03
"'Te, ano 'yon?" Tanong agad sa'kin ni Riley pagkaalis ni Asher.
"Tumahimik ka. Magsisimula na 'yung laro." Sabi ko sakanya. Nagtitili sila ng mahina at pinagsusundot nilang dalawa 'yung tagiliran ko.
"Nakuuu!" Pang-aasar ng dalawa sa akin.
"Sshh! Ano ba? Manunuod o mang-aasar?" Irap ko sa kanila. Alam kong titigil lang sila ngayon dahil magsisimula na 'yung laro at kailangan naming magsisigaw dito. Pero alam ko mamaya, gigisahin din nila ako. Pati ni Sandro! Nakita pa naman niya kanina.
Maganda 'yung nagiging laro. 'Di naman kasi nagkakalayo ang heights nila pati ang galing nila sa basketball. Naghahabulan nga lang ng score.
Na kay Sandro ngayon 'yung bola kaya naman abot ang tilian naming tatlo nila Riley. Pumwesto si Sandro sa three-point lane, nang itira niya ang bola ay kabod itong na-block at naagaw ni Asher.
"Ay pucha, sayang!" React ni Riley.
"Boo! Wala 'yan!" Sigaw naman ngayon ni Jarmaine. Asher did try to shoot the ball and luckily, nakapasok ito. "Argh! Ano ba 'yan!" Namayagpag sa quadrangle ang sigawan ng mga Grade 12.
"Let's go, Spartans! Let's go!" Spartans ang pangalan ng team ng Grade 12. Malakas ang pagchi-cheer nila dahil lamang na ng 4 points 'yung Grade 12.
Nasa Spartans pa rin ang bola at nang maipasa kay Asher 'yung bola, saktong nasa three-point lane siya, at pumasok 'yung tira niya. Kaya naman nagsigawan na naman 'yung mga Grade 12.
"Let's go, Wolves!" Pagsigaw namin hoping to lift the players' spirits up. Mabuti na lang at naagaw ulit ang bola, naka-shoot din ulit ang Grade 11.
Kaso ang ending, nanalo pa rin ang Grade 12. Lamang sila ng 2 points.
"Kainis, sayang 'yon!" Sabi ni Jarmaine habang naglalakad na kami ngayon pabalik ng room. Hindi pa namin nakasabay si Sandro kasi dumaan pa muna ng CR.
"Sayang kasi 'yung huling three-points ni Law, 'di pumasok e." Sabi naman ni Jade, "Pati sa basketball bongo rin, e." Pagbibiro niya.
"Loko ka, isusumbong kita!" Pananakot pa ni Riley kay Jade.
"Luh! Paki ko? Edi isumbong mo. Bongo naman talaga, e." Tumatawa-tawang sabi ni Jade kaya napatawa na lang din tuloy kami. Kasunod namin sa pag-akyat 'yung mga Grade 12.
"Dalian natin, ang init." Narinig ko ang boses ni Dikong. Napadaan pa siya sa gilid ko at nilingon ako.
"Oy. Pa'no ba 'yan? Talo kayo." Pang-aasar niya pa habang sabay kaming humahakbang sa hagdan.
"Paki mo ba? Babawi kami next game, kala mo d'yan, Dikong!" Sabi ko sakanya. Ginulo niya ang buhok ko. Aakbayan sana ako pero mabilis akong tumakbo para marating na ang second floor.

BINABASA MO ANG
I Stayed (Maniego Series # 1)
Novela JuvenilAJ Libunao never liked Asher Maniego in the first place. She also didn't know why. They were teasing each other, a lot. But when they began to grow closer, Asher's ex came to the scene, and then she suddenly got confused feelings. Were they willing...