Broken 50: Rock
Clarkson’s.
“Paborito ka kasing tang-ina ka!” sigaw ni Kuya Triton sa akin at nilapatan ng isang galit na suntok ang panga ko.
Napaupo ako habang hinihingal sa magkahalong galit at awa sa sarili. Kakatayo ko pa lang, isang suntok ulit sa sikmura ang natamo ko.
Pinagtitinginan na kami sa buong eskwelahan namin. Nagkalat ang mga kapwa highschool students namin at nakita nilang napaurong ako sa suntok ni Kuya sa sikmura ko.
Isang buong pwersang suntok ang itinama ko sa mukha niya at narinig ko ang iritan ng lahat ng nakapaligid sa amin. Mabilis na hinakbit ni Kuya Triton ng kwelyo ko nang makabawi siya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya na kagaya lamang ng mga mata ko.
“Ano? Lumalaban ka na porke alam mong ikaw pa rin ang pagkakatiwalaan pagkatapos ng lahat?” himig naghahamon niyang sabi.
Hindi iyon ang una. Hindi rin iyon ang huli.
Elementary pa lang, ganoon na kami. Para sa Kuya ko, kumpitensya ang lahat. Para sa akin, tinatapatan ko lang ang gusto niyang mangyari.
Mariin ko siyang tinitigan habang siya ang na sa posisyong sa akin dapat ngayon. Suot niya ang jersey ko na kapareho lang ng apilyedo niya pero kaarawan ko ang nakalagay sa likod. Ako dapat ang lalaban sa ligang ito, pero siya ang kumuha sa pwesto ko. Madali lang ang pagmamanipula at pag-agaw para sa kaniya. Para sa akin, pinaparaya ko na lang siya sa kung anong gusto niya.
Pareho lang naman kami sa kagalingan sa lahat. Halos magkamukha kahit mas matangkad at mas matapang ang itsura niya kaysa sa akin. Hindi siya ang panganay pero siya ang pangalawa sa amin at ako ang bunso.
Pareho lang talaga ang lahat ng kakayahan namin. Maliban sa isa.
Babae.
Hindi lang sa mga bagay magaling mang-agaw si Kuya, sa babae rin. Hindi ako marunong sa babae. siya, magaling na. Maraming babae ang lumalapit sa akin habang tumatanda ako, pero hindi ko alam kung paano kikibuin at kay Kuya ko na lang itinatapon. Hindi ko kailangan ng babae.
Kaso may isang babaeng nakuha agad ang atensyon ko, unang tingin ko pa lang sa kaniya. May isang babaeng gusto kong usisain, pero hindi ko alam kung paano ko gagawin.
Pana iyang titig ko sa kaniya sa liga kapag hindi siya nakatingin sa akin. Sa oras na lumingon na siya papunta sa akin, iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya at umaaktong parang walang nangyaring titig ko sa kaniya. Pero mas maraming beses niya pa akong nahuling nakatingin sa kaniya kaysa sa hindi.
Kaya sa huling tingin niya sa akin noong gabing iyon ng liga, hindi ko na iniwas ang titig ko sa kaniya.
Isang tunog ang ibinigay ng cellphone ko kinabukasan. Hindi ko kilalang pangalan ng babae ang nag-send sa akin ng friend request, pero kilala ko ang apilyedo.
Agape Sanguine Laude sent you a friend request.
Naupo ako sa likod ng bahay nina Everette. Pinindot ko ang profile ng babae at dumiretso ako sa DP niya.
Isang itim na itim na pares ng sleeveless na damit at maiksing shorts ang suot ng babaeng may mahabang buhok. Izinoom ko dahil hindi ko naman makilaa ang babae hanggang sa may napagtanto ako. Mahaba lang ang buhok ng babaeng ito sa litrato pero kamukha nito ang babae kahapon sa liga na may maikling buhok.
Inistalk ko agad ang mga litrato niya at napagtantong siya nga iyon dahil sa isang tag sa kaniya na ang suot niya ay ang damit niya kahapon. Ang labas na balikat niyang itim at puting striped na blusa.
Ginabi na ako kakastalk sa kaniya. Puro mahahaba ang buhok niya sa mga nakaraan niyang litrato at lahat ng iyon ay magaganda ang mga damit at ngiti niya at sandamakmak ang likes.
BINABASA MO ANG
The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)
Teen FictionAgape Sanguine Laude is a woman that should have lots of friends and should be respected highly. But in the place she stays, she has neither of those. She has no friends. She is not respected. She is bullied, even. In this world full of judgemental...