08 


I had to go away because I was embarrassed with that short encounter I had with Asher at the dressing room.  Bakit ba kasi hindi siya nagla-lock ng pinto? Parang ewan!


Asher: Ano nangyari sayo? Hahaha

Asher: Pasok ng pasok kase hahaha

Me: bakit ba kasi hindi ka nagla-lock?! 

Asher: Malay ko bang may papasok saglit lang naman ako 

Me: napaka-ewan!!!! 

Asher: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA SORRY 

Me: tse! mama mo sorry! 

Asher: HAHAHAHAHAHAHAHAHA san ka nga? Hinahanap ka ni Andrew. 

Me: asan ba kayo? 

Asher: Dito lang sa tapat ng dressing room. 

Me: ako nalang punta dyan 


Nag-patay na ako ng data at lumakad na papuntang dressing room mula sa pagkakatago ko sa likod ng stage dito sa gym. 


Nandoon nga si Asher at si Dikong. Nakaupo si Dikong sa lamesa habang si Asher naman ay nakatayo sa gilid niya, nagpapaypay gamit ang towel niya. 


Natanaw agad ako ni Dikong, kaya kinawayan niya ako. Kumaway naman ako pabalik. At naglakad-takbo papunta sa kanya. 


"Ano? May training ka?" Tanong ni Dikong sa akin. Tumango naman ako. Sure naman na meron, tatanong pa siya. Napasulyap ako kay Asher na naka-ngising aso. Marahil ay naaalala 'yung nangyari sa pagitan naming dalawa kanina. Nang magtagpo ang tingin namin ay napailing-iling siya at yumuko, tapos pinunasan niya 'yung batok niya, sabay hawi sa buhok niya habang nakayuko pa rin. 


Hindi ko na lamang siya pinansin at binalik ang pansin ko sa pakikipag-usap kay Dikong, "Hindi mo na 'ko hihintayin niyan, 'no? Tapos na training niyo, e." Sabi ko sakanya. Tumango siya. 


"May mga kasabay ka namang uuwi. 'Tsaka, napapagod din ako, gusto kong umuwi at mahiga." Sabi niya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa lamesa. Nilingon niya si Asher habang isinasabit ang bag niya sa balikat niya. 


"Ano, Sher? Tara na, makauwi na." Pag-aaya ni Dikong kay Asher. Napalingon din tuloy ako kay Asher, kasi syempre, magsasalita siya, e. 


"Una ka na, 'tol. Punta ko Gapan, may pinapabili sa'kin si Mommy." Sabi naman ni Asher. 


"Sure?" Tanong ulit ni Dikong. Napatawa si Asher at kumamot sa kanyang pisngi. 


"Oo nga, pero sabay na tayo lumabas. Tara na." Pag-aaya ni Asher at isinukbit na rin niya ang duffel bag niya sa kanyang balikat. 


"Ge, tara." Sabi naman ni Dikong, "Bye, Bunso. Uwi na 'ko. Ingat ka." Sabi niya ulit sa akin sabay pat sa ulo ko. Nilukot ko ang ilong ko kaya medyo napatawa si Dikong. 


"Ingat din, Dikong." Sabi ko na lang sa kanya. At umalis na sila. Bago ako tuluyang malampasan ni Asher ay sumulyap muna siya sa akin at ngumiti ng matipid sabay tawa ng mahina. 

I Stayed (Maniego Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon