Prologue

2.6K 184 31
                                    

"Isang makasaysayang aklat ang nahukay sa isang bakuran sa Cebu nitong nakaraang Miyerkules

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Isang makasaysayang aklat ang nahukay sa isang bakuran sa Cebu nitong nakaraang Miyerkules. Ayon sa mga alamat at usap-usapan, ang naturang aklat daw ay pilit na itinago noong panahon ng mga Hapones sa kadahilanan ito raw ay makapangyarihan at hindi maaring basta na lamang mapasakamay ng mga Hapon—"

Kinuha ko ang remote at walang pagdadalawang-isip na lumipat sa ibang channel. Hindi ko talaga trip ang panonood ng mga balita lalo pa't nakokornihan ako sa mga lumalabas na news ngayon. We're already in the 21st century, but people are still trying to convince us to still believe in myths and stupid legends of the past.

Napangiti ako nang sumalubong sa akin ang isang korean novela matapos kong pagpipindutin ang remote upang makahanap ng matinong mapapanood.

It's already 2 am at lihim akong nanonood ng TV. My parents go out of province since today is All soul's day at kailangan nilang pumunta ng Manila upang dumalaw sa mga nasawi nilang pamilya. And now, I'm enjoying my freedom para gawin ang lahat ng gusto ko sa pamamahay na ito dahil walang KJ na makapipigil sa akin.

Kasalukuyan akong kinilig sa pinapanood nang biglang may magpop-up na message sa phone ko. Akala ko naman kung sinong prince charming ko ang gustong makipagchat sa akin ngunit laking dismaya ko na ang kaibigan kong si Liver lang pala ang nag-chat. Bwisit.

"Still up? Mukhang sinusulit mo masyado ang pag-iisa mo diyan sa bahay niyo, ah?" I read her message.

Akmang dededmahin ko na lang ang message nang bigla na namang nag-notify sa akin ang isang chat na galing sa kaniya.

From Liver lover:

Wait for me. Pupunta ako d'yan. Get some snacks 'cause we gonna parteehh!

Halos mapatalon ako sa kama nang mabasa ang chat niya. Ni-replyan ko siya at sinabi kong hihintayin ko siya kaya naman mas lalong lumapad ang ngiti ko.

Hindi ko alam kung papaano siya pupunta rito lalo pa't ilang kilometro rin ang layo ng bahay nila mula sa amin. Anyways, it's her decision so bahala siya kung papaanong diskarte ang gagawin niya nang hindi siya nahuhuli ng curfew.

Tumayo ako at pumunta sa CR upang maglabas ng sama ng loob. Iniwan kong bukas ang television dahil may pinapanood pa akong drama.

Habang nagbabawas ay hindi ko mapigilang mag-imagine. Like, sana lang makahanap din ako ng lalaking gwapo na magpapahulog ng panty ko. It sounds gross pero totoo naman 'di ba?

Napapikit-pikit pa ako habang iniimagine ang sarili ko na parang nasa isang pelikula na isinasayaw ng isang gwapong lalaki.

I was about to flush my crap nang may marinig akong kakaiba mula sa labas ng CR. Napamulat ako't kunot-noong tinalasan ang pandinig.

"Liver, and'yan ka na ba?" Nilakasan ko ang boses dahil baka hinahanap ako ni Liver sa labas at wala siyang ideya na narito lang ako sa banyo.

Ngunit walang sumagot.

Mas lalo akong naguluhan dahil paiba-iba ang naririnig kong mga tunog mula sa TV na para bang palipat-lipat ito ng channel.

Kinilabutan ako bigla at para bang ayoko ng lumabas ng banyo.

Huminga ako nang malalim at inisip na baka naiipit lang ang remote kaya ito nagpapalipat-lipat. Ilang saglit pa'y iminulat ko ang mga mata ko at muli na naman akong tinamaan ng kaba nang wala akong maaninag. Tanging kadiliman ang sumalubong sa akin.

Kinusot-kusot ko ang mata ko dahil baka nagdidilim lang ang paningin ko ngunit makaraan ang ilang sandali'y bigla na lamang nagpatay-buhay ang ilaw sa loob ng banyo kaya't labis na kilabot ang naramdaman ko.

"Shit, 'wag mo naman akong takutin.." wika ko kahit pa hindi ko alam kung sino ang kinakausap ko.

Tumayo ako't akmang lalabas na ng banyo ngunit nang humarap ako sa salamin ay labis akong nagimbal nang makita sa repleksyon ko ang isang babaeng mahaba ang buhok at duguan ang mukha.

Napasigaw ako't wala na akong maalala pa sa sunod na nangyari.

-----------------------X

The City Of Troubles (Novel of all Genres)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon