09
The next day, Asher was able to fulfill his promise to wake me up early. Ang aga naman niyang nagigising? It's a Friday, meaning it's the last day of practice for the week. Free day bukas! Yes! Since first week pa lang naman ng training at practice namin, hindi pa nagpapa-Saturday si Kuya Alvin. 'Tsaka na magpapa-Saturday 'yon, kapag malapit na laban.
Tsaka next week, wala rin kami masyadong practice kasi exam week na. Meaning, ban week sa lahat ng practice and stuff.
I got ready for school, sasabay kami ni Mama ngayon kay Papa because he's going to the site the same time we need to get to school.
"Si Dikong, Ma?" I asked when I noticed Dikong wasn't at the dining table for breakfast. And Mama is also not dressed for school.
"May trangkaso." Sabi ni Mama, "'Di rin ako makakapasok. Wala mag-aalaga sa kanya. Kumain ka na rito." Sabi niya ulit sa'kin.
Hanep! Bad timing. Ngayon pa naman ako pupuntang San Antonio kasi ako 'yung 'di nasukatan ng costume namin tapos dun kami nagpatahi!
"Bakit tinrangkaso, Ma? Punta pa naman sana kami San Antonio mamaya. Papasukat ako sa costume, 'di ako nakasama nung sukatan sa school kasi may klase ako nun." Sabi ko kay Mama.
"Eh sa pagod siguro. Natuyuan 'ata 'yun ng pawis kahapon sa training niya. Jusko, kayong magkakapatid! Ayos lang naman mag-sports at sayaw sayaw kayo, pero dapat iniingatan niyo sarili niyo." Sabi ni Mama. Medyo stressed.
"Oh, Mama, relaks ka lang. Halika na rito maupo ka na." Ipinaghila ni Papa ng upuan si Mama at pinaupo ro'n. Pagkaupo ni Mama ay minasahe pa niya ang likod nito.
Napangiti ako sa kanilang dalawa. Initially, I don't really believe in the idea of loving someone for so long. I mean, I had flings, mga "kalandian" gano'n, I also had experiences of being called a girlfriend pero laging pang-sandali lang. Mas nagtatagal pa 'yung mga kalandian na katext gano'n. 'Di naman kasi seryoso. And yes, I do feel like I love them. But when I look at my parents, I realize there's more to love than just those flings and texting.
"AJ, kumain ka na rito. Male-late ka na." Pagtawag sa'kin ni Mama. Naupo na ako at kumain na ng almusal. After eating breakfast, I checked my things kung nakaayos na ba lahat. Pati 'yung baon ko pang-practice.
Medyo matagal akong maghihintay, kasi hapon pa practice ta's half day lang ako today. I sighed at the thought. After kong mag-ayos ng gamit ko ay umalis na kami ni Papa. Sa byahe ay nagtext sa akin si Asher.
Asher: May kasama ka bang maghintay ng practice mo mamaya?
Me: ala. pero baka sila riley
Asher: Hanggang anong oras ka ba?
Me: 11 lang. :)
Asher: Ah, sige. Lunch tayo?
Me: ha?
Asher: Hatdog! Lunch nga.
Me: anong oras ba pasok mo?
Asher: Alas dos pa. Wag ka na tumanggi.
Me: errr sige
Asher: Nice. Agahan ko na lang pasok
Hindi ko na siya ni-replyan. Gagawin naman niya 'yan, e. Pagdating ko sa school ay nando'n na si Riley, Jarmaine, at si Jade. Wala pa si Sandro. Naupo na ako sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
I Stayed (Maniego Series # 1)
Teen FictionAJ Libunao never liked Asher Maniego in the first place. She also didn't know why. They were teasing each other, a lot. But when they began to grow closer, Asher's ex came to the scene, and then she suddenly got confused feelings. Were they willing...