Chapter 11 : Vitrum Aqua

528 94 2
                                    

Chapter 11 : Vitrum Aqua

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 11 : Vitrum Aqua

Mandy


"Where are we going?" I asked as we go through the gloomy wide forest of the island. I can remember when he said how dangerous this island is kaya hindi ako mapalagay habang pinagmamasdan ang dinaraanan naming kagubatan.

Bitbit ang sulo na tanging nagbibigay liwanag sa aming dinaraanan sa madilim na gubat ay napatigil ang kanina pang abala sa paglalakad na si Gareth. Siya ang nangunguna sa paglalakad kaya naman wala akong magawa kung hindi sumunod lamang sa kaniya.

"Alam mo, nahihilo na ako sa 'yo? Saan mo ba ako balak dalhin?" muling tanong ko sa kaniya sa kabila ng pangambang nababalot sa akin habang binabagtas ang daanan.

Samu't saring tunog ang kanina ko pang naririnig mula sa mga kuliglig, huni ng mga ibon, kwago at maging mga palaka. I used to be afraid of frogs pero dahil sa mga nangyari sa akin, para bang kahit kamatayan ay hindi ko na kinatatakutan pa.

"We will find a way out here," matikas ngunit pabulong niyang sambit. May matataas kahoy na nagsisilbing bakod na napalilibutan ng alambre sa aming harapan. Mukhang ito ang dahilan kung bakit huminto sa paglalakad ang mokong.

"Ha? Anong sinasabi mo? Paano tayo hahanap ng daan dito sa gubat, eh hindi ba't sa dagat tayo dapat dumaan para makarating sa ibang lugar?" sunod-sunod ko pang tanong sapagkat patuloy pa rin akong naguguluhan.

Abala pa rin si Gareth sa kaniyang ginagawa. Naguguluhan ma'y napansin ko na para bang nangongolekta siya ng mga tuyong dahon at ibinubunton ito sa kinaroroonan ng bakod. Ilang saglit pa'y kinuha niya ang bitbit kong sulo at kumuha ng isang pirasong tuyong dahon saka inilagay ang nagbabagang dahon sa mga kasamahan pa nitong nakabunton.

"Bakit ka nagsisiga? Don't you know it's bad for our nature?" Imbis na sagutin ipinagpatuloy lamang niya ang kaniyang ginagawa. Mayamaya pa'y iniabot niya sa akin ang sulo at tinitigan akong mabuti.

"You're too young to know what you're talking about. We need to find a way out," giit niya habang nakatingin ng diretso sa akin. Napabuntong-hininga ako saka napansin na unti-unti ng nasusunog ang mga bakod na nasa harapan namin.

"Bakit? Akala mo kung sino kang matanda ah?" humahangos na sambit ko. Hindi ko alam kung bakit nagawa niya pang tumawa gayong gulong-gulo na ako sa mga ginagawa niya.

"Well, I'm two year older than you," tumatawa niya pang sambit hanggang sa lingunin niya ang sinisilaban at napansin na unti-unti na itong nakagagawa ng daanan.

Hindi ko alam kung papaano niya nagagawang kumalma habang nasa gitna kami ng napakadilim at tila ba misteryosong kagubatan. Kaninang-kanina pa ako lingon nang lingon sa kung saan-saan subalit wala akong ibang nakikita kung hindi mga nagtataasang puno. I wonder if there are zombies here too.

The City Of Troubles (Novel of all Genres)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon