PLAYFUL MARRIED#40
Five months. My tummy becomes more bigger. Puwede na raw naming malaman kung ano ang gender ng baby. But Tita Editha said na huwag daw muna. Kapag nag-seven months na lang daw. Minsan daw kase ay nagbabago pa ang gender. I'm still living in my parents house. Ginusto na rin kase naming dalawa yung ganito, kesa naman daw mainis ako ng mainis sa kaniya. Hindi na naman ganoon kalala yung inis ko sa kaniya, mild na lang. Plano ko na ring bumalik next week sa bahay. So he can took care of me freely, hindi niya kase nagawa iyon masyado dahil nga sa mood swings ko.
Nakaramdam naman ako ng gutom bigla. Kaya bumaba ako para maghanap ng pagkain. Kahit Sabado ngayon ay wala pa ring tao sa bahay. Naiwan na naman akong mag-isa. Si Manang ay namalengke, as usual yung parents ko ay nasa trabaho. I'm still working. Kapag nag-eight months yung tiyan ko tsaka ako magsi-sick leave. Ayaw na talaga akong papasukin ni Mommy at Daddy, pero sabi ko ay kaya ko pa namang mag-trabaho.
Tumingin ako ng puwedeng makain sa ref. Puro mga hilaw pa ito at walang luto. May leftover pizza pero ayoko ng flavor. May cake din, pero hindi iyon ang gusto kong kainin. Ayoko namang magluto dahil masyadong maselan ang pang-amoy ko, kahit lumipas na ang paglilihi stage. Naupo na lang ako sa sofa at nanood ng TV. Umilaw naman ang phone ko na na nakapatong sa lamesa na nasa harap ko. Kinuha ko ito para basahin ang message. Sa trabaho lang ito, pinapaalala sa akin ang mga dapat kong tapusin. Hindi ko na lang nireplyan at nanonood na lang ng TV.
Pero hindi ko matiis ang gutom. Lalo na at cooking show pa ang pinanonood ko. Naghanap naman ako ng puwedeng tawagan. Si Asha ang una kong tinawagan, pero busy ang phone niya, mukhang kausap si Ashton. Si Ryle din ay tinawagan ko, pero nakapatay ang phone. At last, si Ross na lang. Nahihiya kase ako sa kaniya, at alam kong busy siya, pero nagugutom ang anak niya kaya kailangan kong kumain. Tatlong ring muna bago niya sagutin.
"Hello?"
"Ross, nagugutom ako."
"You're hungry? Hindi ka pa kumain?"
"Kumain na, gutom lang ulit." Nahihiya kong sabi.
Mahina naman siyang natawa. "Okay, what do you want? Mag-oorder na lang ako."
"Uhm... Ice cream sundae and burger, ayun lang."
"Okay, just please wait for a minute."
"Thank you!" I said happily then cut the line.
Hinintay ko na lang na dumating yung pagkaing gusto ko. Marami pa talaga akong gusto, pero yung dalawa yung pinaka-gusto ko. Naging comfort food ko na kase yung ice cream sundae and burger. Masyado akong natatakam sa pinanonood ko kaya nilipat ko ito sa ibang channel, hininto ko na lang ito sa cartoon network. Pokemon ang kasalukuyang palabas, sakto at gusto kong makita si pikachu.
Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko nang tumunog ang doorbell sa labas ng gate. Dali-dali akong tumayo at binuksan ang double doors, maingat lang akon tumakbo papunta sa gate. Nakita ko agad si kuya delivery boy, nasa likod niya yung motor niya tapos may hawak na paper bag na sigurado akong naglalaman ng inorder ni Ross na pagkain.
"Hi Ma'am, here's your order." Jolly na sabi ni kuya.
Kinuha ko naman yung paper bag at nginitian siya. "Salamat po, ingat!"
Pagkasabi ko no'n ay pumasok na rin agad ako sa loob ng bahay para kumain. Kanina pa kase ako gutom, mabuti at natiis ko nga. Nilapag ko ito sa coffee table at kinuha ang large burger at ice cream sundae. Nilantakan ko agad ang ice cream sunod ang burger. Hindi ko muna nilukot yung paper bag dahil doon ko ilalagay yung mga kalat kapag natapos akong kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang tumunog ang phone ko, rumehistro ang pangalan ni Ross pati na rin ang mukha niya.
"Hmm?" Sagot ko, may laman kase ag bibig ko.
"Dumating na yung foods?"
Nilunok ko muna yung pagkain na nasa bibig ko bago sumagot. "Yup, kanina pa. Kinakain ko na nga e.
"Good. Are you still hungry?"
"Hindi na. Yata? I'm not sure, mamaya ko malalaman kapag naubos ko na yung kinakain ko."
"So hindi mo pa ubos?"
"Hindi pa, why?"
"Uh, did you already throw the paper bag? Yung pinaglagyan ng foods."
Tinignan ko naman yung paper bag na nasa lamesa lang. Kinuha ko ito at nilapag sa hita ko.
"Hindi pa, bakit? Importante ba 'to?" Taka kong tanong.
"Uh... can you look what's inside that paper bag, please."
Binaba ko naman ang phone ko at ini-loud speak na lang ito. Kinuha ko naman ang paper bag na nasa hita ko at tinignan ang loob. May napansin akong maliit na bagay na kuminang. Kunot-noo ko naman itong kinuha. Nanglaki ang mga mata ko nang tuluyan ko itong makita at mahawakan.
"You saw it?" Tanong ni Ross sa kabilang linya. Hindi naman ako nakasagot at nakatingin lang sa singsing na hawak ko. "Hey, Carrie? Are you still there?"
Napakurap naman ako at kinuha ang phone ko.
"Y-Yes, I'm still here." Hindi maiwasan ang kaba sa pagsasalita ko. What is this mean?
"Great, you saw the ring?"
"Uh-huh, what is this for?"
"That's for you."
Bahagya naman akong nagulat. "Para saan? Gift?"
He chuckled. "Nope, it's... engagement ring."
"W-What?" Naguguluhan kong tanong.
"I'm proposing, can you see?" Natatawa niyang sabi.
"T-Teka..." I'm still shocked.
"Sorry kung hindi formal, and I know na medyo inis ka pa rin sa 'kin. So I plan na thru phone call na lang ako mag-proposed." He explained. "I didn't give you a engagement ring when we got married. So now, I'm giving you that ring, and asking you if you're willing to marry me, again?"
Hindi ko namang maiwasang mapa-iyak. Masyado akong nagiging emosyonal, lalo na ay pagdating sa kaniya. This man never disappoint me, mapamaliit o malaking bagay. Lagi siyang gumagawa ng effort para sa akin, and now kasama na ang magiging baby namin.
"Hey, don't cry please? Wala ako diyan to wipe your tears."
"S-Sorry, I was just suprised."
"Really?! Glad you suprised! Ayan naman yung gusto kong mangyari. You just help me to the idea, thank you."
Natawa naman ako at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko.
"So what's your answer? I need to hear it, babe."
Tumikhim muna ako. Of course it's a yes. Hindi ko na kailangang mag-inarte pa.
"Ross... it's a—"
"Sir, Mr. Salgado is arrived. Nasa meeting room na po siya."
I heard on the other line. Boses iyon ni Aina.
"Babe, can you please send me a picture of yours wearing the ring, if your answer is yes. But if its no, then don't tell me, I will be hurt. I have to go, I have meetings to attend. Bye! I love you." Tuloy-tuloy niyang sabi at pinutol na ang linya.
Natawa naman ako sa pagmamadali niya. Sinuot ko na lang ang singsing at pinindot ko yung camera app. Medyo namumula pa ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Pero pinilit kong ngumiti at itinaas ang kamay ko na may suot na singsing. Pinindot ko ang capture button tapos ay mabilis na sinend kay Ross.
Yes babe, I'm going to marry you, again. I love you too.
BINABASA MO ANG
Playful Married|COMPLETED|
RomanceCresent agreed to married Ross- her childhood friend that she likes ever since. Their life as a married couple is everyday adventure, they need to act as a sweet couple every time that their parents and friends are there. They live as a normal coupl...