Kabanata 38

174 13 46
                                    

Kabanata 38

Last

"A-Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong sa kanya. I can't believe after all these years, magkikita pa pala kami, at dito pa talaga kung saan ko hinahanap ang anak namin!

"Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan. Bakit ka nandito?" anito at humakbang pa papalapit sa akin. Halos hindi ako makahinga nang lumapit siya. Isang angat ko na lang ng kamay ko ay mahahawakan ko na siya.

Tanging ang ilaw lang galing sa dilaw na lamp post ang tanging nagsisilbing liwanag sa aming dalawa. Madilim man ang paligid ay kitang kita ko kung gaano niya ako kalamig tignan. It's like he's talking to a stranger.

"Ako ang naunang nag tanong kaya ako ang sagutin mo." balewala ko sa sinabi niya kanina. Hindi niya pwedeng malaman kung anong pakay ko rito.

Bago pa siya sumagot ay nagulat ako sa susunod niyang ginawa. Hinigit niya ako paalis sa kinatatayuan namin at dinala ako sa madilim na parte ng labas. Yung hindi naaabutan ng ilaw galing sa poste. Tanging ang ilaw lang galing sa malaking buwan ang nagsilbing liwanag namin.

"What are you doing?" I asked him, confused.

"Gusto mo bang merong makakita sa atin?" anito. It made my heart broke. So he doesn't want anyone seeing us together? Ganoon ba ako ka-nakakahiyang kasama kaya din iniwan niya ako?

"Sagutin mo na ako." anito at binitiwan na ako saka ako tinitigan. Kulang na lang himatayin ako sa sitwasyon namin ngayon eh.

"Why would I bother explaining myself to you? Pakealam mo ba sa akin?" I didn't know I had the confidence to say that to his face. Amusement was etched on his expression.

"Hiningian ba kita ng eksplanasyon no'ng iniwan mo ako?" well, I didn't know that it would slip out my mouth. I felt like what I said was too much.

"Ikaw ang nang-iwan." nagulat ako dahil hindi ko inasahan na ayos lang pala sa kanyang pag-usapan ito.

"Hindi ako makikipag-break kung hindi dahil sa ginawa mo! So eventually, you're the one who wrecked our relationship!" muli nanamang nagbalik ang galit na naramdaman ko, tatlong taon na ang nakalipas. 'Yan tama lang 'yan Azayla. Galit lang dapat ang maramdaman mo. Huwag mo nang mahalin si Art!

"I told you I'll fix it! Pero ikaw itong agad agad na umalis! Hindi mo na ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag ng plano ko!" napalunok ako sa lahat ng narinig ko sa kanya. Nanggagalaiti na din siya sa harapan ko. Nakita ko ang pagkuyom ng panga niya kahit madilim.

"Why bother explain to me when we're done? Kung panauhin ka man sa party ngayon ay bumalik ka na lang doon. Explaining is not going to fix what we've lost." namamaos kong sinabi. Natahimik siya at tinignan na lang ako.

Hindi ko ineexpect na pag-uusapan pa pala namin ang nakaraan. Iyon pa talaga ang napagusapan namin ngayong ngayon na lang ulit kami nagkita makalipas ang ilang taon.

"Art?" nagulat kaming dalawa ni Art at napatingin sa nagsalita sa harap namin.

A woman wearing a maxi dress with a child on her hand was standing in front of us.

"Eunice." ani Art at dinaluhan ang babae.

So that woman is Eunice? Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Maganda nga lang talaga siya. Parang nanliit ako sa harapan niya.

"Bakit sinama mo pa si Cleon? Malamok na dito at madilim." bulong ni Art kay Eunice sabay karga sa batang lalaki na hawak ni Eunice.

Napaawang ang labi ko sa nakikita sa harapan ko ngayon. They picture a perfect and happy family, like that in my dreams. Tinikom ko ang bibig ko at lumunok. Meron nanamang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

What if? (Villarama Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon