05 


"Sasabay ka, Bunso?" Tanong sa akin ni Papa. 4:30 pa lang ng umaga pero nakagayak na ako. Kailangan kasi maaga dahil 25 na tao kaming me-make-up-an. 


"Yes, Pa." Ngiti ko kay Papa habang nagsusuot ako ng sapatos. Suot ko na ang pang-ibaba ng costume namin. 


"Okay, tara na." Sabi niya. 


"Wait po." At inayos ko na ang sapatos ko. Si Mama naman ay chineck ang bag ko. 


"Nandito na lahat ng kailangan mo, Bunso?" Tanong ni Mama sa'kin. Tumango ako. 


"Opo, naayos ko na kagabi." Sabi ko sabay ngiti kay Mama. 


"'Yung pamalit mo, 'wag kalimutan." Sabi ulit ni Mama. 


"Opo, andyan na po sa bag." Isinara ni Mama ang bag ko at inabot sa'kin. 


"Ingat kayo. Ingat, Papa. I love you." Sabi ni Mama sabay kiss kay Papa. Nag-cringe ako. Pero 'yung totoo nakakatuwa sila tingnan. 


"Bye, Mama." Sabi ko at humalik na rin sa pisngi ni Mama. 


Nang makasakay kami ni Papa sa sasakyan, nag-pray kami para ingatan kami sa byahe at ayon, agad akong tinanong ni Papa kung what time start ng laban. 


"9 po, Papa. Manunuod ka?" Tanong ko sa kanya. 


"Syempre naman. Kaya nga inagahan ko alis ko para ma-check ko 'yung site at makaalis ako kahit para panuorin ka lang. Sabihin mo sa Mama mo sabihin sa'kin kung pang-ilan kang magpe-perform, ha?" Excited na sabi ni Papa. 


"Opo." Ngiti ko naman.


Hindi naman matagal ang naging byahe namin, dahil nga madaling araw pa lang kaya walang gaanong sasakyan. Sa kanto na lang ako binaba ni Papa kasi liliko siya sa katapat ng kanto ng school. Nag-babay ako kay Papa at humalik sa pisngi niya. 


I checked my phone at marami na roong chat sa GC ng cheerdance. 


Miggy: Mga shuta nasan na kayo?! Beastmode na si Kuya Carlo! 

Thea: Si Tristan daw malapit na sa kanto. 

Carlo: @Tristan, baka naman matraffic ka pa nyan???

Tristan: Eto na kuya hehehe 

Carlo: Anu na, @Aina Jess? Seen seen nalang tayo jan girl? 

Me: naglalakad na po 


Hindi ko na tiningnan 'yung ibang chat at tumakbo na ako ng mabilis. Ay shet, hindi ko pala alam kung saang room! Nag-backread ako at sa Science Building pala kami mag-stay. 


Pagdating ko doon ay konti na lang pala kaming wala. 


I Stayed (Maniego Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon