01
"AJ, tara na. Last practice na, tapos uwian na." Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. 6:23pm na. Sakto naman nagtext din si Mama.
"Wait, may text lang si Mama." Sagot ko kay Thea na siyang tumawag sa'kin.
Mama: Anong oras uwi mo?
Me: last practice na ma. tas uwi na rin.
Mama: May kasabay ka?
Me: nakita ko si dikong kanina, nagpahintay na ko.
Hindi na nag-reply si Mama. Ganyan naman 'yan. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig at pumunta na sa stage.
"Oh, ayusin niyo na ha. Last na 'to! Dalian niyo, intrams na sa susunod na linggo. Sa opening niyo sasayawin 'yan, pinapaalala ko lang." Sabi sa'min ni Ma'am Aivee, na siyang nag-susupervise sa'min.
Pinapractice kasi namin ulit 'yung pinanglaban namin sa isang competition nung kakaumpisa pa lang ng school year. Nahingan kasi ng special number para sa opening ceremonies ng intramurals kaya naman ito, nagppractice na naman kami.
Pagka-akyat ko sa stage ay agad akong pumunta sa formation ko. Nakalingon sa akin si Ashley kaya tiningnan ko rin siya.
"Pagod na 'ko." Sabi niya sabay ngiti. Tumawa ako.
"Ako rin, girl." Sabi ko sa kanya. Katatapos lang din kasi namin mag-practice ng cheerdance, tapos kailangan pa namin itong sayawin. Walang pahinga kung hindi water break lang.
"Formation!" Sigaw ni Kuya Alvin, 'yung nagtuturo naman sa'min ng sayaw. Bwisit, ang halimaw talaga ng boses nito, e. "Doings tayo, ha!" Sigaw niya pa ulit.
Nagsimula na ang music kaya naman ginawa na namin 'yung steps. Kaso medyo malamya kaya pinatigil muna 'yung tugtog.
"Ano ba? Markings ba 'yan? Ayusin niyo naman! Gusto niyo bang umuwi?" Galit na sigaw ulit ni Kuya Alvin. "'Yan talaga hirap sa inyo 'pag nagwa-water break. Isa pa!" Kaya tuloy balik na naman kami sa unang formation.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko p'wede pansinin muna pagod ko. Game face on! Nang magsimula ang tugtog, mas naging okay ang sayaw namin. Napapa-sigaw pa si Kuya Alvin pati ang mga kaibigan niyang nanunuod din sa'min.
"Power! Oh. Let's go, AJ!" Sigaw ni Kuya Alvin sa'kin ng ako na ang napunta sa front and center. Ibinigay ko naman ang hinihingi ng sayaw at lahat sila napa-cheer sa pagsasayaw ko.
Nang matapos kaming mag-bow ay nagpalakpakan ang mga ibang nagppractice din dito sa gym. Napaupo ako sa stage dahil sa pagod.
Nilingon ako ni Kuya Renz. "Ano? Kaya pa?" Sabi niya habang pinampapaypay sa kanyang sarili ang t-shirt niya. Ngumiti ako. "Syempre." Kindat ko sa kanya.
"Yabang sa exposure. Palakas ng palakas talaga, AJ." Sabi niya ulit.
BINABASA MO ANG
I Stayed (Maniego Series # 1)
Teen FictionAJ Libunao never liked Asher Maniego in the first place. She also didn't know why. They were teasing each other, a lot. But when they began to grow closer, Asher's ex came to the scene, and then she suddenly got confused feelings. Were they willing...