PLAYFUL MARRIED#22
"Merry Christmas!" Masayang bati ng lahat.
Kahit saan ka tumingin ay ito ang maririnig. Dahil pasko nga naman, kaya puro ganito ang pagbati. Napakaraming tao sa mansion ng mga Heriales, kumpleto na ang clan nila, kasama ang pamilya ko.
Gifts are all under the christmas tree, delicious foods are all set. Lahat ng tao ay masaya, nakangiti. Bawat pagdating ng mga tao ay binabati at inaasikaso. Sa garden nila ginanap ang pagtitipon, presko at mas maluwag kase doon. May swimming party din na gaganapin, kadalasan ay mga bata lang ang nag-eenjoy, ang mga adults ay nag-uumpisa na rin na uminom at magkaniya-kaniyang kuwentuhan.
"Hi ate!" Aishanna greeted me happily.
Tinignan ko muna siya at pina-upo sa tabi ko.
"Are you okay? Hindi ka ba nabu-bored?" Tanong niya pa.
Umiling naman ako. "Nope, masaya nga, e."
"Tara, swimming tayo," pag-aaya niya sa akin.
Nagdalawang isip naman ako. Bukod sa puro bata ang nasa pool at iilan lang ang matatanda, ay wala rin akong dalang swimming attire.
"Thanks, pero wala akong dalang pang-swimming."
"That's okay! Marami akong new bikinis, ate. I can give you." She joyfully said.
Napa-iling naman ako at nag-isip ulit. Masyadong sexy manamit si Aishanna, at hindi kami pareho. Wala rin akong lakas ng loob magsuot ng mga ganoong bagay, I never wear bikinis, actually. Kaya hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi.
"Next time na lang, Shanna. Nilalamig din ako,"
Nalungkot naman siya pero ngumiti rin sa huli.
"Okay, ate! Sabihan mo na lang ako if you want to swim." Sabi nito at nagpaalam na magpapalit muna.
Naiwan ulit ako sa couch mag-isa, lahat kase ng tao ay busy. Kahit ang sarili kong pamilya, lahat sila ay may kaniya-kaniyang kausap at ginagawa. Busog pa rin ako, balak ko sanang gawin ay kumain na lang para maaliw, pero punong-puno pa ang tiyan ko. Kaya inaliw ko na lang ang sarili ko sa paglalaro ng games sa phone. Maya-maya pa ay naramdaman kong may tumabi sa akin.
"Hi!" The little boy greet me, inayos niya pa ang salamin.
"Hello cutie, what's your name?" Tanong ko, ngayon pa lang ay naaaliw na ako sa kaniya.
"My name is Jedwin, how about you po?" Magalang nitong tanong.
I smiled. "I am ate Carrie, nice meeting you."
"Likewise." Sagot nito na ikinagulat ko.
Para siyang matanda na ginawang bata. Magalang siyang kausap, pero halatang matured ang utak at matalino.
"Do you want to play chess?" Tanong nito.
Napangiti naman ako.
"I'm sorry, hindi ako marunong, e." Nahihiya ko pang sagot.
Napanguso naman ito, hindi ko tuloy maiwasan kurutin ang pisngi niya. Ang cute!
Later on, dumating si Ross. Agad niya akong nilapitan.
"Hi buddy!" Bati nito sa katabi ko.
Hindi pala sa akin lumapit.
"Hi uncle, do you want to play chess?" Tanong naman nito kay Ross.
Napatawa ako doon. Pamangkin pala ito ni Ross, pansin ko rin ang pagkakamukha. At mukhang naghahanap ito ng kalaro, at bored na bored na sa buhay.
"Sorry buddy, we can't play for now." Hingi niya ng paumanhin.
BINABASA MO ANG
Playful Married|COMPLETED|
RomanceCresent agreed to married Ross- her childhood friend that she likes ever since. Their life as a married couple is everyday adventure, they need to act as a sweet couple every time that their parents and friends are there. They live as a normal coupl...