Prologue
"Congratulations, Engineer!" Sigaw naming lahat pagpasok na pagpasok pa lang ni Kuya Andrei sa bahay.
Naghanda kami ng surprise celebration para kay Kuya Andrei since he passed the engineering board exam. Ngiting ngiti si Kuya nang makita ang pagsabog ng mga confetti.
"Uy, salamat! Grabe, Ma. Nagpapaiyak kayo?" Tumatawang sabi ni Kuya at mukhang nanggigilid na ang luha.
"'Eto naman, masaya lang naman kami para sa'yo. Lalo naman 'tong Papa mo, oh. Dalawa na kayong engineer sa pamilya." Sabi ni Mama kay Kuya at niyakap ito. Hinalikan ni Kuya si Mama sa tuktok ng kanyang ulo.
"Salamat, Ma." Sabi ni Kuya. Nakakaiyak naman 'tong moment na 'to. Ganito ba talaga?
Nang magbitaw si Mama at si Kuya lumapit naman si Kuya kay Papa, nag-shake hands sila at niyakap din ni Papa si Kuya.
"Congratulations, Engineer." Sabi ni Papa.
"Thank you po, Engineer." Ngumiti si Kuya at tuluyan nang tumulo ang kanyang luha. Hala, ako rin tuloy naiyak na.
"Ano ba 'to, bakit tayo nag-iiyakan?" Tumatawang sabi ni Papa sabay lingon sa akin, "Oh, tingnan mo 'to si bunso, akala mo naman talaga! Nakikiiyak pa." Tumawa ako at sumimangot at nagpunas ng luhang tuloy-tuloy tumutulo sa mata ko.
Patakbo akong lumapit sa Kuya Andrei ko, "Congratulations, Kuya kong Engineer!" Sabi ko at niyakap siya. Niyakap din ako ni Kuya pabalik at ginulo pa ang buhok ko sabay halik din sa tuktok ng ulo ko.
"Salamat, bunso. Kaya ikaw, pagbutihin mo rin pag-aaral mo ha." Tumatango ako habang nakayakap pa rin kay Kuya at tumutulo ang luha.
Nakakaproud si Kuya! Kaya ako naiiyak kasi naisip ko, pa'no kung ako naman? Ano kaya pakiramdam ng pumasa sa board exam? Gano'n naiisip ko, e. Grabe. Proud ako sa Kuya ko!
Galing pa si Kuya Andrei ng Cabanatuan, kasi kinuha niya 'yung mga gamit niya do'n, saktong naglabas naman ng result 'yung PRC nung nando'n siya. Alam ko hindi tiningnan ni Kuya 'yung result, sabi niya, kami raw bahala sa kanya. Pagkauwi niya raw sabay-sabay daw namin titingnan. E kaso nga, etong si Mama at Papa, excited. Kaya kami na tumingin. Ta's eto na nga, nakauwi na si Kuya.
Nakapag-prepare naman din agad si Mama kasi sabi naman niya, kahit ano raw maging resulta ng exam, maghahanda pa rin kami para kay Kuya. E buti na nga lang din pumasa. Tsaka parang expected na rin naman namin na papasa si Kuya.
"'Yung kapatid mo ba hindi uuwi?" Tanong ni Mama kay Kuya Andrei. Si Kuya Andrew ang tinutukoy ni Mama, ang Dikong ko.
"Hindi ko alam do'n Ma. Kanina nung umalis ako natutulog pa. Hindi ko alam kung nakapag-enroll na 'yun." Sabi ni Kuya Andrei habang nakatayo sa harap ng lamesa namin at kumukuha ng spaghetti. Kumuha pa nga siya ng isang shanghai at kinagatan.
BINABASA MO ANG
I Stayed (Maniego Series # 1)
Teen FictionAJ Libunao never liked Asher Maniego in the first place. She also didn't know why. They were teasing each other, a lot. But when they began to grow closer, Asher's ex came to the scene, and then she suddenly got confused feelings. Were they willing...