Chapter 30 : Mandy the mighty

370 48 8
                                    

Chapter 30 : Mandy the mighty

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 30 : Mandy the mighty

Mandy



"HOW are you sure na mga bampira nga ang nakita mo?" Cristoff interrogates Arcen like he's really determined to know everything.



Abala sa pagmamaneho si Arcen ngunit kanina pa tanong nang tanong sa kaniya si Cristoff. Sa totoo lang, ako ang nababahala para sa kaniya dahil baka bigla na lamang siyang mawalan ng focus at pare-pareho pa kaming maaksidente. Cristoff, on the other hand, keeps asking Arcen over and over again.



Sa totoo lang, hindi ko ikinagulat ang sinabi ni Jofer tungkol sa autopsy report ng mga nasawi naming kaklase. I almost see all the creatures that I know exist only in movies and books but the only thing I didn't expect ay ang katotohanang namamatay isa-isa ang mga kaklase ko at ang buong akala naming isang mamamatay tao ang gumagawa ay isang supernatural creature pala.



"How about you, Mandy? Napadpad ka sa iba't ibang panig ng mundo at iba't ibang panahon, did you encounter what they call vampires? Honestly, I don't want to believe Jofer dahil ayokong pati rito sa normal na mundo at panahon natin ay mangyari ang mga pinagdaanan natin ngunit dahil sa sinabi niya, parang mas lalo akong nabahala na baka maulit ang lahat ng nangyari at hindi natin mapigilan ang totoong may kasalanan," litanya pa ni Cristoff nang lumingon sa direksyon ko sa back seat subalit hindi man lamang ako tumingin sa kaniya at nanatiling nakasilip sa bintanang nasa gilid ko.



"We met werewolves already. It's not surprising anymore if we hear vampires do exist," tipid na sambit ko na lamang.



Habang pinagmamasdan ang dinaraanan namin ay hindi ko maiwasang mamangha. Nakakapanibago. Parang kailan lang, napakagulo ng lugar na ito at parang dinaanan ng iba't ibang sakuna. Hindi ko inakala na ganoon pala ang pinagdaanan nitong lugar namin.



"Sana pala, natanong natin si Addison noon. Lokong 'yon, tinatawag ko pero imbis na puntahan tayo ay tumakas pa," mahinang pasaring ni Arcen kaya naman natigilan ako sa pagmumuni-muni nang maalala ang mga huling pangyayari bago kami makabalik dito sa reyalidad.



"I saw him. Nang bigkasin ni Heshella ang mga Latin words mula sa USOC book, nakita ko na bigla siyang pumasok sa loob ng library at parang balisa. He's on his werewolf mode pero nasisiguro kong siya 'yon. Hindi ko alam kung bakit bigla pa siyang bumalik gayong tinakasan naman niya tayo noong nakabalik tayo sa library," kwento ko habang titig na titig naman sa akin si Cristoff at animo'y inaalisa ang bawat salitang sinasabi ko.



"What if he knows something.." bulong ni Cristoff habang nakatingin na sa kawalan at parang may iniisip.



Una pa lamang, hindi ko na magawang magtiwala kay Addison dahil parang bigla na lamang siyang sumulpot sa amin out of nowhere. We don't know him at kahit pa nasa iisang mundo kami that time, hindi ko maramdamang totoo ang pakikitungo niya sa amin.



The City Of Troubles (Novel of all Genres)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon