Chapter 7 : Captured

588 103 3
                                    

Chapter 7 : Captured

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 7 : Captured

Mandy


Hindi sa pagiging maarte kaya lang, sadyang allergic ako kapag nasa isang ukay-ukay store. Hindi ko alam kung bakit. I couldn't resist sneezing whenever I smell stuff like these. Tinitiis ko naman minsan lalo pa kapag may nagugustuhan akong mga damit.

"Bilisan niyo na diyan kailangan na rin nating makaalis dito." Gaya ko'y nanatili lamang si Cristoff sa labas. Pinaalalahanan niya ang mga kasamahan namin na magmadali na sa paghahanap ng damit dahil baka may sumolpot na naman na mga zombies.

I don't know why they still chose to trust that guy. I mean, he's a werewolf hindi tulad namin na normal. Siguro kung sa mga pelikula, maaattract sa kaniya dahil sa dugo na nananalantay sa katawan niya kaya lang, nasa totoong buhay kami at totoo siya. Sa aming lahat, ako lamang ang bukod tanging hindi humanga nang makita ang pag-transform niya. Kinilabutan ako dahil baka isang beses, bigla na lamang niya kaming patayin lahat. Wala kaming kalaban-laban kapag nagkataon.

"Pwede bang iwan na lamang natin siya rito? I think he can survive without us." Pasimple akong bumulong kay Cristoff. Tinitigan namin silang mga nagkakasiyahan sa loob ng ukay-ukay. Si Addison lang sana ang dapat maghanap ng damit kaya lang itong mga kasamahan namin, naghanap na ng pang-outfit of the day.

"Mukha namang mapagkakatiwalaan natin siya. At isa pa, malaki ang maitutulong niya sa atin lalo na sa mga pagkakataong katulad kanina. Siguro kung wala siya, isa na tayo ngayon sa mga zombies na humahabol sa atin," pagtutol ni Cristoff.

Napabuntong-hininga ako. Oo nga naman. Ako nga lang pala sa aming lahat ang hindi nagtitiwala sa kaniya. Malamang, talo talaga ako.

Ilang sandali pa ay isa-isa na silang lumabas dala ang kani-kanilang mga supot na naglalaman ng damit ukay-ukay. Para silang nagshopping bigla ang kaibahan lang, hindi nila ito binayaran at basta na lamang kinuha. I hope, walang cctv na gumagana rito kung hindi, baka wanted na kami.

"Wear this. Ambaho na sa 'yo ng uniform mo," sambit ni Liver at iniabot sa akin ang isang supot. Inirapan ko na lamang siya at hindi tumanggi. Medyo hindi rin kasi ako komportable sa suot kong uniform dahil para bang ilang araw ko na itong suot.

"May restroom diyan sa malapit sa likod ng bookstore. Magpalit na kayo agad para makaalis na tayo," muling paalala ni Cristoff habang itinuturo ang direksyon papunta sa public restrooms.

"Wait bookstore? OMG! Pagkakataon ko na para magkaroon ng mga favorite kong books," pag-iiba ni Anicka kaya naman napatingin kaming lahat sa kaniya.

Mukhang sinusulit talaga ng lahat ang pagkakataong ito. If only we could live here forever, bakit hindi kung wala namang nagtatangka sa mga buhay namin. But those freaking zombies who try so hard to get us were really the barriers to our happiness.

The City Of Troubles (Novel of all Genres)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon