Kabanata 13

120 21 102
                                    

Kabanata 13

Energy

He then crawled his hand inside his pocket to get something.

My eyes landed on the small blue box he was holding. He opened it at tumambad sa akin ang isang silver diamond ring! Magpapakasal na ba kami?! Masyado pa akong bata!

I looked at my mom and I saw her crying and leaning on my dad. Natatawang umiiling si dad dahil sa reaksyon ni mommy.

"This is only a promise ring. Baka akalain mong engagement ring na ito eh." he chuckled.

Kinuha niya na ang singsing sa lalagyan saka pinulot ang aking kamay. I sensed that his hands were shaking when he slowly slipped the ring in my ring finger. Napalunok ako. Nagkantsawan at hiyawan nanaman ang audience.

Inangat ko ang aking kamay na suot na ang singsing para tignan itong mabuti. I smiled despite of being nervous. It fits me perfectly and it looked so good in my finger. Binitawan ko ang boquet ng roses sa table saka ko niyakap si Art. Bumawi naman siya sa mas lalong mahigpit na yakap sa akin.

Everything that happened tonight is perfect. I will indeed remember this for the rest of my life.

"Kaya ka ba hindi nag rereply sa akin kanina ay dahil pinaghahandaan mo ito?" tanong ko pagkalas namin sa yakap.

He smiled shyly. "Yeah. Sorry about that." anito at nagkamot ng batok. "I promise to not do it again."

"And nag practice pa ako kanina saglit ng sayaw doon sa grupo namin na sasali sa dance competition. I'm sorry hindi ako nakapagpaalam sayo kanina." he said. I totally forgot about that dance competition.

"Kailan ba iyon?" I asked.

"Next week. I want you to be there and watch me okay?" tumango ako sa sinabi niya.

"You'll watch only me, okay?" anito kaya sinapak ko ng pabiro sa braso.

"Pumasok ka ba kanina?" I changed the subject nang natanto kong ang dami niyang ginawa ngayong araw. He must be so tired now. Kawawa naman ang baby ko.

"Oo pero umalis na din ako agad. Mabuti at wala naman kaming laro kanina." sagot ni Art. "Nagtampo nga ako sayo kasi hindi ka pumasok kanina pero natanong ko na si Stephanie tungkol doon kaya hindi na ako galit." sabay halakhak nito.

"Huy tara na kumain na kayo! Mamaya na kayo magligawan diyan." sigaw sa amin ni Stephanie na tumatawa habang papalapit ito sa amin.

Napatingin ako sa mga bisitang kumakain na malapit sa may pool namin. Ngayon ko lang napansin na may catering na palang nagaganap dito sa amin ngayon. There were tables and chairs that are perfectly arranged beside our pool that is also filled with balloons.

And also, I noticed that everybody here is wearing white. Wow. May theme pa itong event na ito.

"I almost had a heart attack earlier when Art called me about his plans tonight. Akala ko mamamanhikan na!" dramatic na sabi ni mommy sa mahabng lamesa habang kumakain kaming lahat. Nagtawanan ang mga bisita.

"Why didn't you invite your parents here, Art?" mommy ni Kendall na si Tita Rose sabay tingin kay Art na nasa tabi ko.

"Oh, about that... they're always busy with work. Nagpapatayo po sila ng bagong parmaceutical company in Makati kaya mas doble po ang oras nila sa kanilang trabaho ngayon. But I told them about Azayla." explained Art. Nagulat na lamang ako nang naramdaman ang kamay niyang gumapang sa hita ko sa ilalim ng lamesa. Napatingin ako roon. I can feel his warm hand against the thin fabric of my dress.

"Oh! Good news for you and your family. I believe that you'll manage that branch in the future." ani Tita at sumimsim sa kanyang sparkling wine.

"Yes, they already planned that one out. I also do have plans for it as early as now." ani Art at pinisil ang hita ko. Napatingin na ako sa kanya ngayon. Tumingin naman ako sa mga nakakatanda dito sa lamesa namin ngayon and I can read the impressed expression on their faces. I turned to Lolo Nelson and saw that he's nodding in agreement to Art's explanations. I can see that Art's gaining the heart of my family.

What if? (Villarama Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon