Broken 48: Home
“Let me go!” sighal ko sa kaniya nang makabawi ako.
Malakas na ang pwersa ko sa pagpupumiglas mula sa pagkakahawak niya sa akin pero sa matinding galit at gulat niya, halos hindi man lang magalaw ang kamay ko mula sa mahigpit niyang kapit sa akin.
“Bitawan mo ako!” ulit ko.
I used my other hand this time. Dalawa na ang kamay ong ginagamit para makaalis ako sa pagkakahawak niya pero matinding dilim, galit at pagpipigil lang ang maramdaman ko mula sa kaniya.
Mabilis ang galaw niya nang mababa niya ng maayos ang kamay ko at natulak niya ako patalikod sa lababo. Napasandal ako roon habang pinapantayan ang galit ni Clarkson sa akin.
His eyes have the sanguine shade once again, not from tears but in flaming anger. His white neck downwards easily became red and he stared at me with darkness in his pitch black eyes.
Iniwas niya ang tingin niya sa akin at tumingala siya kaya ang bumungad sa paningin ko ay ang maputi niyang pangang mariing gumagalaw. Nang lumingon siya muli sa akin, kalmado na nag itsura niya pero hindi maipagkakailang may bahid pa rin ng galit.
“Were you about to slash your neck with a sharp knife?” he calmly yet coldly asked.
“I was about to cut my hair!” pagalit kong paglalaban sa sarili ko.
Bumaba ang tingin niya sa mahaba kong buhok. Ang isang palad niya ay pumasada ng mabilis sa mahaba kong buhok pababa.
“Bitawan mo sabi ako!” balik ko sa kaniya at sinubukan kong iangat ang kamay kong hawak niya na nakapangko sa edge ng lababo.
Hindi man lang siya natinag doon. Imbes na matinag, kinuha niya alang ang isang kamay kong kamay at mariing ipinangko rin iyon sa lababo sa likod ko.
“Isusumbong na talaga kita!” biglang sigaw ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi. Wala naman akong pagsusumbungan dahil kilala na niya ang halos lahat ng pamilya ko—lahat ng itinuturing kong pamilya ko.
Mas lalo lang nagdilim ang itim niyang mga mata sa sinabi ko. He leaned closer to me while I leaned back to sink, as if I still have a place to lean on.
“Eh ‘di isumbong mo. Dalawa—tatlong beses mo na akong tinakasan ng walang paalam. You think I will still let you go?” malamig niyang sabi sa malalim niyang boses.
Nahigit ko ang hininga ko roon. May mga bagong luhang namuo sa mga mata ko pero ang galit ko na sa kaniya ang naging dahilan noon. Nakunot ko ng maigi ang noo ko nang may mapagtanto.
“May tumatakas bang nagpapaalam?!” I spat at him.
Napapikit siya ng mariin at napatungo. I grabbed the chance to get out of his hold and I did. Itinulak ko ang dibidb niya palayo sa akin para tuluyan akong makaalis sa pagkakaharang niya sa akin sa lababo.
Pagkalabas ko ng banyo ay wala man lang bakas ng Alexandra sa paligid ko. Mabibilis ang lakad ko papunta sa master’s bedroom kung hindi lang agad na nahigit ni Clarkson ang baywang ko!
Nanlaki agad ang mga mata ko roon. A tear rolled down my left cheek and he traced it with his eyes.
“Ano pa bang ginagawa mo rito?!” gulantang na nong ko, “Your mother needs you. Why go to me when you should go to—” napatigil ako sa pagsasalita ng humakbang siya paplapit sa akin
“We were okay this morning. Kahit pinaglayo mo tayo, ayos pa tayo kanina. What went wrong that you look like you hate mo so much right now? Dapat ba hindi kita sinunod at hindi ako umalis?” halos bulong niya.
BINABASA MO ANG
The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)
Novela JuvenilAgape Sanguine Laude is a woman that should have lots of friends and should be respected highly. But in the place she stays, she has neither of those. She has no friends. She is not respected. She is bullied, even. In this world full of judgemental...