Kabanata 6

133 22 106
                                    

Kabanata 6

Sure

Wala akong ginawa pagkauwi ko kundi ang umiyak ng umiyak. I buried my face in my soft pillow and cried my heart out.

Diring diri kong sinulyapan yung school skirt ko. Hindi ko na iyon gagamitin kailan man. Bibili na lang ako ng bago.

Gustuhin ko man na may mapagsabihan ng problema ko, pinili ko na lang na sarilihin ito. This is no big deal. I'm afraid that they'll just think that I'm overreacting. There are many bigger problems in the world than the one I have now. And also, I can get through this myself. I grew up to be a strong and independent girl.

Sa kwarto kong tahimik ngayon na tanging paghikbi ko lang ang naririnig, biglang may umalingawngaw na tinig galing sa cellphone ko.

I lazily turned my head towards the side table and took my phone. Art is calling me. I smirked. I now know that he's just toying with me. After what I saw earlier? Kahit na ireklamo ko sa kanya iyon ay tanging pagtatanggi lang ang maririnig ko sa kanya. I know fuck boys too well.

Tinaob ko ang cellphone ko sa side table at binaon muli ang mukha sa unan. Wala ako sa mood kumausap ng kahit na sino ngayon. Masyadong masama ang pakiramdam ko dahil sa pangyayari kanina.

My cellphone stopped from ringing but I heard a beep afterwards. Chinachat niya ako panigurado.

Kahit na sobrang sama ng loob ko sa kanya ngayon ay hindi ko alam kung bakit pero kusang kinuha ng mga kamay ko ang cellphone ko para basahin ang message niya sa akin.

Art:

Where are you? Why are you not answering my call?

Art:

I'm sorry I couldn't fetch you at school earlier, late kasi ang uwian namin. Bawi ako bukas.

As if he cares. His messages are nothing but pure lies. Nawawalan na tuloy ako ng gana sa kanya. We haven't even started yet we are already ending.

Napabuntong-hininga ako at sumandal sa headboard ng kama ko. Pumikit ako ng mariin.

Rereplayan ko pa ba siya? Sasabihin ko lang naman na itigil niya na ang kahibangan niya.

Magtitipa na sana ako ng mensahe pero nakita ko sa screen na typing siya. Kinabahan ako at biglang in-out ang messenger ko.

Art:

Can I see you today?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ang mensahe niya. I don't know why but I felt a little happy. Nababaliw na ata ako. Alam ko nang niloloko niya ako pero bakit sa kanya pa din ako sumasaya? May label man kami o wala, niloloko niya pa din ako dahil pinakitaan niya ako ng motibo na gusto niya ako.

And for goodness sake, panigurado ay marami na itong karanasan sa pag-ibig at mga babae.

Think Azayla, think!

Makikipagkita ba ako sa kanya? Should I? Or should I not? Give me a sign please?

Muling tumunog ang aking cellphone, tinatawagan nanaman niya ako.

Huminga ako ng malalim saka pumikit.

"Hello? Azayla? Where are you?" anito. Oo na ako na tanga. But this doesn't mean that I'm still giving him a chance. I will grab this opportunity to meet up with him and then dump him in person.

"Bahay." I simply said with a cold tone.

"Sorry kanina hindi kita nasundo." his telephone voice is husky.

What if? (Villarama Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon