04


Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin-tingin ng mga IG stories at my day ng mga kaibigan at kaklase ko. Hindi ako pinapasok ngayong araw dahil nga nagkaroon ng sprain 'yung ankle ko. Nung pumunta kami sa ospital kahapon, ang Mommy ni Asher 'yung tumingin sa'kin. 


Mild lang naman daw 'yung sprain kaya binigyan lang ako ng painkillers tapos nilagyan ng bandage 'yung paa ko. Binilinan din ako kung paano ko ito ite-therapy. Hindi naman daw masyadong serious baka makasayaw naman daw ako sa Friday. 


Hindi muna ako pinapasok ngayon para maging maayos 'yung recovery ng paa ko. Pero nalulungkot ako, kasi hindi ko pa masyadong nama-master 'yung finale. Baka mamaya, doon pa ako hindi makasayaw. Kailangan ko 'yun practicin kahit na sa panaginip lang. 


Ang dami nilang my day at IG stories, nanalo pa nga sila Sandro sa basketball. Pati sila Jade panalo rin sa volleyball. Si Jarmaine naman nanalo rin sa badminton. Sayang at hindi ako nakakapanuod. 


Nakita ko ang IG story ni Riley kung saan magkakasama silang apat at kumakain sa paborito naming kainan.


Insert @ainajess! Pagaling ka dyan, ikakain ka na lang namin ng porksilog!


'Yan pa ang caption ni Riley. In-add ko rin ito sa story ko at nilagyan ko lang ng sad face. Nag-selfie rin ako na nakahiga lang ako para mas nakakalungkot. Bumuntong-hininga ako at binitawan muna 'yung phone ko. Tiningnan ko 'yung paa kong kasalukuyang naka-elevate. 


"Bakit kasi magkakamali pa ng hakbang? Ayan tuloy." Kinakausap ko 'yung paa ko na akala mo namang may atraso talaga sa akin. Sumimangot ako. 


Wala naman din akong kasama sa bahay, kasi si Papa nasa trabaho, si Mama nasa school. Si Kuya Andrei ko, nasa Cabanatuan, may pasok. Sa Friday pa siya mag-aabsent para manuod ng cheerdance competition. 


Kaya hindi ko rin alam pa'no ako mabubuhay kasi masakit nga 'yung paa ko. 'Di ko pa mailakad masyado kahit naka-benda naman. Buti na lang malapit lang sa kwarto 'yung kusina, at pinag-iwan naman ako ni Mama ng pagkain kanina bago siya umalis. 


Bumangon ako para sana makakain dahil oras na para mag-tanghalian. Hirap na hirap ako dahil isang paa lang gumagana sa'kin, kailangan kong mag-hop para makausad ako sa paglakad. Nang makarating ako sa kusina, nandoon 'yung nakatakip na adobong manok na niluto ni Mama para sa'kin kanina. 


Mapayapa naman akong nakakain pero hindi ako nakapag-hugas ng pinagkainan ko dahil hindi ko kayang tumayo ng matagal dahil isa lang na paa 'yung sumasalo sa'kin. Pagbalik ko sa kwarto ay naisipan kong magbasa ng libro, kaso ang ending, nakatulog din ako. 


Nagising ako dahil nakarinig ako ng ingay mula sa labas ng kwarto. Hindi naman gaanong naka-sarado ang pinto ng kwarto ko kaya maririnig ko talaga kung may mag-iingay. At mukhang nagluluto pa nga sila sa dirty kitchen namin. Lumabas ako at nakita ko roon sila Dikong, kasama mga kaklase niya. 


"Tanga, hindi ganyan! 'Wag mong ibiling. Binababad 'yan. Pucha, ako na nga!" Narinig ko ang boses ni Dikong. Nang silipin ko sa dirty kitchen, tatlo silang nandoon. Si Dikong, si Asher at isang ka-team nila na hindi ko kilala. 

I Stayed (Maniego Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon