PLAYFUL MARRIED#6

116 19 0
                                    

PLAYFUL MARRIED#6

"Kuya!" I shouted.

Mabilis akong tumakbo papunta kay kuya at niyakap siya ng mahigpit.

"You miss me alot, huh?" He said and hug me back.

"Isn't obvious?" Natatawa ko pang sabi at bumitaw na.

"Where's your husband? Kailangan ko siyang kilatasin."

"Huh? Kilala mo na si Ross, di ba? Bakit pa," Naiiling kong sabi.

Nag-uusap lang kami habang papalapit sa table, bumalik ako sa upuan ko at hinayaan si kuya.

"Starwin, we didn't expect you to come back this early. Mabuti at pinaanyayahan mo ang imbitasyon namin." Nabigla pang sabi ni Grandpa, nilapitan naman siya ni kuya at nagyakap sila.

"Well, I think this is the perfect time to congratulate the newlyweds in personal. So I came home, wala nga lang akong pinagsabihan para surprise." Natatawa pa niyang sambit.

"Anak, we missed you so much. Mabuti at inuwian mo pa kami," Maramdaming sabi ni mommy.

"Of course, you're still my family. Ikaw pa rin ang mommy ko, mom." Paglalambing niya kay mommy at niyakap ng mahigpit.

Ganoon din ang ginawa niya kay daddy, at sa parents ni Ross pati na rin kay Don. Arnold, panay pa nga ang biruan nila na akala mo ay magka-edad lamang.

Naupo sa tabi ni Aishanna si Kuya, hindi ko alam kung nakilala niya si Aishanna, ito lang kase ang hindi niya binati at pati na rin si Ross.

"Kuya, don't tell me nakalimutan mo na si Aishanna?" Pasimpleng tanong ko.

"Aishanna? The younger sister of Ross?" Tanong niya pa. Tumango naman ako. "Of course not! She's the pikunin Aishanna that I know, but where is she?"

Narinig ko naman ang pagtawa ni Ross sa tabi ko. Tinignan ko naman ang katabi ni Kuya na pulang-pula ang mukha.

"Uh, nasa tabi mo?" Sarcastic ko pang sabi.

Dahan-dahan namang lumingon si Kuya sa kanang bahagi kung saan naka-upo si Aishanna na katabi niya.

"Aishanna? Is that you? Wow!" Sabi niya lang.

Mataray naman siyang tinignan ni Aishanna.

"Yes it's me, the pikunin Aishanna that you know. Pero hindi na ngayon, I change alot!"

"Woah! Chill, binibiro ka lang. But yeah... you change, you're more cuter." Pang-aasar ni Kuya na lalong ikinasimangot ni Aishanna. Panay lang ang tawanan ng lahat dahil sa dalawa, para pa rin silang aso't pusa kung magbangayan.

"Mamaya na kayo mag-away diyan, kumain na muna tayo at lalamig ang pagkain." Utos ni Grandpa.

Natahimik muna sa pag-aasaran ang dalawa at sa pagkain muna ang atensyon ng lahat. Pero pasimple pa ring inaasar ni Kuya si Aishanna, mabuti at hindi nakisali si Ross, kundi ay magkakaroon talaga ng gulo.

Napunta ang usapan sa business, hindi mawawala kahit saan kaming lugar o kahit sa harap pa ng pagkain.

"Pa, we're all shock ng malaman namin na uuwi ka na agad. I mean, nakakagulat na ang bilis niyong naisara ni Tito Arnold ang deal with the foreign investor." Manghang sabi ni Daddy.

Uminom muna si Grandpa bago magsalita. "Of course, mag-merge ba naman ang Santiago's Clothing design at Heriales Clothing line. Hindi naman sa pagmamayabang, this two companies are well known in the whole Asia, pati na rin sa ibang bansa." Proud na sabi ni Grandpa.

Lahat ay tumango lang at sinang-ayunan ang sinabi ni Grandpa. Nagpatuloy lang ang pag-uusap ng mga nakakatanda, kaming mas mga bata ay nakikinig lang.

Playful Married|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon