Prologue

335 9 0
                                    

THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND KAJEJEHAN. IF YOU ARE A PERFECTIONIST DO NOT READ THIS. THIS IS FOR YOUR OWN GOOD.

~~~~~~
Prologue

They say being married to a man that you love is the most precious experience of a woman. Being with your dream man for the rest of your life is such a good and undefined feeling. Lahat naman yata tayong mga kababaihan ay gusto iyon, wala naman siguro sa atin ang gugustuhin na makasama ang lalaking hindi natin mahal.

"Carrie, smile. Hindi yung nakabusangot ka diyan." Cheska said while forcing me to smile.

Napairap naman ako.

"Being happy is not suit to this event, dapat ay sinisimangutan para malaman nilang ayoko 'to!" Pagalit ko pang sambit.

Cheska smiled unconsciously.

"Girl, wala ka nang magagawa pa. Your wedding is already over, mamaya lang ay honeymoon niyo na." Biro pa nito.

I gasped in annoyance. "Honeymoon ka diyan! Walang ganong mangyayari, we don't even love each other nga, e."

Mahina naman na natawa si Cheska.

"Okay. Chill, huwag laban na laban."

Inirapan ko na lang siya ulit at tumungo na sa puwesto ng mga magulang ko. Masaya silang nakikipag-usap sa magulang ni Ross, halatang nagkakasiyahan sila at masaya sa nangyari. Pero sila lang iyon, hindi ako kasama. And to think na ganoon rin si Ross, well the feeling is mutual.

Napatingin silang lahat sa akin ng dumating ako sa kanilang mesa, they're all smiling at me.

"Hija..." Tita Editha greeted me. "Come here, seat with us." She said, and then I feel my mom's hand carrying me to seat beside her.

"Where's Ross? Dapat ay magkasama kayo." Dad asked when I finally seated beside my mom.

Tumikhim naman ako at hilaw na ngumiti.

"U-Uh... baka po nasa mga kaibigan niya," Hindi siguradong sambit ko.

Tumango naman sila sa sinabi ko, nagpatuloy ang kanilang kuwentuhan na hindi ko halos maintindihan, puro kase about business ang kanilang pinag-uusapan at kung ano-ano pa.

Later on, napunta sa akin ang usapan nila.

"How's your feeling, hija? Are you happy?" Tito Delfin asked me.

I sighed, I want to say no. Pero hindi maaari, baka hampasin ako ng nanay ko.

"I-I'm... happy," I lied. "Yes, of course I'm happy po. Lahat ng babae ay masaya kapag kinasal sila, lalo na kung mahal nila ang napangasawa nila." Makahulugan ko pang sambit.

They sighed in relief, lahat sila ay napangiti ng malawak at parang nabunutan ng malaking tinik sa kanilang mga dibdib. I should be proud of myself, because I'm good at lying.

"I'm so proud of you, anak. White gown suits you, bagay na bagay." My mom said proudly.

Malungkot akong ngumiti. My parents look so proud and happy, pati na rin ang magulang ni Ross. Sana ay parehas kami ng nararamdaman nila, sana ay masaya rin kami at tanggap ang nangyayari.

Nagpaalam na ako sa kanila na tutungo muna sa ibang lamesa para kamustahin ang mga bisita, pinasuyo rin nilang hanapin ko si Ross para magkasama kaming tumungo sa mga bisita.

Sinunod ko naman ang utos nila, habang naglalakad at nagpapalinga-linga ay binabati rin ako ng ibang bisita, nginingitian ko lang sila bilang tugon.

Playful Married|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon