13
It's been weeks. Hindi ko na alam kung ilang araw na, basta alam ko may mga nagdaan nang weekends, hindi ko pa rin nakakausap ulit si Asher. 'Yung nangyayari sa araw ko pare-parehas lang lagi. Aral sa umaga, training sa hapon, tulog sa gabi. And then repeat. Tapos pag Saturday naman maghapon practice namin. Patayan talaga.
Wednesday ngayon, sa Friday na 'yung Senior High Talent Fair sa Cabiao. Kaya naman medyo paspasan talaga kami. Excused na nga ako sa last two periods ko. 3pm 'yon hanggang 5pm. Vacant namin ngayon, 2-3.
"Ayaw niyo bang kumain? Puro kayo ML!" Sigaw ni Riley kay Sandro at Jade. Tumawa naman ang dalawa nang hindi man lang tinitingnan si Riley.
"Hayaan mo na kasi, Rye. Rank 'to. Pagkain lang 'yon." Komento naman ng kaklase naming si Lawrence, kasama nila sa pulong ng paglalaro nila. Natawa ang mga naglalaro dahil do'n.
"Magutom sana kayo!" Naka-halukipkip at padarag na naupo si Riley sa upuan niya. Natawa ako sa sambakol niyang itsura.
"Tara. Tayo na lang kumain." Aya ko sakanya, nakangiti. She looked at me, hopeful.
"Sama ako!" Sigaw naman ni Jarmaine. Kaya naman ayun, lumabas na kaming tatlo para pumunta sa canteen. Nagkukuwentuhan silang dalawa, pero ako tahimik lang. Walang tao sa hallway nang lumabas kami. Baka may klase ang iba.
Ilang linggo na nilang napapansin na tahimik ako pero hindi naman na nila ako sinisita. Siguro dahil alam nilang kung gusto ko ay magsasabi naman ako. Hindi rin naman kasi gano'n ka-big deal 'yung problema ko. Kung tutuusin hindi naman nga dapat ako nagpapa-apekto do'n.
Kaya lang siguro, ewan ko rin, kung bakit kailangan maapektuhan ng ganito. Hindi naman ito 'yung solusyon sa mga problemang kinahaharap ng mundo.
Habang naglalakad kami papuntang canteen ay napahinto kami nang makarating kami sa may railings na patungo sa canteen, may nakita kami sa gilid ng rest area na nag-uusap. Agad akong nilingon ni Riley at Jarmaine, tila ba nagtatanong.
Magkausap si Asher at Ate Ava at mukhang seryoso sila sa pag-uusap nila. Nakatayo pa sila. Kaunti lang naman ang tao sa labas, siguro nga kasi may klase pa. After all, it's only 2:00.
"Ang seryoso naman ng dalawa na 'yan?" Sabi ni Riley. I shrugged.
"Yaan na natin sila. Tara na." At pumasok na kami sa canteen. Alam kong nakakaramdam 'tong dalawa na 'to. But for me, it's a good thing that they don't bring it up.
After our vacant period, nagpunta na ako sa gym, nagpalit na ako ng damit na pang-sayaw. Hanggang mamayang gabi kami sasayaw dito. Kaya naman marami akong binaon na damit ngayon. I changed from my uniform to a pair of black sweatpants, a gray shirt and I tied my hair up into a ponytail. Paglabas ko ay naroon na rin ang iba kong kasamahan.
As I was making my way to the stage, I saw Thea talking to Ate Ava. Parang umiiyak si Ate Ava so Thea gave her a hug. Malabo namang sisihin pa nila ako, kasi ang tagal na naming hindi nagkakasama ni Asher. Ayoko na ng issue. Basta ang mahalaga kung nagka-problema man sila, wala na ako sa eksena. Sa kanila nang pag-uusap iyon.
BINABASA MO ANG
I Stayed (Maniego Series # 1)
Novela JuvenilAJ Libunao never liked Asher Maniego in the first place. She also didn't know why. They were teasing each other, a lot. But when they began to grow closer, Asher's ex came to the scene, and then she suddenly got confused feelings. Were they willing...