Chapter 5 : City Invasion

668 112 6
                                    

Chapter 5 : City Invasion

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 5 : City Invasion

Mandy

Hindi ko inakala na sa tanang buhay ko, mararanasan ko ang pagkakataong ito. I am a fan of movies and I know that when this moment finally happened, I know we're screwed. And I never thought that after running away from that enormous bird, we would find ourselves running to save our lives from those freaking zombies.

"Oh my gosh! I'm scared." Kahit tumatakbo'y nagawa pa ring mag-inarte ni Heshella. Siya naman ngayon ang pumalit kay Ovary pagdating sa pagiging OA. But of course, I prefer Ovary rather than her. Hindi bagay sa kaniya ang pag-iinarte.

Hindi kami lumilingon dahil ayaw naming makita ang mga humahabol sa amin. Napakarami nila at alam naming sa oras na makalapit sila sa amin ay wala na kaming magagawa pa para iligtas ang mga sarili namin.

They are invading the entire city. Marahil ito ang dahilan kung bakit walang tao sa paligid—naging zombies na ang lahat ng mamamayan. And what's scary is the fact that it seems like, we're the only survivors from this town.

"Guys we need to find a place that we know, ligtas tayo!" wika ni Arcen. Takbo pa rin kami nang takbo kahit pa nakakaramdam na kami ng paghingal.

The zombies were already far away from us ngunit hindi pa rin kami nakasisiguro na ligtas na kami. We really need to find a hideout that we can assure our safety. Mahirap na dahil baka sa oras na mawala ang mga zombies na ito, kung anong elemento naman ang biglang pumalit na siyang tatakbuhan namin.

Nakakita kami ng isang building na may hagdan paakyat sa gilid. Walang nagsalita sa amin bagkus tila ba nagkaintindihan na agad kami sa mga tinginan at walang pagdadalawang-isip na inakyat ang building. Delikado man ay hindi na kami nag-aksaya pa ng oras.

"Guys, sigurado ba kayo rito? We are attempting to hide from those zombies kaya tayo aakyat sa rooftop pero papaano kung bigla naman tayong makita ulit ng Roc?" tanong ni Anicka bago pa man kami tuluyang makaakyat.

"It doesn't matter. Mukhang wala na sa paligid ang Roc kaya mukhang ligtas na tayo mula sa kaniya. Ang problemahin natin ngayon ay kung papaano natin matatakasan itong mga zombies na humahabol sa atin," pagmamatigas ni Cristoff.

Dahil nanguna na rin naman siya sa pag-akyat ay hindi na kami nag-atubiling pa't sumunod na lamang din sa kaniya. Ang nag-aalangang si Anicka ay wala ring nagawa kung hindi ang umakyat.

Bukod sa kaba mula sa mga humahabol sa amin ay nadagdagan pa ang takot sa amin nang mapagtantong tila ba marupok na ang bakal na hagdan. Ang ilan sa mga baitang ay kinakalawang na ngunit nagpatuloy pa rin kami sa pag-akyat kahit pa umuuga na ito.

"Guys I know it's weird but try to lighten up your weight. Baka mabuslot tayong lahat kapag hindi tayo kinaya ng stairs na ito," maotoridad na sambit ni Cristoff.

The City Of Troubles (Novel of all Genres)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon