Kabanata 50

231 14 46
                                    

Kabanata 50

What if?

Everything that happened before our wedding passed by swiftly.

Ngayon na ang araw ng kasal namin ni Art. Napahagikhik ako nang bumangon ako sa kwarto ko rito sa mansyon. Napagkasunduan ng mga magulang namin na sa kanya-kanyang bahay na muna kami matulog bago ang mismong kasal. Hindi din kami nagkita ni Art kahapon, hanggang chat lang kami. Okay na din siguro iyon para mas exciting ang araw na ito.

"Azayla? Gising ka na ba?" narinig ko ang boses ni Belinda na kumatok sa kwarto ko. Kararating lang nila dito kahapon at dito na pinatuloy ni mommy dahil imbitado sila ni Levi mamaya.

"Yes! I'm already awake!" I happily shouted.

I dreamily skipped to open the door for her.

"Wow! Good mood!" she chuckled. I smiled back brightly at her. I don't think something can make me upset today. I'm just too happy to think about negative thoughts!

"Pinapatawag na kayo ni Ma'am Judy para maayusan na." anito at siniko ako.

"Uy!!! Excited!" tukso nito at tinawanan ko na lamang.

Mabilis akong bumaba sa engrande naming hagdanan at nagulat sa dami ng tao na nandito ngayon.

"Oh you're awake! Mag breakfast ka muna bago ka ayusan." ani mommy at nakipagbeso beso sa akin.

Dumiretso na ako ng dining area namin para makakain na ng breakfast at mabilis kong natapos ang pag kain dahil sa sobrang pagkakasabik maayusan.

"Where's my son?" I asked mommy while I'm getting my hair done.

"He's with his grandpa, playing at the veranda." mommy said while looking at me intently.

Lumingon ako sa likod at nakita ngang masayang naghahabulan si Zander at daddy sa backyard namin.

Sa kwarto nina mommy at daddy natulog si Zander kagabi, para daw malubos-lubos ko ang kunyaring buhay single dahil last day na daw iyon bago ako magpakasal. Ni hindi ko man lang nga naalagaan si Zander kahapon kahit na gustong gusto ko dahil namimiss ko ang anak ko.

"Napakabait pala nitong batang ito! Tignan mo at naglilinis ng bakuran natin!" ani mommy at ngumuso sa labas kaya napatingin ulit ako doon.

I saw Levi quietly sweeping the dried leaves on our backyard. He stopped and looked at Zander and daddy and slightly smiled.

"Sinabi mo pa, mommy. Napakasuwerte siguro ng girlfriend niya. He's such a boyfriend material!" I replied.

"So he's got a girlfriend huh? Sino naman kaya iyon?" usosyo ni mommy.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko pa natatanong eh."

After I got my hair done, make-up naman ang sumunod. My hair is styled into an updo hair braid and my make up seemed natural but elegant and presentable.

"Heto na po ang gown!" ani Belinda at nagmamadaling pumunta sa kung nasaan ako.

It's a sweetheart off shoulder wedding gown. It looks like a white ball gown with laces as its top and an intricate design for the bottom. My back is also revealed but I love it!

Pagkatapos akong ayusan ay sumakay na ako sa black limousine namin. I gulped a few times and closed my eyes. Sobrang kinakabahan ako ngayon at pumapasma nanaman ang mga kamay ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang lalabas na ito sa dibdib ko.

This is it.

This is it!

I'm getting married to the love of my life! I am internally screaming right now!

What if? (Villarama Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon