Chapter 7
Pumasok ako sa loob ng opisina niya para ibigay ang kanyang pagkain. Naabutan ko rin siyang naka kunot ang noo habang nag babasa nang hawak niyang kulay asul na folder. Hinilot niya ang sentido niya na parang bang may hindi magandang binabasa.
Kung wala siguro kaming bangayan nitong kumag nato magagwapohan ako sa kanya. The fuck Isla ano sinasabi mo? Kailan kapa nag compliment ng kalaban? Tama hindi dapat binibigyan ng compliment ang taong masama ang ugali!
"Here's your food Mr. T"
I put his food under the table. Hindi niya ko tinapunan nang tingin. Kaya nag hintay muna ko kung may ipapagawa paba siya.
Napag masdan ko ang kanyang mukha. At hindi ko itatanggi na gwapo at perpekto ang pagkakagawa ng mukha niya. Siguro nung nag papaulan ang diyos ng kagwapohan nasa unahan siya ng pila?
Busy siyang binabasa ang hawak niyang folder, pero agad napaangat ang kanyang tingin ng mapansin na hindi ako umalis. Agad kong inilihis ang mga mata ko ng marealize na masyado kong pinatitigan ang kanyang mukha.
"What?"
Tumikhim ako para alisin ang naka barang ano man sa lalamunan ko. Tinigasan ko ang expression ng mukha ko para 'di makita ang takot sa mukha ko. Bakit nga ba ako natatakot? Hindi ko alam. Basta ang gusto ko lang wala siyang masabing iba. Dahil mag sisimula ito ng bangayan namin dalawa.
Gusto kong magtrabaho ng walang kaaway sa isang lugar. Lalo na boss ko siya. Pero kung lagi kong naalala ang nangyari sa bus baka kailanganin ko na ngang mag hanap ng ibang trabaho?
"May uutos pa po ba kayo?" Tanong ko. Kita ko ang pagiging arrogante sa mga mata niya.
"Call Bennie" he said and looked again to the folder that he has been reading. Lumabas ako para gawin ang kanyang sinabi. Tinawag ko ang nangangalang Bennie. Agad siyang nanginig ng sabihin kong pinapatawag siya ni Mr. T sa kanyang opisina. Ang babae ay namula ang mata na para bang iiyak.
Kumunot ang noo ko, bakit? Bakit ganyan ang epekto ng lalaking 'yon sa mga nag tatrabaho dito? Alam kong hindi ko na dapat tinatanong 'to. Obviously, he is the CEO, ang may ari ng building na 'to. Kanya ang mga nasa loob ng gusaling ito, kasama na ang mga empleyado. Pati ako.
We need his money as he need us too. Kung wala nag tatrabaho sa kanya. Walang pumapasok o wala siyang nahahawakan na pera. I think, this is fair for all of us.
"Ganyan ang ibibigay mo sa'kin report huh!? Nag aral ka ba?" Rinig kong galit na sigaw ni Mr T.
"I-I'm sorry Mr. T... b-babaguhin ko na lang po" panginginig ng boses ang narinig ko kay Bennie.
Naawa ko sa kanya. Kita ko kanina sa mukha niya ang stress at parang hindi siya mapakali ng tinawag ko siya. Ngumiti lang siya sa'kin bago pumasok sa opisina ni Mr. T. pero hindi umabot sa mga mata niya ang ngiting yun.
"NO! I need a BETTER PROPOSAL!!"
Gusto kong pumasok, pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Ayaw kong makielam. Pero hindi ako mapakali sa inuupuan ko!
"Y-yes Mr. T... bukas na bukas din po..." takot na boses ni Bennie.
"Get out of my office!!" Sigaw ni Mr T.
Bumukas ang pintuan at lumabas si Bennie, doon ay napa tayo ako. Pero hindi niya ako pinansin tumakbo siya habang nakatakip ang mukha ng kanyang mga palad.
Tumingin ako sa loob at nakita doon si Mr T. Na naka lagay ang mga malalaking palad sa kanyang mukha. At tila'y stress sa mga nangyayari.
Gusto ko siyang tirisin at hambalusin ng nasa harap niyang computer. Bakit parang siya pa ang stress sa nangyayari? Ang empleyado niya ang gumawa nun hindi naman siya!
BINABASA MO ANG
Bound In You (ongoing)
RomanceIsla Heena Cuevas is a simple woman who just wants to help her father in trouble. until it led to her marrying the son of her father's business partner. until she decided to leave and become the secretary of the rude and ignorant Terrence Salvatore...