Kabanata 20

187 24 116
                                    

Kabanata 20

Surprise

Masaya akong nagising kinabukasan at pagmulat ko pa lang ng mata ko ay nakangiti na agad ako.

"Goodmorning, baby." I whispered to my tummy while caressing it.

"Today is your daddy's birthday. I will tell him that you're already here." sabi ko at bumangon na para maligo.

Pagdating ko naman ng cr ay umikot nanaman ang sikmura ko at nagsuka nanaman ako. Well, this is part of being pregnant after all.

Pagkatapos kong mag ayos ay chineck ko ang cellphone ko at may good morning message doon si Art. Hindi ako magrereply sa kanya ngayon dahil iinisin ko siya at kunyaring busy ako ngayon at hindi ko naalala ang birthday niya.

Suot ko ngayon ang grey na sweater na binili ko kahapon para matching kami ng ireregalo ko kay Art.

Nag message ulit sa akin si Art at nakita kong address iyon ng hotel at ang kanyang room number.

Bago ako pumunta kay Art ay bibilhan ko muna siya ng cake at balloons. Kaya ko namang bitbitin lahat iyon ng mag isa kaya napangiti ako sa aking binabalak.

After I bought the things needed for the surprise, pumunta na ako ng hotel kung nasaan siya.

Halo halo ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung bakit. Nervousness, excitement, happiness all mixed together.

And also, after 4 years, this is the first time I'm going to meet his parents. Panigurado ay naroon ang mga magulang niya dahil syempre kaarawan niya ngayon at hindi sila pwedeng mawala doon. At isa pa, mommy niya ang may gusto na sa hotel siya mag celebrate.

All those years, Art tried to get his parents to come and see me but they are always just too busy that I can't get a chance to meet them. But Art always tries to console me by telling me that they support our relationship and they approve of me as their son's girlfriend. I also thought, who wouldn't like me though? I'm the one and only rich and beautiful heiress of our company and my family name is famous. We are also part of the elites like them.

Now that I'm finally going to meet them, I'm already going to announce that I'm pregnant with their son's child. This will be too much for them to handle, I know. I don't even know if they are going to be happy about this news or not.

Ready akong sabihin kay Art at sa pamilya niya na buntis ako pero sa sarili kong pamilya ay hindi ko magawa. I will try to convince them too to keep my pregnancy a secret. Ayaw kong makarating ito kala mommy.

Nag park na ako ng aking kotse at medyo nahirapan pa akong bitbitin ang pang surprise ko kay Art. Akala ko kaya kong bitbitin mag isa eh pero kinaya ko naman.

Mabagal akong naglakad papuntang entrance ng hotel at pinagbuksan naman ako ng guard doon.

Mas lalo akong kinabahan pag tungtong ko ng elevator pero nagawa ko pa din na ngumiti. Maski ako ay naeexcite sa gagawin kong surprise kay Art.

Sa event hall gaganapin ang birthday ni Art at sakto glass door ito kaya sumilip muna ako para tignan kung ano nang nagaganap sa loob.

I saw Art's parents talking to someone who's about their age. They looked like a married man and woman. Inikot ko ang tingin ko para hanapin si Art at tumigil ito nang makitang may kausap siyang babae. Nakatalikod ang babae sa akin kaya hindi ko makita kung sino iyon.

Lumapit ang magulang ni Art at yung mag-asawang kausap nito doon kala Art at sa babaeng kasama niya. Nagtawanan sila at kita ko din ang malaking ngiti ni Art habang nakatingin doon sa babaeng kausap niya kanina. I squinted my eyes because of the confusion I'm starting to feel. What is this? Who are they?

What if? (Villarama Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon