Chapter 18 : Reunited

364 60 0
                                    

Chapter 18 : Reunited

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 18 : Reunited

Mandy


PAULIT-ULIT na sinubukang paandarin ni Arcen ang sasakyan ngunit wala pa ring nangyayari. Kanina pa rin ako palinga-linga sa paligid at naging alerto sa kung ano man ang maari na namang bumulaga sa amin. Hindi ko pa nakakausap nang matino si Arcen at sa totoo lang ay napakarami ko nang gustong itanong sa kaniya at mukhang gano'n din siya sa akin.

"Maybe we should find another car. Baka hindi na talaga gumagana 'to bago ka pa man maaksidente," suhestiyon ko. Halos sumigaw na rin ako dahil baka hindi ako marinig ni Arcen sa sobrang lakas ng ulan.

"Gumagana pa 'to, eh. Sigurado akong nagamit ko pa 'to," pagmamatigas niya pa kaya't hindi na ako nagsalita pa at pinanood na lamang siyang piliting paandarin ang sasakyan.

Determination is what I can see from Arcen's face. Dahil sa itsura ngayon, I think he's gone so far enough like how I've gone so far. Ang kaibahan nga lang, parang mas malala pa ang sinapit ni Arcen dahil sa itsura niya.

"Fuck, ayaw talagang gumana!" dismayado niyang sambit at saka hinampas ang manibela.

"Papaano tayo aalis dito? Sina Cristoff? Nasaan sila?" tanong ko ngunit napakamot-kamot na lamang sa ulo si Arcen at saka binuksan ang pinto sa tabi niya.

"Walang mangyayari kung mananatili tayo rito. Kailangan nating magtago, Mandy. Marami tayong kalaban," aniya pa kaya't wala na akong nagawa pa kung hindi bumaba na rin at sumunod sa kaniya palabas.

Nanguna sa pagtakbo si Arcen habang ako nama'y nakasunod lamang sa kaniya. Tila ba hindi niya alintana ang walang humpay na pagbuhos ng ulang tumatama sa buong katawan niya. I don't know why but I think he's bothered about what happened to him.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko dahil takbo lamang kami nang takbo ngunit wala akong kaide-ideya kung saan niya balak pumunta.

"Nando'n sila. Iniwan ko sila doon," sambit niya nang hindi lumilingon sa akin.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya ngunit para bang kusang gumaan ang pakiramdam ko nang sinabi niyang naroon sila. I just assume that he's pertaining to my friends 'cause I really wish to see them again. God knows how I want to see those idiots again. Kahit pa nalalagay kami sa ganitong pagkakataon, okay na ako basta kasama ko sila.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo hanggang sa matanaw namin ang isang ambulansya sa hindi kalayuan. Lumingon sa akin si Arcen at nang magtama ang paningin nami'y tila ba nagkaintindihan na kami sa ideyang pumapasok sa isipan namin.

▬▬▬

ARCEN drove the ambulance as fast as hell. It's like, he tests how speed this vehicle can go but as he reaches the maximum speed limit of it, his faces literally brighten up like he really enjoys driving it with maximum acceleration. Sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya, halos hindi ko na maialis ang sarili kong katawan sa pagkakasandal sa upuan at pagkakadikit sa sandalan.

The City Of Troubles (Novel of all Genres)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon