Wakas

347 17 131
                                    

Wakas

"Art! Sama ka ba pre sa canteen?" tawag sa akin ni Zion nang pumasok siyang classroom. Tumayo ako at sumama sa kanila ni Cedrick.

"Hi Art!" bungisngis ng babaeng hindi ko kilala habang naglalakad kaming tatlo sa hallway. I flashed a smile and winked at her. I chuckled when the girl almost fainted. Hindi na ako nagulat pa. Alam na alam ko na ang mga epekto ko sa mga babae.

"Si Azayla Villarama ba 'yon? Ang cousin ni Kendall? Ang ganda talaga ng lahi nila ano?" narinig kong bulungan ng dalawang babae nang makarating kaming canteen.

Alam kong may pinsan si Kendall. Minsan ko na siyang nakita sa mga picture na pinopost ni Kendall sa social media accounts niya at gandang ganda ako sa pinsan niya. Hindi ako makapaniwala na narito siya ngayon sa school namin.

"Gago pre, ang ganda pala ng pinsan ni Ken! Kinesa!" siko sa akin ni Cedrick nang mapadaan kami sa harapan nila. Azayla is busy talking to Kendall and she didn't even notice us passing by. Well, sino nga ba ako para mapansin niya?

Sinamahan ko na sila Zion at Cedrick bumili sa canteen at naupo kami sa table malapit kala Kendall at Azayla. Hindi ko maiwasan ang pag tingin kay Azayla. I don't know why but something's forcing me to look at her. I can't take my eyes off her.

Her almond shaped eyes twinkled while she was talking to her cousin. She has a perfect pointed nose and my eyes wandered at her lips. Her natural lips are as red as strawberries and it looks so soft. I wonder what she tastes like? Maybe as the color of her lips? Strawberries? I felt my lips automatically rose.

Her jet black long hair are softly resting above her hips and her white porcelain skin screams lavishness.

"Si Art titig na titig sa pinsan ni Kendall amputa. Manyakol ka talaga eh!" humagalpak sa tawa si Cedrick nang mapansin ang titig ko kay Azayla.

"Gago ka ba? Hindi naman ako sa kanya nakatingin. Gaya mo pa ako sayo." sabi ko at nag-iwas na ng tingin.

That was the first time I saw Azayla. I wanted to talk to her then but I couldn't have a chance. She left after her talk with Kendall.

Nang sabihin sa amin ni Kendall na kami naman ang bibisita sa school nina Azayla ay sobrang saya agad ang naramdaman ko. Damn, my heart was racing fast as hell! Why am feeling so excited upon the mere mention of us going to see her? I don't know! Something about her is making me feel foreign feelings I've never felt with anyone before.

Kaso nga lang, pagkadating pa lang namin sa school nila ay agad na akong pinagkaguluhan ng mga babae. Hindi ko tuloy makausap si Azayla. I don't want to be rude so I talked to the two girls who blocked my way.

"Hoy Art! Halika nga dito! Meet my cousin!" narinig kong sigaw sa akin ni Kendall.

"Excuse me girls." sabi ko at nginitian ang dalawang babae saka pumunta kala Azayla. Even when her back is facing me, my heart beat doubled the moment I went near her.

"Yes?" I said. Trying my best to control mg voice from shaking. Fuck! Why am I so nervous? It's not like my first time meeting a girl for fuck's sake!

Naramdaman ko ang pagtalikod niya at ang pagtitig sa akin kahit na nakatingin ako kay Kendall. I can see her in my peripheral vision. Ito ang unang pagkakataon na magkalapit kami. Matagal niya pa akong tinitigan bago muli akong tinalikuran.

"Oh, ito pala ang sinasabi mo, Ken." hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

Akala ko hindi niya ako papansinin ngayon at ako pa ang mag fi-first move pero nagulat ako nang humarap siya sa akin.

What if? (Villarama Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon