Chapter 9

36 6 1
                                    

Chapter 9

Nasa cafeteria kaming lahat. Madaming sumabay samin na kumain ni Ben. Tawanan at asaran ang mga ginawa namin lahat At Kami lang yata rin ang maingay doon sa canteen ng building dahil minsan napapatingin samin ang ibang kumakain.

Palagi nilang inaasar si Phia tungkol sa Crush daw niya. Hindi naman niya sinasabi kung sino pero palagi siyang nag paparinig. Ako naman ay nakikitawa na lang sa mga pinag uusapan nila.

Masaya silang kausap dahil hindi sila nawawalan ng pwedeng pag usapan.

"Ikaw Ben? Dati naman 'di ka sumasali samin eh. Ikaw ah" asar ni Ms Malissa kay ben. Natawa si Ben na katabi ko. At napatingin sa'kin.

"Na realize ko lang masaya kumain ng may kasama" sagot niya.

Totoo naman. Masarap kumain pag may kasama at kausap. Noon palagi akong niyayaya ni Dove na kumain sa bahay nila. Minsan kasi wala ang mga magulang niya dahil out of town ang mga ito. Ganun din ako sa kanya. Minsan pag wala si Dad, pinapapunta ko siya sa bahay at minsan ay niyayayang mag overnight. Ayaw ko kasing mag isa. I don't like the feeling of being alone...

Kahit may mga kasama naman kaming mga maid. Hindi ko lang talaga gusto ang pakiramdam nang mag isa. Noong umalis ako takot akong mag byahe lalo na ako lang ang mag isang ba-byahe at may nangyari pa nung araw na 'yun tapos ang tapang ko pa!

"Correct ka jan! Kaya nga sumasama rin ako sa mga to pagkakain eh. Pero pag madaming ginagawa wala kong choice kung hindi kumain na lang mag isa sa opisina ko" sabi ni Ms. Malissa.

"Gusto Mo Ms. Malissa. puntahan ka na lang namin sa Opisina mo pag busy ka at mag isa ka lang kumakain?" sabi naman ni Jelly.

"Nako kung sila pwede, pero pag ikaw wag na! Kalat mo kumain!" Nag tawanan kami doon.

Naramdaman ko ang tingin sa'kin ni Ben kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti. Nag iwas siya ng tingin at kumain na.

Napuno ng halakhak ang buong Canteen dahil sa ingay namin. Inaalala nilang baka magalit si Mr. T kung may mag sumbong na para kaming mga palengkera doon. Nang na realize kong late na kami at lagpas na ng trenta minutos ang lunch namin ay nag madali kaming tinapos ang mga pagkain at umakyat na.

Si Ben ang unang bumaba sa kanyang palapag pero bago 'yun nag paalam muna siya sa mga kasama bago sa'kin.

"Bye... uhh Next time ulit" aniya.

Tumango ako "thank you!" Sabi ko habang kumakaway sa kanya.

Habang pasara ang pintuan ng elevator ay nakatitig siya sa'kin. Ngumiti ako sa kanya hanggang sumara ang pintuan.

Naiwan kami nila Ms Malissa dahil lahat kami ay sa 35th floor. Maingay ang loob ng elevator dahil sa kwentuhan at tawanan nila. Tumatawa na lang ako pag may pinag uusapan silang nakakatuwa.

"Nag pustahan pa kami nila George kung ilang araw lang si Ina dito eh." Tumatawang sabi ni Brent.

"Naku pusta ko nga nung araw na 'yun. dalawang araw lang siya tatagal" humalakhak kami sa sinabi niya. "Hanggang umabot na sa isang lingo 'di parin siya na tatanggal. Partida ah, palagi niyang nasasagot si Mr. T." Aniya.

"Atapang atao pala 'tong si Ina" si Gearge.

"Bhosz mapagmahal02. Pero mahal kaba?" sabi ni Phia nagtawanan sila at ako naman ay umiiling lang habang may ngiti sa labi.

Naalala ko ang unang araw ko dito sa Salv Company. ayun yung napagalitan si Bennie at sinabihan ako ni Mr T nang chismosa.

Di ako chismosa bungangera lang. Akala ko rin noon ay tatanggalin niya ako pero pakiramdam ko'y pinapalagpas niya lang 'yun.

Bound In You (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon