Chapter 10
Pagtapos ng meeting agad nag paalam sa'min si Mr. Almero, ang sabi niya'y maylakad pa siyang kailangan puntahan. Una siyang nag paalam kay Mr. T at tumango lang ito sa kanya habang umiinom ng wine na hawak. humarap siya sa'kin para mag paalam din ngumiti lang ako.
Habang pabalik naman kami sa Company pansin ko ang pag-iba ng timpla ni Mr. T. busangot ang kanyang mukha at mabilis na pinapatakbo ang sasakyan. Bumuka ang bibig ko para mag simula ng sasabihin pero hindi ko na tinuloy dahil masama ang tingin niya sa harapan kinagat ko na lang ang labi para pigilan ang mga salitang gustong kumawala sa bibig.
Pagdating naman ng building nag kulong siya sa office niya at hindi na lumabas. Hindi ko alam kung anong problema niya at sinumpong na naman.
Maraming natatakot na pumasok sa kanyang opisina dahil baka sila ang mapag buntungan ng init ng ulo niya kaya pinapasuyo na lang sa'kin nila Jelly ang mga kailangan mapasa o ang kailangan pirmahan niya.
Mabilis lumipas ang mga araw at mas naging mainitin pa ang ulo niya at palagi rin siyang galit. Palagi niya rin akong na sisigawan. At hindi lang ako pati ang ibang empleyado'y nasisigawan o 'di kaya'y napapagalitan niya.
Ako na ang humihingi ng dispensiya kapag may napapagalitan o kaya nasisigawan niya sila Phia. hinayaan na lang muna siya ng mga empleyado doon at sa'kin na lang nila pinasuyo ang lahat ng kailangan nila. Pumayag na lang ako dahil ayoko naman na mapagalitan sila ulit.
Hindi na rin nasundan ang pagsama ko sa meeting niya. Pag sinasabi ko ang schedule niya tahimik lang siyang nakikinig minsa'y habang nag sasalita ako sa harap ng computer siya naka tingin. Pero alam kong nakikinig siya dahil napupuntahan niya lahat ng mga ito. Hindi ko alam kung bakit hindi na yun nasundan pero walang kaso sa'kin yun. Siya ang boss ko kaya walang problema kung ayaw niya kong Isama.
Naging stress ako sa trabaho kaya hindi na rin muna ako nakikipag halubilo kila Ms. Malissa. Nakakailan tanggi na rin ako pag niyayaya ako ni Ben na sumabay kumain. Nahihiya na 'ko sa tao dahil umaakyat pa siya ng palapag namin para lang yayain ako.
Hanggang nag isang buwan ako sa Salv Company at nag sahuran na. Ang naisip ko'y bayaran agad si Aling Loleng para sa boarding house. At bumili na rin ng mga kailangan ko. Si Ms. Malissa ang nag handle ng mga sahod ng ibang empleyado pero hindi ko alam kung bakit kay Mr. T ko pa kailangan direct kunin ang aking sahod. Bakit hindi niya na lang ipagkatiwala kay Ms. Malissa?
Pumasok ako sa loob ng Office niya. Naka tayo siya at tila malalim ang iniisip. His both hands are in his pockets. His wearing a plenty white blue botton-downs with grey slacks. Ang mga mata niya'y naka tutuk sa glass at tinatanaw ang mga sasakyan. his thick eyebrows met. Umiigti rin ang kanyang panga.
"Good evening Mr. T" Hindi ko hinayaang mahalata niya ang panginginig ng aking boses.
Ang mga madilim niyang mga matang naka tingin sa malaking glass window ay tumingin sa'kin. Naka ramdam ako ng lamig dahil dun.
Naglakad siya papunta sa kanyang lamesa at umupo sa kanyang upoan. Mas lalo akong kinabahan ng makita ang mata niyang gumala sa aking katawan at bumalik ulit sa aking mukha. I looked away and bit my lips.
I don't know what I should say to him, kahit na palagi akong pumapasok sa office niya'y pakiramdam ko'y na mamangha parin ako dito katulad ng unang araw ko noon. Sa ilang araw na mabilis lumipas hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat kong gawin or sabihin pag kaharap ko siya.
I felt like I was running out of words. Hindi ko alam kung bakit ganto ang sarili ko. Noong una akong pumasok sa Salv malakas ang loob ko, pero ngayon parang nalusaw ang dila ko at hindi maka pagsalita.
BINABASA MO ANG
Bound In You (ongoing)
RomantikIsla Heena Cuevas is a simple woman who just wants to help her father in trouble. until it led to her marrying the son of her father's business partner. until she decided to leave and become the secretary of the rude and ignorant Terrence Salvatore...