Chapter 14 : The other world

431 70 0
                                    

Chapter 14 : The other world

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 14 : The other world

Mandy




"PAKIABOT nga ng basahan. Grabe! Hindi ba marunong maglinis ang mga tao sa panahong ito?" pasaring na sambit ko habang nakatayo pa rin sa folding ladder na ginamit ko upang maabot ang tuktok ng bookshelves.



Nakakailang ubo at hatsing na ako dahil sa alikabok na bumabalot sa mga librong nasa itaas. Hindi ko maintindihan kung bakit pinabayaan na lamang nila ng ganito ang town library. I'm a bookworm girl. Books are my life kaya hindi ko matiis na makita ang mga ito na ganito karumi.



Napakamot ako sa ulo habang naghihintay ng mag-aabot sa akin ng basahan. Akala ko pa naman, malilinis at maiingat ang mga tao mula sa nakaraan.



Lumapit sa akin si Clemencia na siyang bitbit na ang basahang may tumutulo pang tubig. Napangiwi na lamang ako. Ni hindi pa piniga ng babae bago iniabot sa akin.



"Seriously? I know I must respect you since it's obvious that you guys are older than me pero dahil nandito ako sa panahon niyo, at halos magkasingtanda lang naman tayo, I'll treat you just like how I treat my friends," nakangisi kong sambit.



Wala na akong nagawa pa kaya naman ako na rin ang nagpiga ng basahan at saka dali-dali itong pinunas sa mga aklat.



Nakatalikod man mula sa mga kasamahan ko sa Town library ay ramdam kong nakatingin silang lahat sa akin. Hindi ko pa man sila kilalang lahat, alam ko na mababait sila base sa mga ipinapakita nila sa akin. At somehow, I feel like I'm not alone. Pakiramdam ko, belong ako sa kanila kahit pa sa tunay na pahanon ko ay baka mga nakabaon na sila sa mga puntod nila.



"Gusto mo tulungan na kita riyan?" Narinig ko ang malalim na boses ni Diego. Nagpatuloy ako sa pagkuskos sa mga libro imbis na sagutin siya. Akala naman niya siguro, napakahirap nitong ginagawa ko.



Nang matapos sa pagpupunas ay agad akong bumaba. Saka ko lamang napansin na nagpupunas na rin pala sila ng mga libro at kani-kaniyang lugar sila ng nililinisan. Napangiti na lamang ako. Sa aming lahat na naririto, si Diego 'ata ang pinakatamad dahil nagbabasa lamang ito sa isang gilid ng librong hawak niya.



Lumapit ako sa kinaroroonan niya at saka dali-daling hinablot ang makapal na librong hawak niya. Kaagad naman niya akong sinamaan ng tingin dahil sa ginawa kong pang-iistorbo sa pagbabasa niya.



"Anong problema mo?



"Underworld Spells of Crestfrown? Anong libro 'to-" Bago ko pa lamang bubuksan ang librong kanina'y binabasa niya nang bigla naman niya itong kinuha sa akin. "Bakit mo kinuha?"



"Kapal ng mukha mo! Ako ang nauna rito, hoy!" giit niya at saka muling binuksan ang libro. Akmang aagawin ko pa itong muli mula sa kaniya subalit mabilis niyang inilayo sa akin ang libro na para bang ayaw niya talagang makuha ko ito sa kaniya.



The City Of Troubles (Novel of all Genres)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon