Chapter 35 : Steadier than steel

460 55 1
                                    

Chapter 35 : Steadier than steel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 35 : Steadier than steel

Mandy's POV



"SO that means, you're a hybrid? You know, I think you're powerful enough to defeat that Valentino so bakit pa kakailanganin mo ang tulong ko gayong isang mortal lang naman ako at walang laban kumpara sa inyong mga makakapangyarihang bampira?" Hindi ko magawang maialis ang tingin kay Greislor. Kung kanina ay halos magpatayan na kami dahil sa tensyon at mga nadiskubre ko, ngayon ay parang bigla na lamang gumaan ang pakiramdam ko sa kaniya at sa ikalawang pagkakataon ay pinagkatiwalaan ko siya.



Itinatak ko na lamang sa isipan ko na siya si Gareth—ang taong isa sa mga pinakapinagkakatiwalaan ko. After what he has said a while ago, pakiramdam ko'y muli na naman akong naging marupok. This time, I know I wouldn't be regretting my vulnerability towards him dahil aminin ko man o hindi, iba talaga ang tama niya sa akin. At isa pa, siya rin naman pala si Diego. Kaya pala ganoon na lamang kagaan ang loob ko sa kaniya dahil iisang tao lamang sila. He told me he prefers to be called Greislor since nafi-feel naman daw niya na 'yon ang bagay sa kaniya. He has this other name, Dario. But I told him na masyadong makaluma ang pangalan at parang hindi naman bagay sa kaniya.



"You're a mighty person, Mandy. Natuklasan ng ibang mga bampira na nag-aaral ako sa paaralang iyon. Dahil sa inggit at galit nila sa akin, dinamay nila ang mga kaklase natin at sila ang pumatay kina Sheila at Dexter. You're the only person I think could help me para tapusin siya," nakayukong sambit niya at bakas ang guilt sa boses niya kahit pa wala naman siyang kasalanan sa kasamaan ng mga kalahi niya at kampon ng Valentino na 'yon.



"Hayaan mo, sa oras na makauwi na tayo, magsisimula na agad akong mag-ensayo at aralin ang mga nakasulat sa librong 'yan. I'll start learning latin words dahil hindi pala pwedeng hawakan ang libro kapag wala kang kaalaman sa lenggwahe nito," pagpapakalma ko na lamang at saka tinuro ang librong ngayo'y nasa paanan lamang namin upang hindi na siya makaramdam pa ng guilt.



Getting the book was really tough at kinailangan pa naming dumaan sa butas ng karayom upang mapasakamay ito sa amin. Stealing is bad, of course. The whole museum was secured enough that we even had to wait for midnight para lamang isagawa ang pagkuha rito. Good thing Greislor is with us kaya nagawa niyang pasukin ang loob ng museo nang walang kahirap-hirap. I guess that's the perk of being a vampire with a cape.



Malalim na ang gabi at halos wala nang dumaraang sasakyan sa tahimik na kalye ng dinaraanan naming syudad. May pailan-ilang sasakyan at sapat na iyon upang masiguro naming nasa kasalakuyan pa rin kami at hindi napapadpad sa kung saan-saan na naman.



Sa hindi kalayuan ay napansin ko ang maliwanag at malaking simbahang nakabukas. I don't know why I feel like the cathedral was waiting for us kaya naman dali-dali akong lumingon kay Greislor at itinuro sa kaniya ang malaking simbahan.



Tumayo kami sa ibabaw ng cargo bed ng pickup upang masilayang mabuti ang cathedral. Agad ko iyong tinuro sa kaniya at para bang naintindihan naman agad niya ang gusto kong iparating.



The City Of Troubles (Novel of all Genres)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon