11 


"Hindi ka sama kumain?" Tanong ni Riley sa akin ng makita akong nag-aayos ng gamit. Last day ng exam ngayon at balak namin mag-foodtrip sa kung saan. Kaso inaya rin ako ni Asher. 


"Saan ba tayo?" Tanong ko. 


"Ewan ko lang. Pero dyan dyan lang. O kaya baka samgyup sa bayan!" Excited niyang sabi. Wala pa talaga kaming napag-dedesisyunan dahil kami palang dalawa 'yung tapos sa exam. Si Sandro, Jade, at Jarmaine nasa loob pa, nag-e-exam. 


Kahit naman kami ni Asher wala pa rin kaming final na napag-uusapan dahil sinabi ko rin naman sa kanya na baka umalis kami nila Riley dahil madalas naman namin itong ginagawa. Ewan ko do'n, baka mamayang hapon o gabi. Tapos sabi niya rin kasi, baka raw mag-meeting sila ng groupmates niya sa research kaya naman 'di pa talaga namin nafa-finalize 'yung sa'min.


Besides, half day lang naman ang exam, hanggang 11:30 lang, kaya pwede pa naman talaga kami umalis nila Riley at mamaya na lang kami ni Asher mag-a-ice cream o kung ano man. 


Nang matapos mag-exam sina Sandro ay agad kaming nag-usap usap kung saan ba kami pupunta. Napagkasunduan naming pumunta na lang ng Walter, tumingin ng magandang palabas sa sinehan, pero mas malamang ang kumain at mag-KTV. 


Habang naglalakad kami ay biglang tumunog ang cellphone ko, nag-text si Asher.


Asher: AJ, natuloy meeting namin. Mamayang hapon na lang tayo kumain, g? 

Me: osigeee okay lang. kasama ko sila riley, punta muna kaming wm. =) 

Asher: Ayon, sige. Sa San Isidro ka na lang mamaya bumaba. Kita tayo sa plaza no? 

Me: hahaha sigeee ingat ka 

Asher: Ingat din, sungit. ;) 


"Luh, bakit nakangiti ka, AJ?" Nang-iintrigang tanong sa'kin ni Riley. Nagtataka akong nilingon siya. 


"Anong nakangiti? Sinasabi mo dyan?" Tanong ko, pa-inosente. Sabay taas pa nga ng kaliwang kilay. 


"Nakuuu! Aalis siguro kayo ni Kuya Asher mamaya 'no?" Bakit ba agad nila ina-assume na tungkol kay Asher kapag ngumingiti ako o kung ano man? Napaka-issue. 


"Ewan ko sa inyo. Kung anu-ano sinasabi niyo." Pag-iwas ko sa topic. Tiningnan ako ni Sandro ng makahulugan. Alam kong alam niya na may plano kami ngayon kahit hindi pa final. Kasi nung isang gabi doon siya natulog kila Asher e magka-chat kami no'n.


Ayos naman 'yung exam week. Hindi kami masyadong nagkasama ni Asher. Sila Jarmaine ang lagi kong kasabay umuwi, si Dikong naman pinopormahan si Ate Eunice kaya medyo busy siya. Kumbaga, e, sabay sila nagre-review gano'n. Hindi ko alam kung anong score sakanilang dalawa, pero mukhang tropa tropa muna. Kasi hindi naman silang dalawa lang 'yung magkasama. 


Madalas kasama ni Dikong sila Asher, pati ang iba niyang teammates. Madalang ko makita na sila lang ni Ate Eunice. Parang naging support system ni Ate Eunice 'yung barkada ni Dikong. Alam ko dinadahan-dahan niya, kasi kagagaling lang sa break-up, e. Kaya ayon. Ta's si Asher naman, wala, nagkaka-chat at text pa rin kami. 

I Stayed (Maniego Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon