Kabanata 41

206 13 54
                                    

Kabanata 41

Storm

We were silent the whole trip until Art stopped his car in front of a hospital. Anong ginagawa namin dito?

"Bakit tayo nandito?" tanong ko paglabas namin ng kotse niya.

"Basta." anito at hinawakan ang kamay ko saka siya naglakad kaya nakasunod ako sa kanya.

Tinignan ko ang kamay naming magkahawak. Kumalabog ang puso ko. I can feel the same exact feeling I felt when he first held my hand. We were on a date that day, but the situation now is different. Kung masaya lang ang nagaganap ngayon ay hindi ko na maiiwasang ngumiti.

"Ay Sir! Nandito na po ang test results. Tawagin ko na lang po kayo." anang nurse sa tanggapan pagkakita pa lang kay Art. Kumunot ang noo ko.

Umupo na kami sa waiting area at parehong tahimik. Sobrang naguguluhan na ako sa nangyayari ngayon pero pinili ko na lang tumahimik. Ayaw ko munang mag tanong kay Art at baka kung saan lang mapunta ang usapan namin.

I have many questions on mind right now that I can't seem to be vocal about. I know he feels the same but none of us dared to talk. The awkward tension continued until the nurse called him.

May iniabot sa kanyang brown envelope at parang may nahihimigan na ako pero hindi pa din ako sigurado kung tama ba ang nasa isip ko.

"Ano 'yan?" ngayon lang ako naglakas ng loob na magsalita nang makalapit na siya sa akin.

"DNA test results." he said without looking at me and kept his eyes on what he's holding.

Resulta ng DNA test? Huh? Hindi ko pa din maintindihan. Naguguluhan ako sa lahat ng nangyayari ngayon.

Siguro naiintindihan ko naman, hindi lang talaga matanggap ng utak ko na posible ngang mangyari ang lahat ng ito. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na dadating ang araw na ito. Akala ko habang buhay ko matatago si Zander kay Art.

"Nagpa-DNA test kami ni Cleon." anitong seryoso at kinuha na ang laman na papel sa brown envelope. Tama nga ang hinala ko.

Cleon? Ang second name ni Art ang pinangalan nila ni Eunice kay Zander? Pero hindi pa ako sigurado kung si Zander nga talaga ang naampon nila Art.

Before he could vocalize the test results, natulala siya habang nakatingin sa papel na binasa. Muli nanaman akong kinabahan. Wala na ata akong ibang ginawa ngayong araw kundi ang kabahan at bumilis ang tibok ng puso.

"W-What does it say?" I asked, nervously.

"Probability of paternity is 99 percent."

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko. Sobrang nanghina ang tuhod ko dahil sa panginginig dulot ng kaba.

So it really is Art. Siya nga talaga ang umampon kay Zander. Ang hirap paniwalaan pero totoo.

"N-Nasaan na ang anak ko ngayon?" naluha nanaman akong muli.

But then Art turned to me with tears pooling in his eyes. Hindi na nawala ang galit sa mata niya simula kanina at parang mas tumindi pa ang galit niya ngayon.

"Bakit mo ginawa 'to? B-Bakit mo itinago sa akin ang anak ko? Bakit hindi mo sinabi sa aking nabuntis kita?" bigo niyang sinabi. Hindi ako makapagsalita.

"Bakit mo pinagkait sa akin ang maging ama?" ang huli niyang sinabi bago tumulo ulit ang luha niya. Nakaawang ang labi niya, parang may gusto pang sabihin pero hindi na dinagdag.

Itong araw ang unang pagkakataon kong makita na umiyak si Art. Sa apat na taon namin dati kahit isang beses lang, hindi ko siya kailanman nakitang umiyak. I thought he wasn't capable of showing how sad he is, physically.

What if? (Villarama Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon