Kabanata 28

168 23 103
                                    

Kabanata 28

Dreams

Sa huli ay napagtanto kong nasabi ko lang iyon dahil ayaw kong pahiyain si Levi sa mga kaibigan niya. I also don't want to spoil their happiness at baka sabihin nilang kill joy ako.

Iisa pa din ang taong nasa puso ko at hindi na siya aalis doon. My heart is Art's home. Kahit sino pang kumatok rito ay hindi ko pagbubuksan. Gustuhin ko man ay nakalock na ito at hindi ko na mahanap ang susi.

Months passed by quickly until it was time for our graduation day. Isang buwan na lang ay manganganak na ako kaya sobrang laki na ng tiyan ko.

Ganoon pa din ang tungo sa akin ni Levi kaya hinayaan ko na lang at hindi ko na din naman siya pinapaasa.

I am now curling my hair in my room at Lolo's mansion. Baha na din ang messenger ko with Stephanie, Zeke, Penelope and Irene's congratulatory messages. I miss them already so much!

Hindi pa nakakabisita rito si Stephanie gaya nang napagusapan namin noong una akong tumira dito dahil naging busy siya sa school. Aniya'y kapag grumaduate na din daw sila ay pupunta na siya dito. Nauna kasi ang graduation namin kesa sa kanila.

"Malapit ka na bang matapos, Azayla? Naghihintay na si Levi sa baba!" katok ni Belinda mula sa labas.

"Oo teka lang! Matatapos na ako!" sigaw ko pabalik.

I noticed that my face didn't change even when I'm pregnant. Yung iba kasi ay nag-iiba talaga ang itsura at pumapangit, mabuti na lang at swerte ako. Ang tanging nagbago lang sa akin ay ang malaki kong tiyan.

"Naghihintay na din sayo ang Lolo mo!" sigaw ulit ni Belinda sa akin. Lolo's coming to my graduation. Namiss ko tuloy sila mommy at daddy.

Nagmamadali na akong bumaba pagkatapos kong mag-ayos dahil nakakahiya naman at ako na lang ang hinihintay.

"Ang ganda mo talaga Azayla." bulong sa akin ni Levi nang magkalapit kami. His whisper sent shivers down my spine. Napatikhim ako.

"Let's go?" I said to all of them bago kami sumakay sa aming SUV dahil marami kami ngayon.

Pagkarating namin sa school ay marami nang tao. Picturan dito picturan doon.

"Azayla!" I got confused because a girl called me. When I turned to see who it was I was surprised because it was Claire. Dito din pala siya nag-aaral. Hindi ko kasi natanong noong nag outing kami dati.

"Claire! Congrats!" bati ko sabay bumeso ako sa kanya. Natutuwa ako dahil siya lang ang babaeng kaibigan ko dito sa Bulacan.

"Congrats din sayo! Nakakabelieve ka naman at nakagraduate ka habang buntis! Hi baby!" she happily said then crouched so that my tummy and her face would level.

"Claire, sila Shawn?" ani Levi nang makalapit sa amin.

"Ayun sila o!" ani Claire at tinuro ang lupon ng mga kalalakihan na nakaitim na toga at ang iingay. Sila na nga talaga iyon.

Natawa kami parehas ni Claire nang biglang sinunggaban sila ni Levi at halos dinaganan na at pagtalikod nung lalaking nilamog niya ay si Eren pala iyon. Umambang pabirong susuntukin pa siya ni Eren kaya mas lalo kaming natawa. Lumapit na kami doon sa kanila.

"Picture tayo guys!" Claire announced kaya nagsi-amuhan ang mga lalaki at tinawag na ang mga girlfriend nila. Dito pala sila lahat nag-aaral at pare-parehas kaming gagraduate na ngayon.

"Ma! Picturan mo nga kami!" tawag ni Levi kay Belinda at masaya namang nagtungo dito si Belinda. Good thing I brought my SLR camera with me so I gave it to her.

What if? (Villarama Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon