10

The next day was a Saturday. Exam week is approaching and I'm kind of stressed out because of what happened yesterday. Hindi kami nag-chat ni Asher nung nakauwi na 'ko, siguro silent agreement na rin. Pero, ewan ko rin ha. 


Hindi ko rin alam kung ni-replyan ba niya si Ate Ava. Hindi ko na kasi siya tiningnan pagtapos no'n at nag-focus na lang ako sa cellphone ko. Nagbasa-basa ako do'n, nanghingi ng lectures para makapaghanda na ako sa exam week. 


Hindi na kami nag-usap. Puwera na lang nung hindi siya bumaba sa kanila. 


"Oh? Bakit hindi ka pumara?" Lumampas na kela Asher pero hindi siya pumara. 


"Hatid na kita ulit sa sakayan ng tricycle." Ngumiti siya ng tipid. Tumango na lang ako. 


'Yun lang, tapos nag-babay siya sa'kin nung pasakay na ako ng tricycle, kinawayan ko lang siya. Ang awkward bigla, hindi ko alam kung bakit. Basta kasi, nalungkot din ako dahil sa nangyayari. Kasi ang unfair. Magkaibigan kami, e. Tapos biglang gano'n. 


Nag-chat pala siya nung gabi, na nakauwi na siya. Sabi ko lang okay, e ano'ng oras ko na rin na-replyan mga 10 na gano'n. Kaya nag-goodnight na lang din ako. Hindi ko alam, pero kung gusto ni Asher pag-usapan si Ate Ava, okay lang naman. Pero pakiramdam ko kasi wala ako sa lugar kaya hindi ko na lang muna in-entertain. 


Kaya naman eto, 7am pa lang, nakatulala lang ako rito sa kwarto ko at 'di ko alam kung paano ko sisimulan 'tong araw na 'to. Pero alam ko lang ay kailangan ko mag-general cleaning kasi exam week is coming, alam kong magmumukha na namang dinaan ng bagyo 'tong kwarto ko.


Masaya rin ako dahil uuwi ngayon si Kuya Andrei. Maya-maya na ako babangon. Tumagilid ako at niyakap ang unan ko para sana matulog ulit ngunit tumunog ang cellphone ko, Messenger. 


Asher Timothy Maniego: Good morning, AJ. Sorry ulit sa kahapon, nakausap ko na si Ava. Okay ba tayo? Di ka na kasi kumibo nung nagchat siya. Galit ka ba?


Hindi ko pa sini-seen ang message niya. Rereplyan ko ba 'to? Hindi ko naman alam ire-reply ko. And why am I making such a big deal out of this anyway? Parang ilang days pa lang naman kaming nagkakasama ni Asher? I sighed and clicked his message. 


Me: good morning!! wala naman dapat ipag-sorry. di ako galit, goods tayoooo. 


Na-seen niya kaagad ang message na 'yon at nakita kong typing kaagad siya. Bilis naman neto. 


Asher Timothy Maniego: Bigla bigla kasi tong di nagsasalita sa jeep e! 

Me: well, to be completely honest, medyo na-shook ako. kasi naman e magkaibigan na tayo tapos biglang ganon diba? pero wala naman akong magagawa don. tsaka, di rin naman natin masisisi si ate ava. malay mo mahal ka pa nung tao diba

Me: pero para sakin lang naman, asher, dapat mo kasi desisyunan yan ganon. di ko sinasabi to dahil lang sa ako yung naaapektuhan ganon. kasi syempre, magkakaroon ka rin ng mga kaibigan na iba in the future, pag di mo yan inayos baka hindi lang ako yung magkaganito. ganon. 

I Stayed (Maniego Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon