisina niya. Nagulat ako dahil madaming naka tingin at naka tutok na mga mata sa'kin. Ngumiti na lang ako sa kanila bago naglakad paupo. Tinuloy na nila ang mga trabaho nila kaya nawala rin ang mga matang siguro'y nakita ang pag sagot ko.
Hinilot ko ang sentido ko at tinitigan ang computer sa harap ko. hindi ko alam kung paano 'to buksan kaya nag hanap ako ng tulong ng saktong na mang may dumaang lalaki sa harap ko. Alam ko isa rin siyang nag tatrabaho dito tulad ko.
BINABASA MO ANG
Bound In You (ongoing)
RomanceIsla Heena Cuevas is a simple woman who just wants to help her father in trouble. until it led to her marrying the son of her father's business partner. until she decided to leave and become the secretary of the rude and ignorant Terrence Salvatore...