02 


"Magbihis na raw, tara na!" Sigaw ni Matthew as soon as nakabalik kami sa school galing sa parada. 


Ngayong araw ang opening ng intramurals namin. Katatapos lang ng parada, hindi kasi pwedeng hindi kami sumama rito dahil magkakaroon kami ng deduction sa mismong performance kapag hindi kami kumpleto sa parada. 


"Nasa'n sila Kuya Renz?" Tanong ko. Kasi nga mag-intermission kami nung pinanlaban namin. 


"Nando'n na 'ata dressing room." Sagot naman sa'kin ni Matthew. Tumango ako. Tumakbo pa ako sa ng mabilis sa room kasi iniwan ko do'n 'yung damit ko. 


Pagbaba ko sa dressing room ay halos lahat sila nakabihis na. 


"Dalian mo, pinapakilala na mga muse at escort." Nataranta naman ako. Una kasi yata kami bago mag-opening remarks. 


Nagbihis na ako ng mabilis ng costume namin. Hindi naman na ako namroblema sa buhok dahil inayos ko naman na 'to kanina pa.


Paglabas ko ay nagmadali na kaming bumalik sa quadrangle, kasi naririnig na namin nagsasalita na. Nang makarating kami sa quadrangle ay doon muna kami syempre sa may gilid kung saan kami manggagaling. Sakto akong napwesto sa tapat ng mga Grade 12, sila Dikong. Syempre kasama sila sa parada, player sila e. 


"Oy! Kabilis mo naman nakabihis?" Pagpuna sa'kin ni Dikong ng makita niya ako. Ngumiti ako. 


"Syempre! Next na yata kami dyan, e." Sabi ko sa kanya. Nag-jog siya palapit sa akin at pinitik ako sa noo. 


"Mayabang ka pala, e. Pang-intermission na lang ngayon sa intrams, ah?" Pang-aasar niya. Mahina ko siyang sinuntok sa tyan. 


"Ewan ko sa'yo, Dikong! Ikaw ba ang magla-light ng torch sa senior high?" Hinawi ni Dikong ang buhok niya bago siya umiling. 


"'Di ako. Si Asher. Siya captain, e." Nagulat ako doon at saglit na natahimik. Maya-maya dumating si Asher galing sa canteen na nakasuot din ng jersey nilang kulay white. Umiinom pa siya ng gatas na naka-tetra pack.


"Uy, hi, AJ." Bati niya. Humalukipkip ako at inirapan siya.


"Dikong, punta na ako do'n sa mga kasamahan ko. Next na 'ata kami." Hindi ko na pinansin si Asher dahil unang-una, hindi naman siya kapansin-pansin. Pangalawa, kailangan ko na talaga pumunta do'n sa mga kasama ko. 


"Ano meron? Sasayaw sila?" Narinig ko pang tanong ni Asher. 


"Tanga ka ba? Kita mong naka-costume, e. Tara na nga!" Sagot pa ni Dikong. Napatawa ako dahil doon at tuluyan nang binilisan 'yung lakad ko. 


"Tagal mo. Sa'n ka galing?" Tanong ni Kuya Renz na inaayos ang zipper ng pangtaas niya. Nakakunot pa ang noo niya sa'kin. 


I Stayed (Maniego Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon