Chapter 8

38 8 1
                                    

Chapter 8

It's been a week since that happened. At sa mga nakalipas na araw ng lingo maraming mga nangyari. isang lingo na rin kaming 'di okay ni Mr. T. Nasasanay na rin ako sa trabaho ko at sa palaging init ng ulo niya.

Hindi ko rin alam kung bakit nandito pa 'ko, kung bakit hindi niya pa ako tinatanggal. I think it's because wala pa siyang mahanap na iba? O dahil iniisip niyang wala siyang matinong makukuhang Secretary? I don't know.

At sa sobrang sungit at sama ng ugali niya madami na rin nag resign sa isang lingong 'yun. Hindi na nakakapag taka iyun. He's mostly angry or bad to his employees. Hindi ko na lang pununa yun dahil wala rin naman ako sa lugar.

Maaga akong pumasok ng mag lunes at wala pa siya nang dumating ako kaya hindi agad nasira ang araw ko. May mga tao na sa 35th floor pagdating ko. Binati muna nila 'ko at nakipag kwentuhan muna ako dahil wala pa si Mr. T.

"Pwede kang mag model Ina." Naka ngiting tugon ng isang empleyado. Uminit ang pisnge ko dahil doon. Naging isang model ako noong bata ako sa isang magazine na pang bata pero hindi ko nagustuhan 'yun. Siguro hindi ko rin naman passion ang ganon?

"Huh? Hindi naman ako maganda para mag model... at mas gusto ko na lang ang gantong trabaho"

Sa mga nag daang araw, palagi kong kinakamusta si Dad kay Dove. Araw araw pag wala akong ginagawa ako ang tumatawag sa kanya kapag freetime. Palagi parin akong hinahanap ni Dad kay Dove. At palaging nag hahanap ng isasagot si Dove para hindi ako makita o mahanap ni Dad. Nag iingat siya palagi sa mga sasabihin niyang palusot pag nag tatanong sa kanya si Matias at si Dad.

"Sayang ang beauty mo dai. Kung ako ang binayayaan ng ganyan nako papasukin ko ang mundo ng Media" natawa ako sa sinabi ng maganda ring si Phia.

"Maganda ka naman Phia. Pwede mong pasukin ang Media kung gugustuhin mo lang." sabi ko habang naka ngiti sa kanya. Humalakhak siya sa sinabi ko.

"Galing mo mambola Ina. Sus yung isa ko ngang Crush dito 'di ako pinapansin eh" sabi niyang pasigaw pero hindi naman malakas sakto lang para malaman ng tinitibok ng kanyang puso. Humalakhak kami at nag kwentuhan pa.

Naging masaya ang pag kukwentuhan namin ng matigil lang 'yun ng dumaan sa harap namin si Mr. T na badtrip na naman ang mukha. Mga bumati sila Phia sa kanya pero hindi niya nilingon man lang ang mga ito.

Napairap ako sa kawalan. Palagi siyang ganyan pag dadating hindi kami pinapansin pag bumabati. Walang kaso sa'kin 'yun dahil ayaw ko ng palakihin pa ang nagawa ko noong last ko siyang binungangaan.

Na ngako na rin akong aayusin ko ang pag trato ko sa kanya dahil kahit papaano Boss ko pa rin siya.

"Sungit talaga ni Mr T." Bulong ni Jelly nang pumasok na sa loob ng kanyang opisina si Mr T.

"Di ka pa na sanay. Eh si Ina nga lang yung malakas loob na kausapin si Mr T ng pabalang eh" nag tawanan kami dahil sa sinabi ni Brent.

"Akala ko nga isang araw lang magiging trabaho ni Ina dito dahil sa dami ng pinagawa ni Mr T sa kanya nung unang araw niya eh" aniya ni Phia.

Hindi naman nag bago araw araw parin niya akong binibigyan ng sandamakmak na gawain. Alam kong may galit siya dahil ramdam ko 'yun bawat usap naming dalawa.
Pero hinahayaan ko na dahil pwede ko namang gawin sa boarding house.

At minsan natutulungan ako ni Aika dahil doon kaya simula nun nag kakausap na kami pero hindi palagi, dahil minsan lang kami mag pang abot sa boarding house. Alas sais ng madaling araw ang pasok ko. Alas otso o alas nwebe naman siya umuuwi ng umaga at natutulog din kaagad pagkadating sa kwarto namin. Ganon din ako. Dahil alas otso rin ang uwi ko, depende pa iyun dahil din minsan sa traffic.

Bound In You (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon