Chapter 16 : A bet

397 60 2
                                    

Chapter 16 : A bet

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 16 : A bet

Mandy



IT'S almost a week ago since I discovered that bridge at the end of the cliff. Honestly speaking, I was really afraid of seeing cliffs after that moment we jumped on a high cliff towards the sea and we no longer see each other again. Minsan napapaisip ako, totoo kaya ang lahat ng nangyayari sa paligid ko? I mean, this is definitely not a dream dahil kahit paulit-ulit kong ipasampal ang mukha ko kay Clemencia, wala namang nangyayari at namumula lang ang magkabilang pisngi ko bilang resulta.


What I want to say is, if I would not interfere, may mangyayari kaya? Matatagpuan ko kaya rito sa lugar na ito ang mga kaibigan ko? Naligaw rin kaya sila sa iba't ibang panig ng mundo?


Paikot-ikot na ako sa tahimik na kalye ng lugar na ito. Unti-unti na ring lumulubog ang araw subalit hindi ko magawang bumalik sa simbahan upang tumulong sa mga gawain dahil sa mga bagay na paulit-ulit bumabagabag sa akin.


Kung naririto ako ngayon sa nakaraan, posible kayang may kamalayan pa rin ako sa kasalukuyan? Ano kayang ginagawa ng present Mandy? Oh hindi naman kaya, nabura na ng tuluyan ang existence ko sa kasalukuyan at permanante na akong nakatira sa panahong ito?


"Nandito ka lang pala." Sa paglalakad ay narinig ko ang boses ni Diego na siyang sumabay na pala sa paglalakad sa akin.


Hindi ako nagsalita bagkus inilagay ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon at nagpatuloy sa pagbabagtas sa tahimik na kalye.


Nakakamangha pala talaga ang ganda ng lugar na ito. Akala ko dati, ang Vigan sa Ilocos lang ang lugar na may ganitong kagandang heritages pero mayroon din palang itinatagong ganda ang bayan ng Pila.



"Iniisip mo pa rin ba ang dati mong buhay?" tanong ni Diego. Namalayan ko na lamang na huminto na kami sa paglalakad sa tapat ng paboritong spot namin sa plaza kung saan may mahabang bench at saka umupo.


"Kung hindi kaya kami tumalon sa bangin na 'yon, mahahanap pa rin kaya namin ang daan pabalik sa totoo naming buhay?" Napatingala ako at saka pinagmasdan ang mga ibong nagliliparan sa himpapawid.


"Hindi ko alam. Siguro? Mukha namang matatalino ang mga kaibigan mo para makahanap ng kasagutan sa mga misteryong pinagdaanan niyo, eh," sagot naman niya.


Napakatahimik ng paligid at tanging mga huni ng ibon ang aming naririnig. Napabuntong-hininga ako at saka tiningnan si Diego.



"Hindi ko maintindihan kung bakit parang halos lahat na yata ng misteryo sa mundo, napagdaanan ko na. Wala akong kaalam-alam sa nangyayari, ang tanging bagay lamang na naiisip kong may kinalaman sa mga pangyayaring ito ay ang librong pinag-iingatan niyo at pinagtangkaan kong kunin last week," walang pag-aalinlangang pahayag ko sa kaniya dahilan upang makuha kong muli ang atensyon ni Diego at walang emosyon itong tumingin sa akin.


The City Of Troubles (Novel of all Genres)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon