07 


"'Uy, AJ! 'Di ka ba nagsusulat ka ng mga tula, gano'n?" Random na tanong sa'kin ni Kuya Matrix habang nakaupo kami sa gym at nagpapahinga dahil water break namin. 


"Nagsusulat naman, Kuya. Bakit?" Tanong ko naman. 


"Magpasa ka naman ng entry para sa school paper, oh? Para madagdagan 'yung ico-content namin at sulit 'yung ibabayad namin sa pagpapa-print-an." Ah, oo nga pala. Campus journalist nga pala 'tong si Kuya Matrix. 


"Sige, Kuya." Excited ko namang sagot, "Mga ilan ba?" Tanong ko pa. Napatawa si Kuya Matrix. 


"Wow, ha. Parang ang daming tulang naisulat ah?" Sagot niya na siyang nakapagpatawa sa'kin. 


"Hindi naman masyado, Kuya. Slight lang." Ngiti ko at nag-gesture pa ako ng 'konti lang' sa kamay ko. 


"Kahit mga dalawa or tatlo lang, pwede na siguro. Isang tula tapos isang random na sulat lang. Kaya 'yon?" Napatango ako. 


"Kaya naman, Kuya. 'Di mo naitatanong e mahilig naman din akong magsulat ng kung anu-ano. For fun lang." Ngiti ko kay Kuya Matrix. 


"Nice, nice. Bigay mo sa'kin, ah! Kahit send mo na lang sa Messenger." Sabi niya. Mahilig ako magsulat. Though hindi ko talaga passion, nag-eenjoy lang ako minsan ibuhos 'yung mga nasa isip ko sa pamamagitan ng pagsusulat. 


Kapag masaya, kapag malungkot, kung anu-ano lang. 'Yung mga tula naman, libangan lang din. Natutuwa kasi ako sa mga nag-s'spoken word poetry, kaya tinatry ko sumulat. Pinapabasa ko minsan kay Mama 'yung mga gano'n, natutuwa naman siya. 


"Ano 'yun?" Pakiki-usyoso ni Kuya Renz. 


"Hinihingian ko lang ng tula si AJ para sa school paper, 'tol." Nagulat si Kuya Renz sa tugon ni Kuya Matrix. 


"Wow. Nagsusulat ka rin, AJ?" Tanong ni Kuya Renz, "'Yung totoo? Ano bang hindi mo kayang gawin?" Natawa ako dahil para namang ang galing galing ko sa mga bagay-bagay. 


"Kuya Renz talaga! For fun lang naman 'yon. Sila Mama nga lang nakakakita ng mga gawa ko." Sabi ko sa kanya. 


"Abe, kahit na! Mahirap din kayang magsulat." Sabi ni Kuya Renz. 


"Kuya Renz ano ka ba! Kukuha ka lang ng ballpen atsaka papel makakasulat ka na, e." Lahat kami napalingon kay Clark sa attempt niyang mag-joke. 


"Ang corny, Clark." Nakangiwing sabi ni Ate Yumi kay Clark. Tumawa lang si Clark ng mahina at hindi na kumibo. 

"Hoy, game na ulet. Next step na tayo!" Sigaw ni Kuya Alvin. Kaya naman tumayo na kaming lahat at nagsimula na ulit kami sa pagkuha ng steps. Third day na ng training namin para sa Senior High School Talent Fair. Nakaka-1 minute pa lang kami sa routine, pero sabi naman ni Kuya Alvin, nabuo naman na raw niya ang sayaw. 

I Stayed (Maniego Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon