Chapter 2
Kanina pa 'ko hanap ng hanap ako ng pwedeng pag stayan pero wala 'kong mahanap. Kanina pa rin ako nag lalakad dahil sa kakahanap. Gusto ko ng mahiga at matulog dahil sobrang pagod 'ko.
Habang nag lalakad ako, may nahagip ang mga mata ko na naka paskil ay Wanted Bedspacer sa isang gate. Susubukan ko mag tanong doon. Lumapit ako sa nag wawalis na matandang babae. Naka salamin at duster na red ito at ang buhok nito'y naka bun. Tumigil at tinignan niya 'ko.
"Excuse me po! meron pa po ba?" Tinuro ko ang nakapaskil na karatula. Tinignan niya ang tinuro ko at tumangong naka ngiti.
"Meron pa ineng sandali at sasamahan kita sa itaas para makita mo ang mga kwarto" Sabi ng may ari siguro ng bahay sa'kin. Ang matanda'y inayos muna at iginilid ang ginamit na walis. Nauna siyang mag lakad at sumunod ako sa kanya.
Pag akyat naman, may mga babae doon na nag kukwentuhan at nag kakatuwaan. Siguro'y mga bedspacer din dito. Na patingin sila sa'kin at nakita ko sa mga mata nila ang mapanghusgang tingin.
"Hoy! umayos nga kayo at may titingin sa mga kwarto. Kayo naman Aika ayusin niyo yan! at diba may pasok ka ngayon?" sabi nung matanda na nag papabedspacer. Pumeywang siya nang sabihin niya ang salitang 'yun.
"Nako Manang Loleng! pang gabi ho 'yan diba?" Sagot ng isang babae na naka sandong black at ang makinis nitong balat ay kitang kita. napatingin ako sa dibdib nitong makinis at parang papaya sa laki.
Sana all may suso!
"Itong batang to talaga! ikaw na ngayon si Magdalena?" Aniya ng Matanda.
"Manang Loleng, 'bat hindi niyo nalang po muna samahan ang titingin sa kwarto?" Sabi ng tinutukoy nilang Aika.
"Ayy! Oo nga pala! pasensiya na hija! tara ipapakita ko sayo, dito tayo" Sabi ni Aling Loleng inilahad niya ang kamay niya at nauna ng mag lakad.
Sumunod ako sa kanya. ang mga kwarto'y nasa gilid at may sala rin kung nasaan ang kaninang mga kausap ni Aling Loleng. Ipinakita niya sa'kin ang mga pag pipilian kong kwarto. Ang pinili ko'y yung may kasama dahil mas mura 'to kaysa sa mag sariling kwarto, wala pa naman akong pera para mag sarili. Siguro lilipat na lang ako pag naka hanap na 'ko ng magandang trabaho. At sa tingin ko'y pwede kong kausapin si Aling Loleng patungkol sa Advance ko?
"2500 kada buwan, 0ne month advance. At one month deposit. libre na ang ilaw at tubig hija. At mabait naman ang makakasama mo dito Si Aika? yung kaninang babae. Minsan lang kung unuwi 'yon kaya sa tingin ko'y okay na ito sayo?" Naka ngiting sabi ni Aling Loleng ngumiti ako at tumango. Lumabas ang ngipin niya sa loob ng labi at tumango tango. kinausap ko rin siya tungkol sa pag delay na ibabayad ko.
Pumayag siya sa hiling ko at humingi ako ng pasensiya. kasalanan talaga 'to nung lalaki sa bus. 'di man lang ako tinulungan kanina! Babae ako, diba pag may na nanakit sa babae, lalaki ang dapat ang tumulong sayo? Pero bakit may mga taong walang pakielam. Pero pag may nakatapat na mga kamera'y todo pakitang matulungin.
"Okay kana ba dito hija?" Tanong sa'kin ni Aling Loleng. Tumango ako at ngumiti bilang tugon. Buti na lang mabait si Aling Loleng at pinag bigyan niya akong madelay sa bayad ng pag stay ko dito. But before that. I need to find a job.
Bukas na bukas din kailangan kong mag hanap ng trabaho para sa pang-araw araw na gastusin. Kailangan ko din tawagan si Dove. Because I know she'll gonna freak out if I tell her na holdap ako sa sinasakyan kong bus.
"Yes po Aling Loleng. Maraming salamat po" Ngumiti ako sa kanya.
"Sige Hija, maiwan na kita at marami pa akong kailangan gagawin. si Aika na ang bahala sayo" Sabi niya nag lakad siya palabas ng kwarto at sakto naman ang pag pasok nung Aika sa Kwarto.
"Oh! Aika ikaw na bahala kay... ano nga ang pangalan mo hija?" Ang mata niyang kanina lang kay Aika nakatingin ay agad na bumaling sa'kin.
"Is-" Agad kong tinikom ang bibig ko dahil naisip ko. Hindi ko pwedeng sabihin ang totoo kong pangalan, It's easy to know people by their name, ngumiti ako.
"Ina Bernito po" Sagot ko.
Kumurap si Aling Loleng saka siya tumango tango. "Sige Ina, Ikaw na bahala sa kanya Aika" Aling Loleng said. Tumango naman si Aika bago tumingin sa'kin. Nag paalam si Aling Loleng sa'min bago lumabas at isara ang pinto.
Naglakad si Aika papasok at umupo sa ibabang kama. her long legs crossed and looked at me. Hindi ko alam kung anong meron sa mga tingin na 'yun pero I don't like it.
"taga province ka?" she asked.
Umiling ako, mahirap na hindi mapagkakatiwalaan ang ganyang mukha. Pero nag iingat lang ako. 'Di ako pwedeng makilala ng mga tao dito. Dahil baka may kakilala dito si Dad. I looked at her. Just how she looked at me.
"kung ganoon taga saan ka?" Tanong niya. hindi ko naman alam na may Q and A pa pala dito? 'di ako nainform ah.
"Paki mo? kailangan ba alam mo ang personal Information ko??" Sagot ko. she just raised her brows.
Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa bago siya tumawa. kaya kumunot ang noo ko sa pag tawa niya.
"Attitude ka girl?" Sabi niya habang tumatawa at nakahawak sa t'yan.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at naglakad kung saan pwedeng ilagay ang isa kong malaking bagahe. Buti nalang hindi 'to nakuha ng holdaper sa bus kanina, dahil baka wala akong magamit na damit. At paniguradong hindi agad ako makakahanap ng trahabo. At bukas din kailangan kong makanap ng trabaho.
kumuha ako ng damit pamalit sa gamit ko. nang makita ko ang isang puting maliit na envelope doon, kumunot ang noo ko dahil wala akong maalalang nag lagay ako nang puting sobre nung nag ayos ako ng gamit. Binuksan ko ito at nakita ang sampong libo doon.
Dove...
Bakit mag lalagay siya ng pera dito sa maleta ko?
"Wow may pera ka pala 'bat hindi mo binayaran si Aling Loleng?" Narinig kong kumento ni Aika sa likod ko.
"I... need this money for other purpose..." Palusot ko hindi ko din alam kung bakit may pera doon pero alam kong si Dove ang nag lagay nun. Siya lang ang kasama kong mag ayos ng gamit ko.
Bukas na bukas din mag hahanap ako ng trabaho. Dahil alam kong hindi kakayanin ng perang hawak ko ngayon ang pangangailangan ko araw araw.
"Mayaman ka noh? laking pera yan. oh kaya Magdalena ka?" What the fuck is she saying?
"what?" Tumingin ako sa kanya.
"you know Magdalena? tulog sa umaga gising sa gabi?" she said. Umiling ako at hindi na pinansin ang sinabi niya. Niligpit ko ang gamit ko at tinago sa maleta ang pera bago ko ito nilock. When I looked at her, she raised one of her brows.
"Magdalena ako pero 'di ako nangungupit" sabi niya, hindi ko pinansin ang sinabi niya at pumasok na sa banyo para maglinis ng katawan at mag handa para makapagpahinga sa araw na 'yun.
____________________
BINABASA MO ANG
Bound In You (ongoing)
RomantiekIsla Heena Cuevas is a simple woman who just wants to help her father in trouble. until it led to her marrying the son of her father's business partner. until she decided to leave and become the secretary of the rude and ignorant Terrence Salvatore...