06 


Isang linggong pahinga. 'Yan lang 'yung meron ako, dahil pagtapos ng intramurals, maghahanda na rin kami ulit para sa Senior High Talent Fair na gaganapin sa November. 


"Hoy." Kinalabit ako ni Riley dahil nakapikit na yata ako. Hindi ko naman din kasi maintindihan 'to si Ma'am. Seryoso. Nahihilo ako sa numbers na nakasulat sa board. Bwisit na Statistics and Probability na 'to. 


"Tanga, gising." Bulong pa ni Riley sabay kurot sa braso ko. Napangiwi ako dahil sa sakit ng kurot niya. 


"Masakit. Potek!" Bulong ko kay Riley. 


"Tanga, 'wag kang matulog, kanina pa sumusulyap sa gawi natin si Ma'am!" Bulong niya pabalik. Pumalatak na lang ako at umayos ng upo. Pinilit kong makinig kahit wala talaga akong maintindihan. Buti na lang break time after neto, e. 


Tiningnan ko ang wrist watch ko, buti na lang at 10 minutes na lang pala time na. Huhu, hindi ko alam kung gutom lang ba ako o nakakainip talaga 'tong subject na 'to. Nakakabwisit, kaya nga ako nag HUMSS para wala math. Ta's ganito naman pala!


"Okay, since it's already time, hindi ko na muna kayo bibigyan ng assignment. Basta pag-aralan na lang mabuti 'yung na-discuss natin ngayon, sa next meeting ay magkakaroon tayo ng activity. Okay?" Nagsisagot naman kami kay Ma'am, "Okay. So, good bye, class." Paalam ni Ma'am sabay labas na sa classroom. 


Nagsimula nang mag-ingay ang mga kaklase ko. 


"Hoy, break time ngayon 'diba?" Tanong ni Rochelle kaya nagsi-oo naman ang karamihan. 


Tumayo kami nila Riley at Jarmaine at nakita namin sina Sandro at Jade, nasa likod, naglabas ng cellphone. 


"Law, tara ML!" Ayaw ni Sandro. 


"Hoy, Sandro! Canteen muna tayo. Nagugutom ako!" Sigaw ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako. 


"Pass. Busog pa 'ko. Nag-kwek kwek ako kanina nung nag-CR ako. Ere, si Jade, baka gusto." Sabi niya sabay turo pa kay Jade. 


"Pass din. Nagtitipid ako." Ni hindi man lang kami nakuhang tingnan ni Jade dahil nakaharap na siya sa cellphone niya. 


"Mama mo nagtitipid! Mag-e-ML lang kayo, e." Reklamo ni Riley. 


"Hayaan niyo na, tara na, kain tayo. Nagugutom na ako." Pag-aaya na ni Jarmaine. Kaya naman kinuha ko na ang wallet ko sa bag ko at lumabas na kami. 


"CR muna." Sabi ni Riley. Pumayag naman kami ni Jarmaine. Kaya imbes na sa kanan kami pumunta, pumihit kami pakaliwa dahil doon ang gawi ng CR, at doon din ang gawi ng room nila Dikong. 


Nagulat ako dahil alam ko namang tabi kami ng room ni Dikong, pero never ko pa sila nakitang tumambay sa labas. Pero nandito siya ngayon, kasama niya si Asher at ang ilan pa sa mga kaklase nila. Nandito rin sa labas si Jel at Harvey. 

I Stayed (Maniego Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon