Kabanata 43

212 14 55
                                    

Kabanata 43

Home

Unexpectedly, I slept in Art's room. Pero syempre, walang nangyari. Ayaw ko nga! At isa pa, hindi pa kami nagkakabalikan kahit na ilang beses kaming naghalikan kagabi.

I woke up earlier than him, sinadya ko iyon dahil pupuntahan kong mag-isa si Zander. I already texted Stephanie and asked for Eunice's address from his brother. Nasa akin na ang address ni Eunice ngayon kaya hindi ko na isasama pa si Art at baka maka-isip nanaman ito ng alibi para hindi ako makapunta kala Eunice.

Bago ako umalis ay tinitigan ko muna si Art. Although three years kaming hindi nagkita, hindi naman siya masyadong nagbago. Lumaki lang ang pangangatawan pero ganoon pa din ang ugali. Makinis pa din ang balat at maputi.

My eyes lowered down on his red lips that are slightly parted, revealing his front teeth. He's so cute and at the same time so hot!

Wait, why am I complimenting him? Aalis na ako!

I hurriedly took my clothes from yesterday and headed straight for the main door. Mabuti na lang at maaraw na kaya hindi na hassle kung mag commute ako ngayon.

Uuwi muna ako ng mansyon at maliligo saka pupunta na agad kala Eunice. Hindi ko na papatagalin pa ito at sabik na sabik na akong makita ang anak ko. Mabuti na lang at medyo maayos naman itong damit na binili sa akin ni Art kaya hindi nakakahiyang mag commute. Wala pang hilamos o toothbrush 'to pero umalis na agad ako at baka maabutan pa ako ni Art.

Nang makauwi ay mabilisan akong naligo at nag-ayos. It's already 8 o'clock nang matapos ako. Ayon sa pagkakakilala ko kay Art, tanghali iyon lagi kung magising kaya tiyak kong tulog pa din siya hanggang ngayon.

I looked at the text message from Stephanie while driving. Address iyon ni Eunice at mabuti na lang ay tinuturo sa akin ng mapa sa cellphone kung saan ang tamang dadaanan.

I got off in front of a tall condo unit, like Art's. Medyo malayo pala ang condo ni Art kay Eunice. Mabuti naman iyon para hindi sila madalas magkita.

Nang makapasok na ako sa tamang palapag ay sumibol ang kaba sa aking puso. Kinakabahan ako sa paghaharap namin ni Eunice at sa muling pagkikita namin ni Zander.

Can Zander realize that I'm his true mom? Paano kung ayaw niya sa akin? Paano kung hindi siya sumama sa akin? That would be hell!

I nervously pressed the doorbell of Eunice's unit. Beads of sweat are starting to form on my forehead even when it's cold because of the weather.

"Sino ho sila?" anang boses ng babae galing sa isang camera doorbell. Nakikita niya na ako ngayon.

"Goodmorning Eunice. This is Azayla Villarama." I formally said.

Hindi ko ipinakita sa boses ko pero nagulat ako. Hindi ko inexpect na narito siya ngayon sa condo niya dahil alam kong busy siyang tao. Mabuti at naki-ayon sa akin ang tadhana.

"A-Azayla?" ani Eunice at natigilan sandali. I'm sure she knows me. Villarama ako at naalala ko yung dating in-add niya ako sa facebook pero hindi ko in-accept.

"P-Pasok ka." I'm not sure if I heard it right but I feel like her voice is shaking.

"Goodmorning, Azayla. It's nice to finally meet you. Pasok ka." anito nang pinagbuksan ako ng pinto. She's smiling but I can sense that she's not really happy about seeing me.

Pumasok na ako sa kanyang unit at tumayo sa gilid.

"Have a seat. Ipapakuha kita ng kape. Manang!" anito na dapat tatanggihan ko pero wala na akong nagawa. Umupo na lang ako sa sofa ng naupo siya roon. I sat in front of her.

What if? (Villarama Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon