PLAYFUL MARRIED#7

113 15 0
                                    

PLAYFUL MARRIED#7

"Carrie!" Masayang sabi ni Cheska mula sa kabilang linya. "Mabuti naman at naisipan mo akong tawagan, masyado ka bang busy sa pagiging asawa at nakalimutan mo na kami ni Angge?" Mataray pa na sabi niya.

"I'm sorry, naging busy ako sa trabaho at hindi sa pagiging asawa." Sabi ko pa at natawa.

"Dahil diyan, we deserve a date! Ilabas mo kami, libre mo!"

"Sure, saan tayo?"

Napasigaw naman siya. "Really? Omg! Tatawagan ko si Angge, sa mall na lang tayo magkita. See you!" Sabi niya at pinutol na ang tawag.

Naiiling ko namang binaba ang telepeno at inilapag sa bedside table. Tumungo muna ako sa closet para maghanap ng damit na isusuot, pagbukas ko pa lang nito ay ikinagulat ko na ang paghulog ng iilang damit na hindi maayos na nakasampay sa loob.

Inis ko naman itong tinignan, halos pumutok ang ugat ko sa utak sa sobrang inis. "Ross!" I shouted.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang paghangos niya at ma-alertong binuksan ang pinto ng kuwarto.

"What happend? Bakit ka sumisigaw? May magnanakaw ba? Asaan?" Sunod-sunod niyang tanong.

Ngayon alam ko na ang feeling ng tinatanong ng sunod-sunod.

"Oo meron! At yung mga damit mo yung ginulo." Sarkastiko kong sabi. "Ano ka ba naman! How many times do I tell you na ayusin mo ang mga damit mo, at huwag hahayaan nakakalat!" Inis kong sabi.

Mahina naman siyang natawa at kumamot sa batok.

"Sorry... nagmamadali kase ako kahapon at hindi ko na naayos yung mga damit."

"Sorry mo mukha mo! Ayusin mo 'yan, tutal ikaw ang gumulo." Pagtataray ko pa at binangga ko pa ang braso niya pero ako naman ang nasaktan dahil sa tigas noon.

Tumungo na lang ako sa banyo para maligo at doon ibuhos ang inis. Ayoko sa lahat ay makalat sa bahay, lalo na kung ako ang naglilinis. Pero hindi naman ganoon kakalat si Ross, siya pa nga ang naglilinis ng ibaba at madalas mag-vacuum. Problema lang ang pagpapabaya niya sa damit, kaya madalas ako ang namimili at kumukuha ng damit na isusuot niya pamasok.

Nagbabad ako ng ilang minuto sa banyo at tsaka lang napagpasiyahan na lumabas na, maaga pa naman at hindi pa ako late sa oras ng pagkikita namin ng mga kaibigan ko. Kinapa ko ang tuwalya sa labas ng kurtina ng bathtub pero wala ito doon, at malas na nasa labas din ang robe. Bumalik na naman ang inis ko at padabog na tumayo sa tub, muntik pa akong madulas dahil sa ginawa ko.

Pinakiramdaman ko ang labas, wala na si Ross at tapos ng ayusin ang mga kinalat niya. Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng banyo, nakita ko naman ang robe at tuwalya sa likod ng pinto ng kwarto. Bibilisan ko na lang ang takbo para makuha agad ito.

Nang makalabas ay mabilis kong naramdaman ang lamig dahil wala akong suot na kahit isa, niyakap ko na lang ang sarili ko at dahan-dahan sa paglalakad para hindi ako madulas. Kinahaban naman ako ng makita ko ang iilang damit ko at ni Ross sa kama at hindi pa naaayos, ibig-sabihin ay hindi pa siya tapos mag-ayos. Shit!

Mabilis pa sa alas-kwatro akong tumakbo pabalik sana sa loob ng banyo, pero nauna ng bumukas ang pinto ng kwarto.

"Carrie—" Ross stunned as he scanned my whole existence.

"Ahh!" Mabilis kong sigaw at niyakap ang sarili ko, natataranta ako at hindi alam ang gagawin ko. "Tumalikod ka! Don't look at me!" Naiiyak ko ng sabi. Mukhang nagising naman sa katotohanan si Ross at tumalikod.

Kinuha ko ang pagkakataon at mabilis na kinuha ang comforter ng kama, nalaglag tuloy ang mga damit sa lapag. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita, nanginginig pa ako at hindi alam ang sasabihin.

Playful Married|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon