Chapter 13 : What history dictates

462 89 1
                                    


I kept in my mind that I'm inside the cathedral and I shouldn't make fun of these people uttering prayers

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I kept in my mind that I'm inside the cathedral and I shouldn't make fun of these people uttering prayers. The rosary that I was holding seemed to be left behind already. Nagrorosaryo naman ako noon pero parang ang weird lang na kinailangan ko 'tong gawin ngayon.

"Ano ba? Nakikiisa ka ba sa amin?" Tinitigan ko si Diego. Katabi ko siya ngayon habang pareho kaming nakaluhod at nakikiisa sa mga madreng nagdadasal.

I have no choice but to do this. Since wala akong matitirhan dahil parang dinala ako ng mahiwagang sapang iyon dito sa past at parang nagtime travel ako back to 1943 kung saan humaharap ngayon ang buong bansa sa pananakop ng mga Hapones.

"Oo naman. Saka, 'wag ka ngang maingay! Baka marinig tayo. Ayokong madamay kung sakaling mapagalitan ka 'no," pabulong na sagot ko sa kaniya at saka pinilit na tumitig sa poong birhen na nasa harapan namin na siyang ngayon ay pinaglalaanan ng dasal.

"Ako pa talaga, ha? Ikaw nga lang 'tong sabit at nakikitira sa simbahan, ako pa ang sasabihan mong maingay," sagot niyang muli nang pabulong habang diretsong nakatingin sa poon at hawak-hawak pa rin ang rosaryo.

"Kung makapagsalita ka, ah? Alam kong nakikitira ka rin dito kaya 'wag mo 'kong masabi-sabihan ng sabit diyan," pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Magpokus ka sa pagdadasal!"

"Magpokus ka sa sarili mong buhay."

"Sabit."

"Inggit!"

"Hindi marunong manampalataya!"

"Hindi matigil sa pagsasalit—"

"Pwede bang lumabas na lang kayong dalawa kung hindi kayo makikiisa sa pagdadasal?" Natigilan kami sa pag-aasaran nang magsalita ang madreng nasa harapan namin.

Magsasalita pa sana ako upang isumbong si Diego ngunit huli na nang mapagtanto kong pinagtitinginan na kami ng lahat ng mga madre at tila ba'y huminto sila sa pagdadasal dahil sa ingay namin.

"Si Mandy po"

"Si Diego po kasi!"

Halos sabay kaming nagsalita at itinuro ang isa't isa kaya't muling nabalot ng katahimikan ang paligid.

Ilang saglit pa'y natagpuan na lamang namin ang aming sarili sa labas ng simbahan dahil pinalayas na kami ng mga madre sa loob.

Paglabas ko ng simbahan ay agad akong nagtungo sa isang batong upuan sa plaza na nasa harap mismo ng pinanggalingan naming simbahan. Sa kasalukuyang panahon, napakaganda na ng plazang kinatatayuan ko ngayon ngunit sa nakaraan, ganito pala ang itsura nito at napakasimple pa.

"Ayan, ayaw kasing magpokus sa pagdadasal," pasaring na sambit ni Diego nang makaupo ako sa bench. Hindi ko magawang balewalain ang sinasabi niya kaya naman namilog na lamang ang mata ko't pinilit na balewalain ang presensiya niya.

The City Of Troubles (Novel of all Genres)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon