PLAYFUL MARRIED#10

122 13 0
                                    

PLAYFUL MARRIED#10

"Nilalagyan ko lang ng bakod ang dapat na sa akin lang.."

Oww! Shit!

"Carrie! Did you get me?" Malakas na boses ni Asha ang gumising sa aking panaginip pero nakadilat.

My mind keeps running, sabagay hindi naman talaga natatapos ang paggalaw ng utak. Pero ang sa akin ay iba ang tinatakbo, paulit-ulit na lang pumapasok sa utak ko ang mga linyang binitawan ni Ross. Hindi tuloy mapahinga ang utak ko kakaisip at patuloy lang ito sa paglalakbay.

"Hey, girl! Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko?" Muling kuha ng atensyon ko ni Asha.

I cleared my throat. "Y-yes, what is it again?"

"Hindi mo nga naintindihan! What's on your mind?" Naloloka niya pang tanong sa akin.

Natawa naman ako sa kaniyang reaksyon. Para kaseng sobrang frustated noon at akala mo ay napakalaking problema.

"Wala naman..." I lied.

She sighed. "We need to finalize the design, deadline na bukas."

"Ah, yes. Tapos ko na naman din, you can send it to Mrs. Santiago." I formally said. Pilit inalis ang tumatakbo sa isipan ko.

"Too formal... Okay, then! Ibibigay ko na itong mga final designs to you Mom." Paalam niya pa at lumabas na mula sa kwarto namin.

Pagkalabas naman niya ay napahiga na lang ako sa lamesa ko. I feel so depress and stress, kahit hindi naman. Kahit anong gawin ko ay hindi nawawala ang mga iniisip ko, lalo na yung pesteng linya na 'yun!

He just putting a 'bakod' because Im only him? Big word! Masyadong paasa, pinapakilig ako tapos sa huli sasaktan ako. I should not trust him, hindi dapat ako mahulog sa patibong niya, because in the end ay ako lang naman ang masasaktan. As always, tss.

Bumalik si Asha na may bitbit na dalawang tasa ng kape, marahan niyang inilapag sa table ko ang isa.

"Thank you." Pasalamat ko at sumimsim dito.

"Mukhang kailangan mo talaga ng kape, mukha kang bangag, e." Natatawa niyang sabi.

Natawa naman din ako. "Sorry, puyat lang kagabi."

"Bakit?" Tanong niya at biglang ngumisi ng nakakaloko. "Siguro pinuyat ka ni Ross noh? Shems! Excited na akong maging ninang." Naeexcite pa na sabi niya.

Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape dahil sa sinasabi niya. Iniwas ko ang tingin ko at nag-kunyare na normal lang lahat, geez! Utak talaga ni Asha. But she's actually right, pinagod naman talaga ako ni Ross. Pinagod niya ako kaka-isip sa mga salitang binitawan niya, pati yung yakap. Kahit tulog na ako ay dama ko iyon hanggang panaginip, reason kung bakit ayoko siyang katabing matulog, he loves to hug something, at kung walang thing ay tao ang kaniyang niyayakap.

"Ano nga palang sabi ni Mrs. Santiago? Did she like it?" Kinakabahan kong tanong. Kahit na kay Mommy niya pinasa ang mga designs na ginawa namin ay hindi ko maiwasang kabahan.

Huminto siya saglit sa pag-inom at nag-isip.

"Uh..." Nag-iisip niya pang sambit.

Napasimangot naman ako. "Huwag kan pabitin! Did she like it or not? Just tell me." I said nervously.

She laughed. "Kabado masyado! Of course she will like it, tayo kaya ang nag-design. Best partner tayo, remember?" Proud pang sabi niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Atleast hindi naapektuhan ang trabaho ko ng mga isipin ko, napanatili ko pa rin ang professionalism ko kahit na kung saan-saan tumatakbo ang utak ko.

Nang matapos ang oras ng trabaho ay nagdadalawang isip pa ako kung uuwi na ba ako o hindi. Kinasanayan ko na naman ang ibang oras ng uwi dahil nga hinihintay ko pang dumating si Ross sa bahay, mas gusto ko siyang mauna. Pero ngayon, naguguluhan ako kung uuwi na ba ako o magii-stay muna sa kung saan.

Sa huli ay napagdesisyunan ko ng umuwi. Wala namang magagawa ang pag-iinarte ko, gagabihin lang ako. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Ross, matapos kase ang pangyayari kagabi ay hindi na kami nagkita kinaumagahan, maaga siyang umalis dahil sa breakfast meeting. Alam ko ang schedule niya at alam niya rin ang sa akin, ang hindi lang namin nalalaman ay yung mga ibang lakad.

Usapan na rin kase naming alamin ang mga ganoong bagay. Para kapag nagtanong ang mga magulang namin ay may maayos kaming isasagot.

Nadatnan ko ang bahay na madilim pa at walang tao, bigla akong nanibago. Dahil nga sabi ko, mas madalas ay pinapauna ko talagang umuwi si Ross kaya naabutan ko ang bahay na buhay na at may mabango siyang niluluto. Pero ngayon ay wala, ni bakas na bumalik siya dito ay wala rin.

Napahinga ako ng malalim. Inipit ko ang buhok ko sa messy bun na style tapos ay naghugas ako ng kamay. Ako na lang ang magluluto ng hapunan, tutal ay ako naman ang nauna.

Habang tumitingin sa loob ng laman ng ref ay hindi ko maiwasang kabahan. Panay tuloy ang silip ko sa pinto, kinakabahan ako sa pagdating niya, dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Sighed. Isinantabi ko muna ang lahat ng isipin ko at pakiramdam, nag-focus na lang ako sa paghahanda ng hapunan. Mahirap na, baka hindi maging masarap ang aking lulutuin kapag wala ako sa huwisyo.

Nailagay ko na sa mas maliit na lalagyan ang niluto kong Caldereta pero hindi pa rin dumadating si Ross. Sumulyap pa ako sa wrist watch ko para tignan ang oras, 9:30 p.m na pero wala pa rin siya. Baka marami siyang ginagawa kaya late na siyang makaka-uwi, gusto ko sana siyang itext pero kinakabahan na naman ako.

Nang sumapit ang alas-diyes ng gabi at wala pa rin siya ay naisipan ko na siyang itext. I bit my lips while composing a message to him, hindi naman ito mahaba pero wala akong maisip na sasabihin.

Ako:

Good evening. What time ka uuwi? Nagluto na ako ng hapunan... Iinitin ko na lang kapag dating mo.

Pormal ko lang na mensahe sa kaniya. Muli kopa itong binasa, hindi naman ako mukhang kabado kahit sa text lang kaya hindi ko na pinansin pa.

Nag-hintay ako ng ilang segundo, minuto at oras. Pero wala pa rin siya, muli kong sinipat ang cellphone ko at tinignan kung may relpy na siya, pero wala pa rin. Napabuntong-hininga ako at nagpasyang huwag na siyang hinatayin pa, nauna na akong kumain kahit parang bigla na lang nawala ang kagutuman ko. Biglang nawala ang pakiramdam ko, lungkot at dismaya ang naiwan.

Tapos kong kumain ay hinugasan ko na ito at iniligpit ang niluto ko, inilipat ko ito sa plastic na lalagyan. Pagkalagay ko ng takip ay ipinasok ko na ito sa loob ng ref, siya na lang ang mag-init.

Matapos 'non ay umakyat na ako at nag-half bath. Wala akong ganang kumilos, hindi sa akin maiwasan ang pag-aalala dahil wala naman kase siyang relpy kahit isa, wala din akong nakita sa schedule niya na mayroon pa siyang late dinner meeting. Siguro ay may-iba siyang lakad? At wala na dapat akong paki-alam doon, matulog na lang ako at huwag na siyang hintayin.

Pagka-higa ko ay muli kong tinignan ang phone ko at umaasang may reply na siya. Pero wala pa rin, kaya muli akong nag-tipa ng mensahe.

Kapag wala pa rin ay matutulog na ako.

Ako:

It's already midnight, may iba ka bang lakad? Ikaw na lang ang mag-init ng ulam pagka-uwi mo, kung nagugutom ka. Goodnight:))

Pagka-send noon ay inilapag ko na ang phone ko sa bedside table. Tumagilid ako at blangkong tinignan ang puwesto niya. Gusto kong mainis pero wala akong karapatan, gusto ko na rin sana siyang tawagan para malaman kung ayos lang ba siya. Pero wala akong lakas ng loob, naiisip ko pa lang na gagawin ko iyon ay nahihiya na ako.

Nakatulugan ko ang pag-iisip at hindi na namalayan ang mga nangyayari. Basta ay naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng pagtulog ng may marinig akong malabong salita, mukhang nananaginip ako.

"I love you, my moon. Goodnight."

Isang panaginip na nagbigay sa akin ng libo-libong pag-asa, mabuti pa sa dream world ay mahal niya ako. Sana pati na rin sa real world.

Playful Married|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon