Broken 16: Pictures
It has been the same for my boys, my classmates, and Luxen. Luxen and I stayed friends since he told me that he will stop. He stopped but he stayed and we’re still friends even after a month now.
Luxen is understanding, I can see that with the way he handles himself when he’s always around me. Now, he has time for his peers and for me, as a friend only.
Nagulantang at nagising ako sa isang malakas na hampas ng isang bagay na bumagsak sa noo ko.
Pagod na pagod ako. I’ve been doing a lot these days in preparation for our foundation day happening in December, bukod pa roon ang Christmas party. Ipinagsasabay ko na ang pag-aaral ko, extra-curricular activites, at performance namin sa foundation day at Christmas party.
Ang daming practices kaya pagod na pagoda ng katawan ko. ang daming exams at quizzes kaya pagod na pagod ang utak ko. ang daming pinagsasabay kaya pagod na ang mga emosyon ko sa stress.
Masyado nang nakakapagod na minsan, naiiyak na lang ako ng walang dahilan. Break downs are inevitable for me nowadays. What more can I be broken of?
“May boyfriend ka nang haliparot ka?! Ha?!” sigaw ng isang malakas at matapang na boses pagkagising ko.
Napalinga pa ako sa paligid sa pagtataka kung saan ako nakatulog. Ang cellphone ni Mama ang bumagsak sa noo ko akaya napahimas ako sa banda roon. Inaantok akong napalinga sa kwarto ko habang nahihilo pa at iniinda ang masakit na noo.
Boyfriend? Ano na namang sinasabi ni Mama?
“Tingnan mo! Tingnan mo ang kababyuan mong hayup ka! Haliparot ka, anak ka ng puta. Talandi! Sa mga ganiyang bagay ang husay mo! Hindi ko itinuro pero ang galing-galing mo!” nagsisisigaw si Mama sa pinto lang ng maliit kong kwarto.
Boyfriend? Tingnan?
Pinulot ko ang cellphone ni Mama na nakahilata sa kama. Nakabukas iyon at may nakabukas na litrato sa pagkabukas ko pa lang.
Medyo nagulantang ako kaya napalaki ang mata ko. hindi ako kaagad nakabawi. That’s something because I can easily regain my poise again but this one is preposterous!
Nagulat ako hindi dahil totoo ang sinasabi niya, kundi dahil hindi ko alam kung paano nakuhanan ang picture na ito.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paghagod ni Mama sa buhok niya at pag-irap niya sa hangin kasabay ng pagbulong niya ng ‘bwisit’, ako ang tinutukoy.
“May gana ka pang magulat sa kahitaran mo! Hitad kang hayup ka. Kaya pala kung ano anong napapansin ko sa iyong hayup ka!” nanggagalaiting sigaw niya sa kain.
It’s a sweet looking picture of Luxen and I. nakaupo lang kami sa seats namin sa classroom at sa picture ay nakangiti siya ng malawak habang sa akin nakaharap kaya nagmumukhang nakadikit na ang ilong niya sa pisngi ko. Habang ako, nakangiti at nakahawak sa noo ko habang nakatingin sa libro ko sa desk ng armchair ko.
I remember this. Hindi nakadikit ang ilong ni Luxen sa akin dito. Malayo ang pagitan namin noong time na ito pero dahil sa illusion ng camera ay nagmumukha kaming sobrang lapit sa isa’t-isa. I wasn’t smiling nor laughing at Luxen. Natatawa ako sa joke ng katabi ko kaliwang upuan ko at nahihiya ako kaya napatakip na lang ako sa gilid ng mukha ko para maitago ang sarili kong nakangiti.
It looked so sweet especially that it’s only the two of us in the picture. This is fake!
And my mother believed this? Ito na ang batayan niya ng pakikipag-boyfriend ko?
Mabilis na hinablot ni Mama ang cellphone niya mula sa kamay ko. Namumula na ang mukha niya sa galit at pinanlalakihan na niya ako ng mata kaya ibinagsak ko ang tingin ko sa lapag ng single bed ko, avoiding her angry gaze.
“Wala ka na bang balak mag-aral ha? Mag-aasawa ka na!?” bulyaw niya sa harap ko.
Namuo ang luha ko. Boyfriend? Kaibigan ko lang si Luxen. Will she not even ask if the picture is true or not?
At akala ko ba rumored boyfriend ko pa lang si Luxen sa kaniya? Nalipat niya agad sa pag-aasawa!
She really believed that picture and what the sender said to her? Wala man lang siyang katiting na tiwala sa akin?
Kapag itinanong ko kung wala siyang tiwala sa akin, iilagan niya ang tanong at hindi aaminin. In this case, it’s not her words that is talking. It’s her actions.
My mother will never believe me.
Parang may kumurot sa puso ko kaya medyo napaurong ako. Mabigat ang hininga ko habang nagsisimula nang mapuno ng luha ang mga mata ko.
“Hindi ba sinabi ko sa iyong huwag kang magre-reply sa kahit kaninong lalaki maliban sa pamilya?! Ano ito! Magpapamilya ka na?! Mag-aasawa ka na?!” sigaw pa ni Mama sa akin.
Mag-aasawa naman daw agad! She really thinks I want to be like her?
Hindi totoo ang sinasabi niya. She’s making a fuss about something that she believes is true but the truth is that it’s not. Ang mga gusto niya lang ang pinaniniwalaan niya at kahit magsalita ako at ipaglaban ko ang sarili ko, hinding-hindi siya maniniwala sa kain.
“Hitad kang puta ka! At mukhang pakikipaghalikan ka pa! Sa eskwelahan pa talaga!” bulyaw pa ni Mama sa akin.
Halikan agad? She thinks my hormone level is that high? An average teenager would only think of romance and dates, not intimacy and sex!
Sabagay, she knows nothing about me. She does not know that I’m not a believer of love.
Ang mga bagay na kinekwento niya sa pamilya ko, ay ang mga bagay na ginugusto niyang maging ugali ko. In any way, pwedeng kagaya ako ng sinasabi niyang ugali ko, pero kadalasan, puro mali lang rin ang nasasabi niya tungkol sa ugali ko.
“hindi ka man lang umilag kasi gusto mo ring puta ka! Ano masaya ba? Akala mo ba masayang magkaanak ng maaga?!” sigaw niya.
Hindi ako umilag kasi gusto ko rin? Saan niya napulot iyon? How much more imaginative can she be?
Ni hindi nga niya alam kung ilang beses kong binasted si Luxen! She doesn’t know! What does she know about me, really? Na haliparot ako? Hitad? Walang galang? Talandi? Puta? Ano pa ba?
“Nagpapakakuba ang nanay mo at ito ang ibabalik mo! Bwisit! Mag-asawa ka na lang!” bwelta niya.
Nakita man lang ba niya ang efforts ko? Sikap na sikap ako sa pag-aaral kasi sumusunod ako sa mga sinasabi niya. I obey her rules.
Buong buhay ko, sinunod ko siya. Ngayon lang ako sumuway, ngayon lang ako lumubay ng malalim na utos niya. Pero sa lahat ng mga biagay na ginawa kong mabuti, yung masama lang ba talaga ang makikita niya?
“Sabi-sabi pa ako sa iyo kung gaano kasama ang tingin ng tao sa mga batang may boyfriend na! Ikaw lang rin pala!” sigaw niya.
Mga tao, she says. Baka ibig sabihin niya mga sinasabi niya lang? I have always heard her plastic friendliness to people. Siya ang nanay ko, pero siya mismo ang hindi maganda ang mga bagay na ginagawa.
Tama bang maging plastic sa tao? And she would tell me na pakikisama lang iyon. Pakikisama? Tapos kapag nakatalikod na pagsasalitaan mo na ng masama?
Pakikisama ang nasasabi niya kasi iyon ang iniisip niya. Iyon ang itinataka niya sa isaip niya kaya roon siya maniniwala. I don’t think plasticity equates to civility.
Even a lot of parents are liberated with their children now. Hindi nga liberation ang hinihingi ko, eh. Kahit katiting na pwedeng padedesisyon man lang para sa sarili ko sana. O kahit katiting na tiwala lang?
“Tangina talaga! Wala ka na bang balak mag-aral?! Gusto mo nang tumigil sa pag-aaral!?” sigaw niya.
Dahil lang dito, patitigilin niya ako sa pag-aaral?
“Huwag ka nang mag-aral na puta ka! Mag-asawa ka na lang!” dagdag niya pa.
Yes, I flirt with boys! Akala ko naman kung mahuhuli niya akong ganoon, sa maraming lalaki ko pa. Pero itong isa lang, na akala niya pang boyfriend ko… It hurts so bad that I remember every damn thing I did for her!
Sinunod ko siya kahit alam kong mali ang utos niya. Sinunod ko siya kahit labag sa loob ko. Sinunod ko siya kahit nasasaktan na ako. Sinunod ko siya kahit wala ang kalayaan ko. I obeyed her all my life! Ngayon lang. Ngayon lang ako hindi sumunod.
And it should look like I obeyed her, still! Hindi niya alam ng mga lalaki ko at mali ang nakita niyang sinasabi niyang boyfriend ko!
What will I do?
Kahit anong ipaliwanag ko, hindi niya ako pakikinggan. Close minds will never listen.
“Lumayas ka na! Itatapon kita sa ama mo roon sa Batangas! Magsama kayo!” sigaw niya.
I got a bit shaken by that. Iyan ang panakot niya sa akin mula pa noong bata ako. Pinalayas na rin niya ako noong nine years old ako at sa labas ng gate ng bahay namin ako natulog.
Pinaalis ako noon but I stayed. Now, will I choose to stay again?
“Huwag ka nang pumasok bukas! Patitigilin na kita sa pag-aaral!” sigaw niya.
Okay. I’ll obey you. If you want to be obeyed, then be obeyed.
“Hayup ka, pinapaaral ka. Mag-asawa ka na lang!” singhal ni Mama sa akin.
That’s a familiar line. Hindi ba sa mga nabuntis na iyan sinasabi? I’m not pregnant.
She thinks I want to be like her. Akala niya talaga gagaya ako sa kaniya. Hindi ko hahayaan ang magiging anak ko na maramdamang ayaw ko sa kaniya. Hindi ko igagaya ang sarili ko sa kaniya na masakit sa damdamin ang pagdidisiplina sa anak. Hindi ko hahayaan ang anak ko na mag-suffer ng sira at bulok na pamilyang kagaya nito.
Kinalma ko ang sarili ko. Kinuha ko ang mga libro ko para makapag-aral. Sa harap ko nilagay ang white big notebook habang nagsisisigaw ng kasinungalingan si Mama.
I have been so stressed the past days. Hectic ang schedule ko ng December. With this issue going on and my birthday around the corner, I don’t think that I will celebrate my birthday.
This is another stress for me. Adults mock the stress of us youngsters. Naiistress pa raw ba kami sa hayahay na buhay. Etcetera, etcetera.
Dahil ba bata ang edad namin, wala na kaming karapatan mai-stress?
If I feel stressed, then I am. If another teenager feels stressed even when he or she looks laid back, he or she might be. Adults don’t have to support us, they don’t have to mock us either. Because everyone’s battling with a fight we don’t know about. Every one is having the problem of their own. Mapabata, mapamatanda.
I’ll note to myself that when I grow older, I’ll be good and understanding.
No one understands me, in my age right now. Not even my mother.
When I grow older, I’ll be the one who understands teenagers since I’ve been one myself. Even the baddest person will have a sad and hurtful memory.
“Kapag sa kaharutan napakahusay. Sa pakikipag-chat napakagaling. Bwisit,” bulong-bulong niya nang makadaan siya sa kusina sa tabi ng kwarto ko.
Ang ibang mga magulang, kapag umiyak ang anak, inaalu nila ito. Pero ang nanay ko? Siya pa ang dahilan kung bakit ako umiiyak.
I can remember times I cried alone even when she was around. She restricts me from crying. Hindi ako pwedeng umiyak o tumawa.
Mas masakit magpigil ng luha kaysa umiyak maghapon. Na kailangan mong pigilan ang luha mo kasi alam mong mas sasaktan ka lang kapag tumulo ang kahit isang butil ng luha mo.
I don’t even have the freedom to cry. Bakit pa nga ba ako umasa noon na aaluin ako ng nanay ko, yayakapin, at sasabihan ng magagandang salita. She did the opposite to what I was expecting.
Hurtful words become more hurtful when shouting.
Kapag ba siya ang sinigawan ko ng puta, tanga, inutil, haliparot, talandi, hindi ba siya masasaktan?
Hindi ko naman sasabihin iyon sa kaniya. I would never. I know the feeling of it. Kaya kahit ako ang sinasaktan, I can handle it. Kahit sinaktan niya ako, nirerespeto ko pa rin siya.
She says that I don’t respect her. Did she ever respect me?
Every bit of her words hurt. Siguro kung sa iba nanggaling, hindi magiging masakit. Pero Mama ko iyan, ang sasakit ng mga salitang nanggagaling sa kaniya. Dahil sa kaniya nanggaling, sobrang sakit.
I have never been hurt like this, na kada salita niya nanunuot sa balat ko at alam kong kahit magtagal hindi matatanggal sa sarili ko.
At mas masakit kasi hindi niya namamalayang sobrang sasakit na ng mga sinasabi niya. Na hindi siya magso-sorry kahit anong sakit na. Na sasabihin niyang lahat ng ginagawa niya para sa kapakanan ko. Para sa kapakanan ko rin ba ang masasakit niyang mga salita?
A parent is not a parent just because he or she gives his or her child the money. Money can’t buy happiness. Anytime soon, she will use money to get me back, and that hurts already.
Kahit anong gawin ko, hindi ako magiging sapat. Kahit anong paghihirap ko, hindi makikita iyon ng Mama ko. kahit mamatay ako sa pagod at hirap, ako pa rin ang sisisihin rito.
I can even imagine her blaming me of stripping her money just because I died.
I wanted to be enough for her. I wanted her to be proud of me. I obeyed her for me to acknowledge me. At the end of the day, my hardships and achievements are never enough for my mother.
BINABASA MO ANG
The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)
Teen FictionAgape Sanguine Laude is a woman that should have lots of friends and should be respected highly. But in the place she stays, she has neither of those. She has no friends. She is not respected. She is bullied, even. In this world full of judgemental...