Chapter 12
Kinaumagahan, maaga akong nagising at nag ayos para sa araw na iyun. Mamimili ako ng mga kailangan ko, tulad ng pagkain at mga skincare ko. Kailangan ko na rin mamili ng lagayan ng mga damit ko, dahil naka tambak lang ang mga ito sa maleta ko, at nahihirapan rin kasi akong kumuha ng damit pag nagmamadali.
Pag tapos kong maligo'y nag hanap ako ng masusuot, I'm wearing a simple t-shirt and denim shorts, habang nag aayos ng mukha ay naabutan ko si Aika na kakarating lang at pagod na nahiga sa kanyang kama.
"Hey alis muna ko" sabi ko sa kanya habang nakatalikod at naglalagay ng lipstick pero hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya at nakitang nakatalukbo na ito ng kumot, naisip kong tulog na ito dahil sa pagod kaya hindi ko na lang ginambala pa at umalis rin kaagad pagtapos.
Mabilis akong nakarating sa Mall, at napagpasyahan ko rin tawagan muna si Dove para makibalita kay Dad.
"Palagi ka niyang hinahanap sa'kin Ina, HIndi ko na alam kung ano ang sasabihin sa daddy mo, at yung Body guard mong si Matias alam kong pinapasundan niya ako." sabi ni Dove sa kabilang linya.
"hindi niya naiisip na nasa malapit ka lang ng Batangas, kung gugustuhin mo nga pwede kitang Dalawin jan eh, kaso ayaw mo"
pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. I miss my father and I'm despicable. I want to free myself from this problem. But I don't know-how. ang kaya ko na lang gawin sa ngayon ay ang maghanap ng paraan para masalba ang kumpanya namin na mas lalong lumubog. This is all my fault!
At hindi lang yun nadadamay pa si Dove, kasalanan ko to eh! bakit ba kasi sinabi ko pa ang plano ko sa kanya?
"Okay nang hindi niya malaman na nasa malapit lang ako Dove at I'm sorry kung nadamay kapa sa problema ko. pero last na, Can you do me a favor? pwede bang i-update moko kung ano ang mga nangyayari kay Dad?" I said.
"Of Course Isla! ikaw pa ba? But please, be careful, and do not neglect yourself. Kapag nagkaproblema ka tawagan mo agad ako." aniya.
"Thank you, Dove," I said.
I'm thankful because I have a friend like Dove, palagi ko siyang naaasahan at siya lang ang naging kakampi ko sa lahat ng pagsubok na dumaan sa buhay ko. naging kaibigan ko si Dove mula pa High school.
where looked like sisters, simula noong naging mag kaibigan kami Dove siya na ang nasasabihan ko ng hinanakit ko sa buhay, at siya rin ang una kong sinabihan tungkol sa pagpapakasal sa'kin ni Dad sa anak ng Business Partner niya.
Kaya kahit alam niyang panganib ang nangyari nung oras na tumakas ako, Tinulungan niya pa rin ako.
"Sus! Ikaw pa ba? Kamusta ka nga pala?" She asked me.
"nasa mall ako ngayon at mamimili ako ng mga kailangan ko, Like toiletries, foods and yung mga needs ko sa Boarding house," I said.
"kamusta naman yung mga kasama mo sa Boarding house? inaaway ka ba nila? di ka nila pwedeng awayin ako lang may karapatan awayin ka" sabi niya natawa na lang ako sa sinabi niya.
napangiti ako sa sinabi niya "they are so kind, bakit naman ako aawayin ng mga yun?"
"hay! alam mo kasi may mga tao na sa una lang mababait, kahit nakisama ka na ng maayos sa kanila may masasabi pa rin sila sayong hindi maganda. H'wag kang masyadong magtitiwala sa mga tao sa paligid mo. Hindi masamang makipag kaibigan pero siguraduhin mong kinilatis mo ng mabuti yung mga taong nakakasalamuha mo." aniya
"ano ka ba Dove? sa isang buwan ko dito maayos naman ang pakikitungo nila sa'kin"
"Just saying, alam mo naman ang tao ngayon kailangan sila ang i-pi-please mo. hindi ka kawalan sa kanila at hindi rin sila kawalan sayo but you need to face that kind of people." aniya. hindi ko alam kung may pinag dadaanan tong kaibigan ko pero may point siya sa mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Bound In You (ongoing)
RomanceIsla Heena Cuevas is a simple woman who just wants to help her father in trouble. until it led to her marrying the son of her father's business partner. until she decided to leave and become the secretary of the rude and ignorant Terrence Salvatore...