PLAYFUL MARRIED#24

91 3 0
                                    

PLAYFUL MARRIED#24

Ganado, naka-dalawang kape.

***

"Ah! My head." Dinig kong reklamo ni Ross kinabukasan.

Tinanggal niya ang kamay niyang nakayakap sa akin. Nilingon ko naman siya at sinamaan ng tingin.

"Masakit ulo mo? Sige, inom pa." Pang-aasar ko pa.

"Sorry, ano'ng oras ako naka-uwi?" Tanong niya pa.

"Alas-dos? Yata." Malamig kong sagot.

"Are you mad?"

"Hindi, yata."

"Cresent..."

"What? Naiinis ka na? Ako rin, e." Sagot ko at padabog na lumabas ng kwarto.

Plano ko na hindi magluto ng almusal, pero dahil gutom din ako at sabay kaming nagising, kailangan kong magluto. Simpleng almusal lang, ibinase ko lang sa mood ko. Ilang minuto lang din ay bumaba na siya, nakaligo na.

"Hindi ka mag-aalmusal?" Tanong ko sa kaniya pagka-baba.

"I'm sorry, kailangan na sa opisina."

"Ah..."

Wala na akong masabi. Nag-effort pa ako, sayang lang. Tinignan ko rin ang pagkain na niluto ko kahapon, hindi rin nagalaw. Ayoko sa lahat nasasayang ang pagkain, pati effort ko.

"I'm really sorry." Paumanhin niya ulit.

Tinignan ko siya ng masama.

"Sige, basta hindi na kita ipagluluto ulit." Sabi ko at binitawan ang hawak kong sandok.

"Carrie..." tawag niya pa.

Hindi ko siya pinansin. Dire-diresto lang akong naglakad. Pinigilan niya lang ako gamit ang pagkuha sa kamay ko.

"Fine, kakain muna 'ko. I will call Richard first." Sabi nito at umalis muna saglit.

Happy Carrie? Sorry, hindi.

Tinapos ko na lang ang niluluto ko. Tapos ay kinuha ang pagkain na natira kagabi at ininit. Medyo mahaba ang naging usapan nila, mukhang mahabang paliwanagan. Bumalik din siya ng lumipas ang ilang minuto.

"Matatapos na 'to, kumain ka na." Sabi ko, pinipilit ang pagiging seryoso.

Tinignan niya naman ako. Naiilang pero hindi pinahalata, matatalo agad ako kapag nagpa-apekto ako. Matapos initin ay inilagay ko sa mas maayos na lalagyan at inilapag din sa harap niya. Kumuha din ako ng makakain, kanina pa rin ako gutom. Tinitignan niya lang ang bawat galaw ko, nakakailang!

"Quit staring." Madiin kong sabi.

He laughed. "Sorry, I can't help it."

Inismiran ko lang siya at hindi na lang pinansin. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain, mas mabuting sa pagkain muna ako mag-focus. Pero malabo yata na mangyari 'yun, kung ang kaharap mo ay papansin ng papansin.

"What time you came home last night?" He asked.

Taka ko naman siyang tinignan.

"I remember everything," sabi niya pa at mabilis na nag-iwas ng tingin.

So...

"Maaga." Sagot ko.

"Maaga? Or maga na?" He retorted.

"Early, not morning. Huwag mo 'kong igaya sa'yo." I said.

Nababa niya naman ang kubyertos niya. He look at me apologetically. Nakipag-laban naman ako ng tingin sa kaniya.

Playful Married|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon