Chapter 27 : Conviction

341 48 0
                                    

Chapter 27 : ConvictionMANDYNo one dares to speak or even create a single move as we stare at the Underworld Spells of Crestfrown book

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 27 : Conviction

MANDY




No one dares to speak or even create a single move as we stare at the Underworld Spells of Crestfrown book. Unlike the first time I saw it, parang ibang-iba na ang itsura ng libro. I don't know if it's just because of time or maybe because of what the book has been through. Either way, I know it's still in good condition and it might be the answer to our unlimited questions.




"Who will open the book?" basag ni Arcen sa katahimikan habang pare-pareho pa rin kaming nakatingin sa aklat na nakapataong sa mesa.




Nanatili kaming nakatayo at nakapalibot sa lamesa. Addison gone so fast after they found out he's here. Hindi na nila nagawa pang habulin ito kaya kami-kami na lamang muli ang nanatiling magkakasama. Maybe he's not just meant to be a part of us. Siguro ay talagang sa panahong ito siya nakatira at hindi namin siyang pwedeng piliting maging isa sa amin.




"Is it coincidence na sa pagbalik natin dito, makikita rin pala natin ang librong pinaghinalaan nating dahilan kung bakit tayo nandito?" tanong ko at inilipat ang tingin sa kanilang lahat.




"Maybe it's not. Naniniwala pa rin ako na may dahilan ang lahat ng nangyayari at alam kong may kaugnay ang lahat sa librong iyan," sagot naman ni Arcen at walang pakundangang inabot ang aklat.




Sa isang iglap ay biglang napaatras si Arcen nang subukan niyang hawakan ang aklat. Nabaling ang tingin naming lahat sa kaniya at kitang-kita namin kung papaanong halos mapaiyak si Arcen sa sakit nang tila ba mapaso ang kaniyang kamay.




"Anong nangyari?" bulalas ni Liver habang naglalakad papalapit sa kaniya.




Napaupo sa sahig si Arcen kaya naman agad naglapitan sa kaniya ang lahat maliban sa akin na nanatili pa ring nakatayo sa harapan ng libro. I attempted to hold this once but I failed. Bwisit na Diego kasi, hindi niya ako hinayaang hawakan man lang ang libro.




"Don't hold the book, Mandy! It's a trap," nag-aalalang sambit ni Ovary na siyang naglakad na ulit pabalik sa kinatatayuan niya kanina.




Instead of listening to Ovary, huminga ako nang malalim bago dahan-dahang inilapit ang kamay ko sa pabalat ng aklat. Halos hindi na ako humihinga nang papalapit na nang papalapit ang daliri ko rito ngunit nang sandaling maramdaman ko na ang pabalat ng libro'y tila ba bigla na lamang akong nakaramdam ng pangunguryente sa mga daliri ko kaya't agad akong napaatras at inilayo ang kamay sa aklat.




"Told you, it's a trap," wika pa ni Ovary at saka tinapunan ako ng dismayadong tingin.




If we couldn't be able to hold the book or even touch it, then, therefore, it's really powerful enough to protect itself from anyone else who I think is not supposed to open it. If Diego can easily open and even read the book, then maybe it is exclusively designated to those chosen ones who can efficiently open it.




"We need to find Diego," ang tanging nasabi ko habang hawak-hawak pa rin ang humahapding kamay.




"Diego who? Pinsan ni Dora?" sabat ni Heshella dahilan upang mapangiwi ako't mapailing-iling. How can she even throw corny jokes with this situation we're facing in.



"Nice joke," sagot naman ni Liver na siyang lumapit na muli sa libro.




"Ano ba kasing nilalaman ng librong 'yan at ganito na lang kahirap pakialaman?" Sinubukan ni Cedric na ilapit ang daliri niya sa aklat ngunit dahil sa takot ay agad niya itong inalis kahit pa hindi pa naman talaga niya nailalapat ang kamay sa aklat.




The book's title seems like the content has something to do with spells. If that's so, probably what's inside the book are magical words that may lead to something magical as well. Kung tama nga ang hinala ko, maybe we can use some of the spells to something strange and supernatural.




"Maybe some spells; weird words with hidden meanings," diretsong saad ko habang tinititigan ang cover ng libro.



Halos hindi na mabasa ang nakasulat sa aklat at para bang napakaluma na nito. Nakakapagtaka lang dahil noong nakita ko itong hawak ni Diego, parang napakaayos pa ng hitsura ng aklat ngunit bakit ngayong nasa harapan na namin, para bang napakarumi na nito't dumaan na sa napakaraming panahon.




"Weird words with hidden meanings? Katulad ba ng mga chingchong words na pinagsasabi ni Heshella?" natatawang sambit naman ni Cedric dahilan upang hampasin siya sa balikat ni Heshella.




"Ang kapal ng mukha mo! Palibhasa naiinggit ka lang kasi hindi ka marunong magsalita ng Latin, Italian, Korean at iba pa!" agad na depensa ni Heshella kaya naman nagtawanan ang mga kasamahan ko ngunit hindi ko magawang makisabay sa kanila.




Dahil sa sinabi ni Cedric ay para bang nagkaroon ako ng ideya sa maari naming pwedeng gawin. I don't know if I'm just being paranoid, but what if all of these are Heshella's fault?




"Heshella.." Natigil sa pag-aasaran sina Heshella at Cedric at parehong tumingin sa akin. Tinaasan ako ng kilay ni Heshella na animo'y naghihintay ng susunod kong sasabihin.




I remember that day when we got stuck in this same library and Heshella spilled out some words. She said she's trying to learn Latin words and she's holding a book that time. What if, this book was here all along and the book she's reading was also the book in front of us now?




"Subukan mo ngang hawakan ang librong 'yan," wika ko at sa abot ng makakaya'y sinubukan kong 'wag magmukhang nag-uutos sa kaniya.




Heshella is just so sensitive when it comes to conversations like this. You have to be careful when dealing with her. Natatakot lang akong isipin niya na nagpapakadominant ako sa kaniya. She hates being submissive. I don't want to get troubled with her.




Imbis na sumagot ay natahimik lamang siya at maging ang lahat ng kasamahan ko. Tila ba nagtataka sila kung bakit bigla ko na lamang sinabihan si Heshella na hawakan ang libro kaya naman napabuntong-hininga ako't muli ay pinakiusapan siyang subukan itong hawakan.




"Subukan mo na, babe. Wala namang mawawala kung hahawakan mo 'to—" Hindi na natapos pa ni Cedric ang kaniyang sasabihin nang sa isang iglap ay nanlaki ang mga mata naming lahat nang bigla na lamang damputin ni Heshella ang libro at dali-dali itong inihampas sa braso ni Cedric dahilan upang mapasigaw ito sa labis na sakit at agad natumba sa sahig.




Maging si Heshella ay nagulat sa kaniyang ginawa kaya naman napabitaw ito sa hawak na libro at napaluhod. Walang tigil siyang humingi ng paumanhin kay Cedric dahil sa nangyari.




All of a sudden, my doubts suddenly turned into conviction when I witnessed how Heshella easily held the book.



▬▬▬



"JUST tell the truth, Heshella. Anong nalalaman mo tungkol sa librong ito?" Umalingawngaw sa loob ng library ang malakas na boses ni Arcen habang nakatitig pa rin kay Heshella.




Kanina pa umiiyak si Heshella at halos sinisisi na siya ng lahat. Hindi ko magawang makisali sa kanilang usapan dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natuklasan kaya't napagdesisyunan kong umupo na lamang sa isang gilid habang nakiking sa kanilang mga diskusyon.




"Wala nga akong alam! Malay ko bang ako pala ang makakahawak sa librong 'yan nang hindi nakukuryente? At saka, hindi naman 'yan 'yung book of Latin words na nabasa ko noon, 'no? Baka nagkataon lang talaga na hindi ako nakuryente!" muling pagtatanggol ni Heshella sa sarili.




Ang tanging naririnig ko lamang ay ang kanilang mga pagtatalo at ang mga hikbi ni Heshella. Gustohin ko mang maawa sa kaniya at ipagtanggol siya sapagkat tila ba walang gustong kumapi sa kaniya'y hindi ko pa rin maintindihan kung bakit naging madali para sa kaniyang hawakan ang libro.



"Just open the damn book so we can all resolve this issue."




Tumingin ako sa direksyon nila at napansin ang tumayo nang si Heshella mula sa kaninang kinauupuan at unti-unting lumapit sa libro. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya hanggang sa tuluyan na niyang buklatin ang libro at lumiwanag ito na siyang nakapagpatayo sa akin. Agad akong lumapit sa kinaroroonan nila upang mag-usisa sa nangyari.




"Shit! Is this even real?"




Kitang-kita namin kung papaanong nagliwanag ang mga nakasulat sa aklat. Nakatitig lamang kaming lahat dito habang unti-unti na ring humuhumpay sa pag-iyak si Heshella.




"These are Latin words. Pero maniwala man kayo o hindi, nagsasabi ako ng totoo. Hindi ito ang librong binasa ko noon," giit ni Heshella na siyang nakakakita ng nilalaman ng aklat.





"You can understand it right?"


"A little bit. But it's still hard for me to recognize some of the words."




Nararamdaman ko ang panginginig kay Heshella habang hawak-hawak ang libro. I don't know if it's just because of tense kaya nagiging uneasy siya o hindi naman kaya'y nakararamdam din siya ng kaunting kuryente mula sa aklat subalit iniinda na lamang niya ito.




"Heshella, what are you doing?" natatarantang sambit ni Arcen at nang muling ibaling ko ang tingin kay Heshella ay nakita ko itong nakapikit at para bang may sinasabi.




"'Wag kang magpadalos-dalos. We're not sure what should we do. Baka mas lumala pa ang sitwasyon!" bulalas naman ni Cedric ngunit hindi nagpatinag si Heshella at nagpatuloy lamang sa kaniyang ginagawa.




Unti-unti na rin akong tinatamaan ng kaba sa maaring mangyari matapos ng ginagawa niya ngunit bahagi ng isipan ko'y sinasabing kailangan naming magtiwala sa kaniya.




"Shit! Just stop what you're doing!"




Nagpatuloy lamang si Heshella hanggang sa bigla na lamang lumipag ang kaniyang mga buhok. Nagkatinginan na kami dahil sa pagkabahala subalit hindi pa rin ito tumigil at para bang hindi alintana ang kung ano mang nangyayari sa kaniya.




"Hindi ako makahinga.." Naramdaman kong para bang naninikip ang dibdib ko. I hold my chest as I was trying to catch my breath.




"Guys, what's happening?"




Narinig kong may nagsasalita pa subalit hindi ko magawang pakinggan itong mabuti dahil para bang nanlalabo na rin ang paningin ko.




"I can't breathe!" bulalas pa ng isa ngunit pakiramdam ko'y mapapahandusay na lamang ako sa sahig dahil sa panghihina.




I tried to keep my balance but I couldn't help but close my eyes. Paulit-ulit kong sinubukang imulat ang mga mata at nang sandaling maimulat ko ulit ito'y bumulaga sa akin ang ngayo'y nakabukas ng pinto ng library at dali-daling pumasok ang isang malaking asong lobo.




--X

The City Of Troubles (Novel of all Genres)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon